4 (Romana)

1561 Words
“Okay ka lang? Masakit daw puson mo kaya napasugod ako rito,” sabay hagod ng mabigat niyang kamay sa likod ng bewang ko, nakadapa ako sa kama niya... I can go home, actually. But I chose to stay here, tutal may spare key naman ako noong apartment niya. I didn’t tell him about this menstrual cramp, ayaw ko siyang istorbuhin. Nakita ko kanina sobrang busy noong karinderya kaya malamang, busy din ito sa paghahanda. “It just a simple monthly pain, Nick. Kailangan ko lang ipagpahinga. At saka, sinong nagsabi sa’yo?” Lingon ko rito. Nakaupo siya sa kama habang nakalapag lang sa likod ng bewang ko itong kamay niya. Medyo nagsubside nga iyong sakit dahil sa init na hatid noong kamay niya. Maybe because he was busy cooking and probably it was because of the heat. “Hahatiran nga sana kita noong ni-steam kong leche plan, nakita ko iyong isang kaklasi mo kaya napatanong ko.” I groan at dumapa na nang maayos bago binaon ang mukha sa unan nito. Napasinghot pa ako at sa totoo lang kahit mukhang di mabango titigan si Nicko e sobrang linis at sobrang bango ng apartment nito. Lahat yata ng gamit niya ay sinisigurado niyang hindi madadapuan kahit alikabok. “Nasa kusina iyong leche plan, mag-iinit muna ako ng tubig... pahinga ka muna diyan, Ro.” Tumango ako at pumikit, medyo gumaan nga ang pakiramdam ko lalo na at may mag-aalaga na sa akin. Muntik pa akong nakatulog kung hindi lang kinalabit ni Nicko, tapos naupo ito sa gilid at may ipinakitang hot compress. Tumihaya ako at pumikit, medyo nahihilo pa sa dysmenorrhea. “Iaangat ko nang kaunti ‘tong uniporme mo Ro, sabihan mo’ko pag masyadong mainit.” Tumango ako, tapos ay naramdaman ko nga iyong kamay niyang inaangat kaunti itong uniporme ko tapos binabaha nang kaunti rin ang suot kong palda kaso mahirap lalo na at nakazipper pa iyon sa gilid. Tinuro ko nga kay Nicko, kahit nakapikit ako at namamawis dahil sobrang sakit na noong puson ko. Hinayaan ko siyang ibaba iyon bago naramdaman na parang hinihila itong suot kong palda paibaba. At medyo nakahinga ako nang maluwag nang naramdaman na dumampi na sa balat ko iyong hot compress. “Magluluto ako, Ro. Hindi ka nananghalian,” paalala nito. Dumilat ako nang kaunti at tinitigan itong namamawis habang nakababa ang mga mata at nakatitig sa puson ko. “B-busy si Ate Bebe, di’ba? Paano ang mga customer niyo do’n?” Umiling ito at tumitig sa akin, “Babalik ako mamayang hapon, nakapagluto na ako ng maraming ulam doon. Ang meryenda na lang para mamaya. Dito muna ako habang masakit pa iyang puson mo.” Tumango ako at pumikit. Medyo nakakahinga na ako nang matiwasay, medyo hinihila na nga ng antok kaya nagpatianod na ako. Maya’t maya lang ay nagising na ulit ako at nakitang nakaupo sa kama si Nicko tapos ay nakadantay ang maitim at mabigat nitong kamay sa puson ko. Wala na iyong hot compress, medyo nakababa pa ang suot kong palda, kita ko na iyong guhit papuntang ibaba. “Masakit pa ba?” Tanong nito habang minamasahe nang kaunti itong puson ko. Umiling ako at disoriented pa mula sa pagtulong bago nakaupo. Binitawan niya naman ako roon at napatitig ako sa kanya. “Salamat, ah?” Ngiti ko. Tumango ito at nakangusong umiwas bago tumitig ulit sa akin. “Pag masama ang pakiramdam mo wag kang mag-atubiling ichat ako. Ang lapit-lapit ko Ro, madali lang kitang mapupuntahan.” Tumango ako at bumaba sa kama, kinuha niya naman ang ekstrang tsinelas na iniwan ko noon dito. Tapos pinasuot niya sa akin, inalalayan niya pa ako sa bewang papunta doon sa hapag. Amoy pa lang ang sarap na, pakiramdam ko nga e tumataba na ako... hindi na lang tangkad, hanggang leeg na nga ako ni Nicko. Kahit bakulaw din ito sa tangkad e matangkad