III

1723 Words
Hindi ko alam ang gagawin ko, bago lang ako rito at hindi ko alam kung saan ako dapat humingi ng tulong. Masyadong malayo ang principal's office at gabi na. Tiyak na ang night class student na ang nasa school, baka pagtinangka ko ay magkanda letche-letche pa ang unang araw ko. Kahit na natatakot ay hindi ko naman maatim ang pabayaan lamang syang bagsak ang katawan sa sahig. Hindi ko rin alam kung paano ko sya kinayang akayin papunta sa kabilang kwarto ng bahay. Basta ang alam ko lang ay kinaya ko. Tinanggal ko ang pang-itaas nyang kasuotang may bahid ng dugo. Nakita ko rin ang sugat na mukhang hindi naman malalim. Kahit gaano ka awkward ang sitwasyon ko ngayon ay hindi ko na iyon pinansin. There's this huge feeling that keeps me going. I need to help him. Nilinisan ko sya at ang sugat nya, kulang pa ako sa first aid kit dahil pinagtatapon ko na iyon para sana paltan. Bukas ko na lamang sya dadalhin o sya na mismo ang magpagamot sa sugat nya sa eksperto. Isang bimpo at maligamgam na tubig lamang ang pinanlinis ko sa kanya at sa paligid ng sugat nya. Hirap kong nilagyan ng benda ang sugat nya dahil mabigat sya, kailangan ko pa iyon padaanin sa likod nya. Mabuti na lamang at hindi ko itinapon ang tirang benda dahil maayos pa naman. Mataas din ang lagnat nya kaya't nilagyan ko rin sya ng maligamgam na bimpo sa noo. At nilagyan ng duvet. I turned the aircon off. "Sino ka ba? Why would you go to this house when you badly need something?" wala sa sarili kong tanong kahit na hindi nya naman ako naririnig. Babalik na sana ako sa kwarto ko ng busangot ang mukhang tumigil. I can't just let this weak man be alone. Baka mamaya ay kung mapaano pa sya at kargo ko pa. Kumuha ako ng extra duvet sya aparador at inilatag iyon sa sahig. Duon ako nahiga na halos hindi rin naman ako makatulog. Sa bawat pag-iga ng bimpo ay binabasa ko iyong muli. Hindi ko na namalayan at nagising na lamang ako. Malambot at kumportable ang pagkakahiga ko. Nang-imulat ko ang aking mata ay nakita kong sumisilay ang liwanag. Palagi namang mukhang kulimlim ang lugar na ito. Nakita kong ala-sais na ng umaga. Mabuti na lamang at nagising ako, dahil ang unang klase ko ngayong araw ay alas-otso. Napabaligwas ako ng bangon ng maalala ang lalaki. Nagulat ako ng wala na akong kasama. Ako na rin ang nakahiga sa kamang hinihig-an nya kagabi. Tumingin ako sa paligid at nakita ang planggana na may lamang tubig na lumamig na. Yun na lamang ang natira sa gamit na kinatulugan ko kagabi. Ang duvet na ginamit ko panlatag sa sahig ay nakatupi na sa may paanan ng kama. "Saan pumunta yon?" kahit na blangko ang diwa ay hinayaan ko na lamang sya. Kumikilos tuloy ako para pumasok na lumilipad ang isip. Ni hindi ko man lamang natanong kung sino sya. Isa pa, dapat may kapalit yung pagkapuyat ko sa kanya noh. Kahit hindi ko naman sya kilala. "Adi, kanina ka pa tulala," saad ni Hiraya. Nakita ko si Hiraya sa may entrance ng village kaya sya ang kasama ko ngayon dito sa canteen. "Kanina pa ako kwento ng kwento rito, hindi ka naman nakikinig," dagdag pa niya. Katatapos lang ng unang schedule ko sa klase at isang oras pa bago ang sunod. Si Hiraya naman ay kasama ko sa unang class schedule ko. Ang class schedule ko naman mamayang hapon ay kasama ang mga Shaman Student. Doon kami mag-aaral at tuturuan ng kung ano-ano tungkol sa pagiging Shaman. I feel like being a student in the morning is just a disguise, hence, the students here knows that the Shamans are not participating an afternoon class. "Kailan kaya ulit natin makikita ang student ng Night Class?" "For real! Lalo na si prexy!" "No, but the Alpha. Kahit di ko pa lubusang nakikita ang mukha nya, he has the aura!" "Nararamdaman ko rin yan, pakiramdam ko sobrang gwapo nya, kahit pa natatakpan ng maskara ang kalahati nyang mukha." Rinig na rinig ko ang upuan namin ang bulungan ng mga babae sa kabilang table. They are fantasizing the night class students, the vampires. Seriously? are they sane? nasa katinuan ba sila? Well, I can agree with them. From the three vampires that I encounter, they're all a beaty. And the guy from last night is a God with his features. They are bless. May tapon ba sa mga bampira? "Adi, so as I said kanina, vampires are protected and respected. Well, given naman na yun dahil mas may kakayanan sila. Shamans protects them and every races in this community," ngumiti sya sa akin. "I'm one of the representative of day class students, kaya I got a chance to tour you around," dagdag pa niya. Tumango-tango naman ako. That makes sense na they choose her. Hindi ko pa natatapos kainin ang sandwich ko ng kunin nya ang kamay kong may hawak niyon. Hinila nya ako patayo na nakapagpigil ng pagsubo ko sana. "T-teka, b-baki..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hilahin nya ako palabas ng canteen. Wala naman akong choice kundi ang sumunod at magpatianod sa kanya. Dinala nya ako sa silid-aklatan. Namangha naman ako sa laki ng lugar. Seriously? Anong meron? I'm not a fan of reading o maging academic addict. I'm just here to prove that I am something more than just an ungifted shaman not worthy of being one. "Bakit mo naman ako dinala rito?" pamay-awang kong tanong kay Hiraya. She smile and wonder around the bookshelves. Kinuha nya ang isang may kalumaang libro. Is she a vintage girly? Don't tell me magbabasa kami ng pagkadumi-duming libro na yan? Hinipan nya pa ang ibabaw niyon sa harap ko na nakapagpaubo sa akin. "Anong gagawin natin dyan?" tanong ko. Sarkastiko naman nya akong sinaman ng tingin. Saka pumunta sa upuan. Sumunod naman ako sa kanya. "Pasalamat ka you have me," sambit nya. "Dito ko nabasa lahat ng impormasyong alam ko about the vampires," bahagya nyang inilapit ang mukha nya sa akin at iniharap sa akin ang libro. Tiningnan ko naman iyon at tinanggap. May point naman syang dapat ko rin itong basahin. I'll be spending years, or the rest of my life here. I should know how to cope with them. Or let say, kung sino nga ba sila. Tumingin sya sa orasan at nagmamadaling tumayo. "I should hurry, may klase pa ako," sambit nya saka patakbong lumabas ng library. Bumagal pa sya sa tapat ng librarian dahil napagalitan. Tiningnan ko ang libro at binuklat iyon. "Uh, miss?" nagulat ako sa ng may yumugyog sa akin. Mumukat-mukat akong nagmulat at nakita ang matandang librarian. Ngumiti sya sa akin. "Mukhang nakatulog ka na kakabasa at kakahanap ng kung ano-anong libro," tiningnan nya ang patong ng libro na nabasa ko kanina. Ang isa pa ay naub-uban ko sa patulog nang nakabuklat. Hindi ko namalayan ang oras kanina habang nagbabasa ako, basta basa lang ako ng basa kakahanap sa ibang parte ng unang librong ibinigay sa akin ni Hiraya. May punit na pilas ang libro kaya't hindi ako mapakali ng hindi nababasa. Nakita ko ang paghahari ng dilim sa labas senyales na gabi na. Naku patay, hindi na ako naka-attend sa iba kong klase. "Haysh!" pabulong kong singhal. At napakamot sa ulo. Paano ko papatunayan ang sarili ko kung unang araw pa lamang e, mukha na akong nagbulakbol. Nagpasalamat ako sa librarian bago umalis. Mukhang pati sya ay ginabi sa tagal kong nakatulog. It's already 7 in the evening. Napahinto ako sa paglalakad sa hallway palayo sa library ng may mapagtanto. Night class students are already here, for sure. "I f****d up so bad," mahinang bulong ko saka dahan-dahang inutay ang paglabas ng corridor. Napahinto ako sa ginagawa ng may marinig na tawanan. Sa naririnig, masasabi kong grupo iyon ng mga babae at lalaki. Tahimik at pikit-mata kong siniksik sa sarili sa kabilang dulo ng locker. "Alliyah, sige na. Turuan mo na akong gumawa ng bulaklak, para sa isang buwan ay kaya ko na at maibigay ko sa kaarawan ng aking tinatangi," masuyong saad ng babae. May lalaki namang tumawa sa kanyang sinabi. "Artemis, alam mo? ewan ko sayo. Napakarami namang bulaklak sa hardin nyo. Pwede na yon, magpapakahirap ka pa e," kumento ng lalaki. Tumawa pa ito lalo na sinaway naman ng isa. Habang ako naman ay pilit na ini-aatras ang sarili para hindi dumungaw ang katiting na bahagi ng katawan. Mahirap na at baka makita. Sa pagpupumilit kong isiksik ang sarili ay nabundol ko ang locker dahilan ng mahinang pagyugyog niyon at paglaglag ng kung ano mula sa taas nito. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa. Kahit anong gawin ko alam kong mahuhuli nila ako. Siguro ay hihingi na lamang ako ng tulong sa buwan na iligtas ako sa kung ano mang kapalit nang katigasan ng aking ulo. "Sino yan?" tanong ng isa. Alam kong utay-utay silang lumalapit dahil ramdam ko ang presensya nila. "I'm pretty sure I can't smell anyone in here, Artemis. Baka naman nalaglag lang," bulong ng isa na rinig ko dahil sa lapit nila. Lalabas na sana ako para magpakita at manalangin na lamang na huwag masamain ng mga ito at wala namang kahit na anong importante akong narinig, ngunit may pumigil sa palapulsuhan ko. Napalingon ako sa kanya at nakita ang pamilyar na itsura nito. Hindi ko alam kung kailan pa sya riyan o kung paano sya nakarating. Nagulat na lamang ako ng makitang nag-iba na ang paligid. Nasa balkonahe na kami ng kwarto ko. "Nice to meet you, again," magalang nyang saad sa malumay na tono. Malayo sa itsura nya, he looks ruthless and a snob. Mataray ang features ng mukha nya, ngunit hindi ko maipagkakaila na sa lahat ng nakita at nakilala ko ay sya ang pinakanakakaakit. Napakaganda nyang lalaki. He stand firm on his foot and kiss the back of my hand. He then stop and drop my hand. He's the guy from last night. At kung titingnan ay parang hindi sya nagkasakit. He smiled a little. I’m not sure if it’s smile or a sarcastic smirk. "Take this as my repayment for your kindness," he said those words fiercely before vanishing from my sight. He didn't even bother to let me thank him for saving me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD