Pagkatapos kong kumain doon ay hinatid na ako ni Nicko. Tahimik kaming pareho at parang alam din ng isa’t isa na iba naman talaga ang gusto kong hiramin kanina. Syempre, siya mismo ang nagmamay-ari ng mga gamit na nandoon kaya alam niya kung ano ang nakatago sa ilalim. At ako biglang pakialamera, ay aksidenteng nakita ang mga yon.
Pero heto nga, at iba naman ang bitbit ko. Tinandaan ko na lang ang titulo ng mga nakita ko kanina. Baka kasi meron naman sa online. Sisilipin ko lang.
Tapos hindi ko tatapusin.
Kuryuso lang ako kung bakit ang dami noon sa cassette ni Nicko. Baka kasi... ano, ah ewan.
“Ingat,” pahabol ko nang pumihit na siya pabalik sa sakayan. Kumaway ito, tumango naman ako at pumasok din kalaunan. Tapos initsa ko lang itong dala kong tape at dumiretso sa sariling silid. Maghohot-bath lang ako at pagkatapos ay maghahanap sa internet.
Kaso wala, puro description lang ang nandoon. Probably because it was a classic pōrn kaya wala na sa internet. Sumimangot tuloy ako at sinilip ang cellphone. I want to text him personally, I want to ask him actually. Kaso nahihiya ako kaya itinulog ko na lang itong kuryusong tanong ko.
Maaga akong nagising kinabukasan, madaling araw nga pala. While waiting for my rice, I jot down the summary of our class yesterday. Busy pa ako noon no’ng nagchat si Nicko at tinanong ako kung okay na ba ang pakiramdam ko. Ang aga nitong magising ngayon ah?
At dahil distracted na ako ay nireply’an ko ito at sinabing okay na at salamat din sa kanya.
Nag-like sign lang ito kaya sumimangot ako at bumahing bago tinuloy ang pagsusulat. Eksaktong alas sais nang natapos ako, kaya nagprito na ako ng ilang pirasong tocino bago naligo. Chinat ko nga ulit si Nicko, kung pwede doon ako sa apartment niya manananghalian mamaya. Tinatamad kasi akong makihalo, hindi na exam week kaya panay ang labas ng mga estudyante.
Nakakatamad at nakakadrain pa naman nang lakas lalo na sa isang katulad kong introvert ang humalo sa isang dagat ng mga tao.
Kaya... ginagawa kong tambayan ang apartment niya, atleast doon... tahimik.
Nagmamadali na ako papasok nang nakita ko si Nicko, may bitbit na mga supot nang sigurado akong karne ng manok, baka at baboy. Tapos may tinutulak pa siyang cart. Lumapit ako pero nakita niya kaagad ako kaya sumenyas itong doon lang ako.
Oo nga pala, baka madumihan. Kaya sige, masunurin din naman ako.
“Pumasok ka na, kita na lang tayo mamaya.” Sabi nito.
Tumango ako at mabilis na naglakad, muntik pa akong hindi nasali sa cut off. Saktong tumunog ang audio bell nang nakapasok na ako. Lakad takbo na ang ginagawa ko para makahabol sa unang klasi. Hinihingal pa ako nang kaunti nang napansin sa gilid ang kilala kong may-ari nitong notebook.
Binalik ko sa kanya at nagulat siyang nandoon ako.
Ngumiti ako nang tipid bago nagpasalamat. Ngumiti rin siya at nagpasalamat.
At dahil muntik na akong na-late dito ako naupo sa tabi niya. Tapos ay ramdam ko pang pasulyap-sulyap ang mga titig niya sa akin. Napalingon ako sa kanya, nagtataka... bakit ganoon at para siyang hindi mapakali? May nagawa ba ako o ano?
“Y-yong cook diyan sa labas na karinderya,” kagat labing lapit nito sa akin, para bumulong. “B-boyfriend mo ba?” Nahihiyang umiwas kaagad ito.
Napasinghap ako at mabilis na umiling. Parang mabibinat naman ang ngisi nito, tuwang-tuwa nga yata samantalang hindi naman ako natutuwa sa ngisi nito.
