Gustong-gusto kong magtanong kay Avion tungkol sa pamilya ni Zavian dahil alam ko na may alitan ang mag-ama pero…sa tingin ko rin ay mas magandang wala na lang ako nalalaman pa. “Why are you staring at me? May dumi ba sa mukha ko?” tanong niya sa akin. Kaagad akong natauhan sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Nagmamaneho na siya at pauwi na kami sa bahay. Napagkasunduan namin na mag-stay ako sa bahay namin dito sa Laguna. Iiwasan ko na lamang siguro ang ilang pagkaing ayoko para hindi ako masuka sa harapan ni Avion. “W-Wala, may iniisip lang ako.” Hindi ko na masyadong ginulo ang utak ko roon at tumahimik na lamang. Siguro hindi ko kailangang bigyan ng panibagong iisiping problema ang sarili dahil mayroon akong akin. “Tayo kaya?” Napalingon ako sa kanya nang bigla niya iyong itanon

