Nagpumilit akong lumabas ng ospital. Gusto pa akong i-examine ng mga doktor pero ayoko. Ayoko lang talaga sa ospital. May kung anong takot ako rito. Avion respected my decision and also…he never leave my side. “Are you sure you’re okay being here? I mean…you can always go home, to our house, that is.” Napakamot si Avion sa kanyang batok, halatang nahihiyang sabihin ang mga huling salita. “I’ll be fine here, Avion. Naandito naman sina Emma. May mga tao akong kasama sa bahay na ito,” saad ko sa kanya. Napansin ko ang pagbagsak ng kanyang balikat dahil sa sinabi ko. Tumango siya sa akin at nagpaalam na rin. Tumalikod si Avion at naglakad na. Ako naman ay pinapanood lamang ang dahan-dahan niyang pag-alis. “Avi,” pagtawag ko sa kanyang pangalan. Agad siyang tumigil at lumingon sa akin. Mat

