CHAPTER 73: DEJA VU

2901 Words

“Kumusta ang puso mong wasak, brad?” tanong ni Gio habang tumatawa. Tiningnan ko lamang siya at naupo sa tabi niya. Hindi ko masabayan ang mga trip niya sa buhay dahil marami akong iniisip. Hinayaan ko na lamang siyang tumawa sa gilid ko. Napansin ko ang pagsipa ni Zavian kay Gio kaya’t tumigil ito sa pagtawa at kaagad na sumeryoso ang kanyang mukha. Alam ko naman na tinatawanan niya lamang ako dahil sa tingin niya ay iyon ang makakapagpagaan ng nararamdaman ko. Hindi kasi talaga kami mahilig sa dramang magpipinsan—ngayon lang! “She…left me.” Kinuha ko ang isang bote ng Dalmore na nasa lamesa namin at nagsalin ako sa aking baso. Para akong sinasakal ng sarili kong mga nararamdaman. Sobrang bigat ng dibdib ko na sa tingin ko ay ano mang oras, ayoko man ay maiiyak na lang ako rito. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD