“Buntis ka?” Hindi ako nakasagot sa katanungang iyon ni Hardin. Maaari ko namang itanggi pero bakit parang nahihirapan ako? Tumunog ang cellphone ni Kolt na siyang dahilan para maputol ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tumingin ako sa kaibigan at pilit na iniiwasan ang malapusang titig ni Hardin sa akin na tila ba inoobserbahan akong mabuti. “Excuse me, I have to take this call,” sabi ni Kolt nang makita ang caller. Mukha mang ayaw niya akong iwanan ay kinailangan niyang lumayo upang makausap ang tumawag sa kanya. Humugot ako nang malalim na paghinga bago muling salubungin ang titig na ibinibigay sa akin ni Hardin. Kinakabahan man ay ngumiti ako sa kanya. “Hardin—” May isang napadaan sa aming kinaroroonan na umiinom ng kape galing Starbucks at base sa amoy nito ay iyon ang pa

