Napayuko ako at ang una kong ginawa ay protektahan ang ulo ko gamit ang kamay ko kahit na alam kong wala iyong magagawa. Nabasag ang salamin dahil sa bala ng baril na tumama rito. Lumapit din sina Oscar at Miguel sa akin dahil sa biglaang pagputok ng baril. Nagsimulang magkagulo ang mga taong nakarinig at nakasaksi nito. Nang una ay akala ko isang beses lamang iyon ngunit papatayo pa lang ako ay muli na naman akong nakarinig ng putok ng baril. Hinila agad ako nina Oscar at Miguel papalayo roon. Sunod-sunod naman ang putok ng baril, tila ba sinusundan kami. Napasigaw pa ako ng mahulog ang cellphone ko. Gusto ko sana iyong balikan ngunit pinigilan ako nina Oscar. “Ma’am, mas mahalaga ang buhay niyo,” bulong niya sa akin kaya’t nagpasiya ako na huwag nang balikan ang cellphone ko at hayaan