Sarap punitin. Pero hindi ko gagawin, sa isip lang iyon.
“Ang bango noon, tapos sobrang tangkad pa. At alam mo yong kahit balbas sarado e ang gwapo?”
Nabilaukan ako sa sariling laway. Magkaibigan kami ni Nicko pero hindi ko makita kung anong tinutukoy ng kablockmate kong ito. Mas madalas ko pa nga siyang matitigan kesa sa ibang tao kaya nagtataka ako kung anong nakikita nito.
“Oo.” Simpleng sagot ko.
Nawalan yata ito nang ganang magkwento pa. Umismid ito saka umiwas. Hinayaan ko na lang tutal hindi rin naman ako palakaibigan. Kaya noong lunch ay nagmamadali na ako sa pag-aayos. May isa’t kalahating oras pa ako bago ang susunod na klasi. Mas mahaba ang pagtatambay kesa tumanganga sa labas.
Chinat ko na lang si Nicko na papunta na ako sa apartment niya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito dahil alam ko namang sobrang busy nito ngayon dahil lunch time na.
Mabilis lang naman iyon, mga 5 minutes walk galing sa room na pinanggalingan ko hanggang sa tapat ng apartment niya, samahan na ang ilang akyat. Tapos ay binuksan ko na at humalo kaagad sa pang-amoy ko iyong bango. Baka nga nagspray pa ito kanina bago umalis.
Tapos tumungo na ako sa kusina, kakain na muna ako bago magpahinga o mag-aral. At nadatnan ko roon na may nakatakip na ulam, may note pa na nakapatong at sinabing initin ko na lang daw iyon. Laging ganito si Nicko, alam niya yatang puro prito lang ang alam ko kaya nagluluto siya umaga pa lang para may mahigop naman ako tuwing pananghalian.
Ilang minuto lang ang hinintay ko bago nakakain. Hinugasan ko rin lahat ng pinaggamitan ko bago tumambay sa sala. Inion ko iyong tv at natulala sa palabas pero naalala ko iyong CD na pinahiram sa’kin ni Nicko, nilabas ko sa bag na hindi ko naman talaga pinanood. Binalik ko sa lalagyan sa baba tapos aksidenteng nakita ko na naman iyong hilera ng nga pōrn cassettes nito.
Alangan pa ako noong una, nag-iinit ang pisngi at namamawis pero syempre kuryuso ako. Twenty na ako pero ni kahit isang beses hindi pa ako nakakapanood ng pōrn, napag-iiwanan na nga yata ako e. O siguro dahil abala ako sa ibang bagay kaya ngayon lang nagkaroon nang interest.
Why not, coconut? Hindi naman siguro uuwi si Nicko ngayon tulad ng mga nakaraan. Napapauwi lang naman iyon kapag nagrereklamo ako o masama ang pakiramdam.
Kaya... kahit sobrang lamig nitong kamay ko ay sinaksak ko iyon sa nakahanda niyang player.
Tapos pikit matang inion ko ang palabas. Noong una napangiti pa ako kasi pakuwento-kuwento pa e. Hanggang sa nagkahubaran na.
“Sarap mo naman ihaaa... putaaa, sikip ng pechayy mo...”
Namimilog ang mga mata ko, close up pa iyon at kitang-kita ko talaga... medyo madilim ang kuha pero dahil siguro sa classic na iyon. Tapos ang ingay pa ng palabas. Ni hindi na ako makakilos. Para akong natuklaw sa reaksyon ko ngayon. Kaso para akong pusa na napatalon noong naging conscious ang isipan ko at naging advance dahil pakiramdam ko nasa baba si Nicko. Nai-off ko ng wala sa oras at nagmamadaling sumilip sa labas at agad na namilog ang mga mata ko nang makitang nakatayo sa pintuan si Nicko, sakto ang pagpihit nito at tagaktak na ang pawis ko.
Nagkatulalaan pa kaming dalawa, ako dahil guilty sa pangingialam at siya na tulala sa mukha nito.
“Okay ka lang? Namumula ka, mainit ba?” Takang tanong nito at napalingon-lingon sa paligid. Naka-off nga ang stand fan kaya akala niya siguro ay naiinitan ako.
Pero hindi e, namamawis ako sa sobrang kaba.
Plastik na tumawa ako at mukhang mas lalo itong nagtaka sa reaksyon ko.
“Oo mainit,” iwas ko at pinuntahan ang stand fan tapos kunwari ay dahil doon kaya ganito ang ayos ko.
“Pwede ka namang mag-electric fan, Ro. Pasensya ka na ah at wala akong aircon. Hayaan mo kapag nabili na iyong baka sa Tarlac ibibili kita.”
Bigla akong tinubuan nang konsensya. Actually, ang dami na nang ginagawa ni Nicko para sa akin. Iyong maeffort pa lang na pagluluto para may makain akong masarap ay sobra-sobra na. Ito pa kaya aircon? Sumusobra na nga yata ako roon.
“Okay lang,” natatawang sabi ko at pasimpleng sinilip ang nakaoff na telebisyon. Pero iyong cd player may pulang dot, meaning bukas pa iyon. Namimilog naman ang mga mata ko at natataranta sa isipan. Paano ko aalisin iyan? Mahuhuli ako ni Nicko!
“Hindi... hindi mo’ko kailangang bilhan ng aircon. Hindi rin naman ako nag-e-aircon sa Condo. Dagdag bill kasi iyan.” Di mapakaling paliwanag ko.
“Kahit na, gusto ko rin na komportable ka rito.” Sabi nito at naglakad sa tv... i-o-on nga yata kaya parang luluwa ang mga mata kong napatakbo palapit sa kanya.
“Wait! Wait! Nasa akin ang remote,” tinaas ko pa ang hawak.
“Mabubuksan pa rin naman—“
“Lornaaa... hayaan mo’kong mahaliinnn kitaa...”
Napatakip mukha na lang ako sa sobrang kahihiyan, napaluhod pa ako... hiyang-hiya. Mainit ang pisngi at mainit ang mga mata.
“Sorryyyy...” naiiyak na diniin ko ang mga daliri sa nakapikit kong mga mata.
Puro ungol ang naririnig ko ang paligid pero nawala rin iyon nang pinatay nga yata ni Nicko.
“Ro,” narinig kong tawag niya.
Umiling ako at nakapikit pa rin habang nakaluhod dito sa baba. Parang gusto ko na lang magpalamon, ba’t ba kasi pinakialaman ko iyan? Yan tuloy, di ko kayang harapin si Nicko. Para akong natutunaw sa sobrang kahihiyan.
“Romana,” tawag ulit nito. Naramdaman ko pang pumantay siya sa akin,
“Kasalanan ko, dapat niligpit ko ang mga yan. Sorry, wag ka nang mahiya.” Tapos pilit pa nitong inaalis ang kamay kong nasa mukha ko.
Ngumiwi ako, naiiyak sa sobrang kahihiyan. Pero dahil payat ako at malaking tao si Nicko madali lang nitong nabaklas ang kamay ko rito.
Nagkatitigan pa kami nang matagal bago ako naiiyak na umiwas.
“Mahilig ka bang manood ng mga ganoon?” Takang tanong nito.
Namimilog ang mga matang nilingon ko siya at mabilis pa sa alas kuwatrong umiling.
“First time ko! Hindi ako nanonood ng ganyan!” Nag-iinit ang pisnging paliwanag ko.
Ngumiti ito tapos ay tumango. Inion ulit nito ang tv kaya namimilog na naman ang mga mata ko dahil kitang-kita kung paanong nagtalbugan iyong dibdib ng bidang babae at kung paano siya umangat-baba doon sa kandungan ng isang lalaki.
“Hindi ka dapat nanonood ng ganito,” turo nito habang pareho pa kaming nakaluhod.
Kinuha niya iyong CD sa ibaba at nilagay sa lalagyan.
“Madudumihan ka.”
Iisipin ko pa ba iyon kung mas nauna pa ang kahihiyan?