“AVION!” Malakas na pagsigaw ni Maui habang mahigpit na hawak ang aking kamay. Panay naman ang panalangin ko na sana ay matapos na ito dahil para bang maging ako ay nahihirapan at nasasaktan habang pinapanood ang asawa ko sa panganganak. “I’m here, baby. Come on, almost there. Kaunti na lang,” pagbibigay tapang at lakas ko sa kanya dahil alam ko na nanghihina na siya. Panay ang pagtulo ng luha at pawis niya. Hindi rin siya tumitigil sa paghahabol ng paghinga at pagsigaw. f**k, hindi ko akalain na ganito kahirap ang mapanuod ang asawa mo habang nanganganak siya! Para akong naiihi at naiiyak habang pinagmamasdan siya. “Okay, okay. Malapit na. I can see the head of your baby. Push, Mrs. Benavidez. The baby is here. Kaunti na lang. One more push!” "Ahh! Avion, hindi na ako uulit ang hirap..

