IV

1386 Words
Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko. Kahit anong pilit kong makatulog ay hindi ko magawa. Sa dami ng nangyari ngayong araw at sa mga pagtulong na naganap. Iniisip ko ang mga pahina ng libro na nawawala sa binigay ni Hiraya. Yun ang dahilan kung bakit nakarami ako ng binasang libro, tinitingnan ko baka ang ibang pilas na pahina ay nasingit sa ibang libro. As I turned the page of the paper, I discovered it was completely blank, an expanse of white untouched by any words or markings. The following pages were ragged, their edges torn and frayed, hinting at a story that had been abruptly cut short. However, the upper portion of the empty page bore an intriguing emblem—a striking logo or a delicate illustration of a gem, rendered in rich detail, capturing the light in such a way that it seemed to glimmer with an inner brilliance. I can't tell what it means. Hindi naman ako eksperto, ni hindi ko sigurado kung kaya bang ipaliwanag ng eksperto iyon. Hindi ko alam kung bakit meron sa akin ang gustong malaman ang kahulugan niyon. Ang kwentong nakasulat sa mga pahinang nawawala. "Aish!" singhal ko at umupo sa kama. Tiningnam ko ang labas ng balkonahe na sadyang hindi ko sinara ang kurtina. Tanaw ko ang gubat doon. Maliwanag ang sikat ng buwan. Lumabas ako ng balkonahe at dinama ang simoy ng malamig na hangin. Sa tagal kong nagmumuni-muni sa higaan, sa palagay ko ay gabi na. Sa oras na malaman ko kung saan ang bilihan dito ay uunahin kong bilhin ang orasan. Inalala ko ang ibang nabasa ko sa libro kanina. The Alpha's mate can be identified even before the Alpha's birth. A trusted and powerful shaman can foresee who will become the new Alpha. Historically, a female Alpha has never occurred, as all the born mates have been women. The moon tells if the Alpha is a man because the mate is a woman. And only the Chosen Shaman can hear what the moon says. Nabalik ako sa ulirat ng gumalaw ang isang puno sa di kalayuan. Kunot noo kong tinitigan iyon. "Sino yan?" tanong ko na para bang sigurado akong nilalang na may kakayanang sumagot ang naroon. Hindi ako nagkamali. Lumabas doon ang lalaking kakamot-kamot sa kanyang batok. Hindi sya pamilyar kaya bahagya akong napaatras. Positibo akong hindi ko pa sya nakikita. Ni katiting na interaksyon ay wala akong maalala kaya sigurado akong wala syang dahilan para panoorin ako. "Wait! wag ka muna umalis," singit nya ng sana ay papasok na ako sa pinto. Nagulat ako ng sumulpot sya sa gilid ko kaya naman napaatras ako at nabunggo ang tuhod ko sa isa sa upuan. "Aray ko!" singhal ko. Napangibi naman ang lalaki at bahagyang lumayo paatras sa akin. Doon ay nakampante ako at kumalma. Tiningnan ko sya at kita ko ang amo ng kanyang mukha. Ang presensya nya ay may dalang gaan sa kung sino man ang malapit sa kanya. Yan ang pakiramdam ko sa kanya. "Ano bang ginagawa mo rito? At sino ka naman?" tanong ko. At prenteng napaupo sa bench ng balkonahe. Ngumiti ang lalaki at tumungo ng may pagbibigay galang. Ani mo'y prinsipe na nagbibigay galang sa mas nakatataas pa. Tumunghay sya at saka nagpakilala. Kinuha nito ang kamay ko at dinampian nang marahang halik. "Benj," anito sa malumanay na boses. Tumango ako at binawi ang aking kamay. Mukha naman syang mabait at walang kung anong binabalak. Isa pa, alam kong kaya kong protektahan ang sarili ko, kahit pa isang bampira ang nasa harap ko ngayon. They were tamed and trained. Hindi sila ang typical na bampirang susugurin ka na lang kung nauuhaw at nagugutom na. Isa pa, marami akong bagay na kailangang malaman mula sa mga binasa ko kanina. Kailangan ko ng makakausap. Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo, sa pagk-connect the dots ko e. He seated beside me and looked at me, intently. His eyebrows furrowed. Ako naman ay nagtataka kung bakit. May dumi kaya ako sa mukha? Wala sa sarili akong napahawak sa pisngi at mata. Kinakapa kung may muta ba ako. "Uh... okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko rin sya ng may kunot na noo dahil sa pagtataka. "May dumi ba ako sa mukha?" dagdag na tanong ko pa. Umiling naman sya at ngumiti. Nakahinga naman ako nang maluwag. Tumingin sya sa buwan at prenteng sumandal sa upuan. I did the same too. "You have the same eye shape with someone I know," sabi nya habang ninanamnam ang ningning ng buwan. Pati tuloy ako ay doon na rin napabaling. "Someone you like?" dagdag tanong ko pa. He chuckled a little and nodded. Well, ako, hindi ko alam ang sasabihin. He's still a stranger ranting over something he feels. Maybe mas kumportable sya dahil hindi naman kami magkakilala. "Pero yung totoo bakit ka nandito?" tanong ko. He put his elbow on his lap at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. He then looked at me. "This is my cousin's place before you. Bibisitahin ko sana sya pero wala na pala sya rito," sagot nya sa katanungan ko. Tumango naman ako. Hindi kaya ang pinsang tinutukoy nya ay ang lalaki kagabi? o baka isa rin yon sa tumitigil noon dito? Pero bampira sila, hindi ba? Village ito ng mga shaman students, paanong dito titira ang pinsan nya? Half vampire, half shaman? pwede ba yon? "I don't smell your human blood," sabi nya pa na nakapagpatigil sa mga iniisip ko. Ako naman ay lalo pang nagulo ang isip? Hindi nya maamoy ang dugo ko? Well, siguro dahil shaman ako? 1/4 shaman pa lang? Pero tao rin naman ang shaman ah. "Uh, ewan ko. Siguro dahil hindi naman ako basta tao lang?" tanong ko rin pabalik. Hindi na umaasa na sagot pa sya. Yun lang naman ang konklusyon na mayroon ako. "Maybe, pero ikaw lang ang shaman na wala amoy ang dugo," saad nya. Nagkibit-balikat na lamang ako. Sa dami ng cheche-bureche naming usap ay muntik ko pang malimutan ang pakay kong magtanong-tanong sa kanya. Mabuti na lamang at nagtanong sya ng may konektado sa pakay ko. "Gabi na ah? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nya. Ngumiti ako at humarap nang maayos sa kanya. "Mayroon kasi akong nabasang libro kanina. Medyo nawirdohan lang ako at naku-curious. Wala kasi ang karugtong," saad ko. Naninimbang kung itatanong ko pa ba sa kanya ang gustong itanong. Kunot-noo naman syang tumango-tango. "Novel?" tanong nya. Umiling naman ako. Napatigil sya at umayos ng pagkakaupo. Naintindihan na ata kung anong libro ang tinutukoy ko. "Uunahan na kita," putol nya sa munting ngiti ko. "Hindi ko masasagot ang mga kasunod ng librong iyon dahil hindi ko rin alam," dugtong pa niya. Ngumuso naman ako. Bakit ko pa pala sya kinausap, akala ko naman matutulungan nya akong mabawasan ang iniisip. Tiningnan ko na lang tuloy ang gubat. Ang puno ay sumasayaw sa musika ng hangin. Gusto ko na lang tuloy pumasok sa loob dahil wala naman pala akong mapapala sa pagkausap dito sa katabi ko. He heaved a deep sigh. "Pero pwede naman kitang kwentohan. Malapit sa laman ng libro, hindi nga lang din kumpleto at wala akong kasiguraduhan kung totoo. Kinukwento lamang ito ng lola ko noon sa amin," suko nyang saad. Napangiti naman ako at bumaling sa kanya. Finally! I've waited for these. Siguro naman makakatulog na ako pagkatapos nya ikwento ang kung ano man. Gaya ng nabasa ko, ang Alpha ay palaging lalaki. Wala pang sunod na alpha pero may future queen na. Nanggagaling daw ang queen na iyon sa isang angkan ng bampira. The Alpha should have the deepest connection with the eldest of that clan. At sa tamang oras, buwan na ang magsasabi. The Chosen Shaman protects the life of the Luna. At habang wala pang sinasabi ang buwan, sya ang makapagsasabi niyon. Basta may takdang panahon kung kailan magtatalaga ang buwan. The torn part of the paper is about the story when the Rogues started. Rogue Vampires are their major enemies. As they were ruthless and merciless. They don't seek for peace but for justice. They believe that their race is not meant to be close with the other races the way these good vampires wants. Naniniwala silang kaming mga tao ang pagkain nila, hindi dapat kinakaibigan. The clan of Rogues are not living here, obviously.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD