
Inihagis niya ang singsing na ibinigay sa kanya ng lalaking kaharap bilang tanda ng kanilang pagmamahalan sa loob ng tatlong taon.Pahiwatig nito na tapos na ang
lahat sa kanila, matapos siyang awayin nito dahil sa di pagkakaunawaan nang makita nitong kausap niya ang kanyang ex boyfriend na si Rupert.
Ano nga ba ang ganap ng pagkikita nilang muli ng ex-boyfriend?
Tuluyan na bang mawawakasan ang pagmamahalang iningatan niya
sa tatlong taon kasama ang kasalukuyang nobyo o mawawala ito
sa isang iglap dahil sa isang gabing pagkakamali sa piling ng dating nobyo?
Sino talaga ang mahal ng puso niyang mapanakit ang unang nagpatibok nito na nangugulong muli sa buhay niya o ang ikalawa na handang gawin ang lahat huwag lamang niyang iwanan?
