“Maui…” Parang lirika ng isang kanta ang pagbanggit ni Avion sa aking pangalan. Kasabay nito ay ang pagsayaw ng puso ko sa saya. Ang luha ay dahan-dahang bumabagsak sa aking mata. Ang libo-libong emosyon ay nagpapalito sa akin sa kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ko sa rebelasyong ito. “Please…maniwala ka sa aking ako ito.” Ang sayang kanina lamang na nararamdaman ko ay biglang naglaho. Naniniwala ako sa kanya, na siya nga iyon. No other words needed. Alam ko at sobrang lakas ng pakiramdam ko na si Avion ang bata sa panaginip ko. Na parang kahit wala akong maalala, biglang mayroon. Na sapat na ang binibigay niyang kagalakan sa puso ko kanina para makumpirma ko iyon. Subalit… “Bakit mo nilihim?” hindi ko mapigilang itanong sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang kani