din naman ako. “Kain na tayo, sasamahan kita.” Tumango ako at tahimik na sinunod itong gusto niya. Naupo na ako at magkaharapan kaming kumakain, sinabawang bariles. Kaya ginanahan ako lalo na at okay na ang pakiramdam ko ngayon. Nahuli ko pang napangiti si Nicko bago yumuko at kumain na rin. Nabusog nga kaagad ako at tumayo, nakamata rin siya sa akin. Binabantayan ako. Pero iinom lang naman ako ng tubig, dinalhan ko rin siya at binigay sa kanya ito. “Salamat ulit,” Pigil ang ngiti nito bago kumamot sa likod ng batok niya. Tumango ako at nagpaalam sa kanya na uupo lang doon sala. Magpapatunaw ng kinain at syempre hihintayin siya. Sure akong mamaya pa iyan aalis kaya tulad ko manonood din iyan ng palabas na pipiliin ko rito. Iniisa-isa ko itong mga luma niyang tape, nasa baba ng cassette, binabasa ko nga isa-isa ang mga title pero habang tumatagal, habang palalim nang palalim ang titulong tagalog, umiinit naman ang pisngi ko at nilapag pabalik sa lalagyan nito. Hindi naman siguro ako sobrang inosente para hindi malamang old type of pōrn CDs iyon. Umalis ako roon at inoopen ang tv at nilipat sa kung saan-saan hanggang sa tumabi sa akin si Nicko. Medyo nahiya nga ako umiwas, pero parang wala naman dito iyon. Nanonood pa tulad ko at nagtatanong din siya kung kumusta ang pakiramdam ko. “O-okay naman, siguro papasok na ako mamaya sa dalawang huling subject.” Paalam ko. “Dito ka na, ipagpahinga mo iyan Ro... ako na kukuha ng summary no’ng mga classes mo ngayong araw.” Umiling ako, mas gusto ko iyong actual para mapag-aralan ko kaagad pero itong si Nicko makulit talaga at pinapa-stay ako sa apartment niya. Na sa huli siya rin ang nasunod. “Iyong leche plan, nasa kusina at pinatong ko lang. Wag mong kalimutang kainin. At saka, wag ka munang umuwi mamaya. Dito ka na kumain, hintayin mo’ko at kukunin ko lang iyong summary ng mga classes mo ngayong araw.” “Opo...” sarkastikong ngiwi ko rito. Tinawanan lang ako at ginulo pa ang buhok ko. Ang layo-layo naming dalawa, kung siguro may nakakakita lang sa amin ngayon, siguradong pagdududuhan... ang layo talaga namin ni Nicko, sobrang itim niya tapos sobrang puti ko naman. “Magchat ka kapag bumalik ulit iyang sakit mo sa puson. Bye,” kaway nito. Tumango ako at pumasok ulit sa loob. Nakaupo lang ako sa sofa, walang ginagawa at natutulala hanggang sa lumuhod ako roon sa cassette at kagat labi na binasa ulit ang unang nakuha, binasa ko pati likod at nakitang may mga larawan doon kaya namimilog ang mga mata ko at napaskil na doon. Lumunok ako lalo na roon sa babaeng nakatihaya... pagtapos ano... nakita ko kung paanong naka... ano, nakabaon. Shìt, pati ako nahihiya sa iniisip kaya nanginginig ang daliri na binalik ko iyon sa lalagyan. Ang bastos! Ang bastos-bastos ni Nicko! Di ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Lumunok ko at naupo ulit. Saka nag-iinit ang pisnging tumayo para matulog ulit sa kama ni Nicko. Sa tuwing naaalala ko iyon ay napapapikit na lang ako nang mariin. Bago ginupo ng antok. Naalimpungatan lang ako noong naramdaman na nandito na si Nicko. Pagkamulat e nakita ko siyang naghuhubad, tapos iyong umbok ng pwetan niya e nakaharap sa akin kaya agad na namilog ng mga mata ko at inabot ang unan para lang ibato sa kanya. Natatawa itong humarap saka tinakpan iyong tapat ng boxer niya. “Akala ko tulog ka pa,” iiling-iling na sabi nito bago tumalikod at nanghalungkat ng susuotin. Napaiwas ako, hiyang-hiya. Noon naman wala akong pakialam kahit nakahubad pa iyan at tanging boxer lamang ang suot. Ngunit... sa nakita ko kanina, siguradong humahalo na ang malisya sa aking isipan. “Nasa sala iyong hiniram kong summary ng mga pinag-aralan niyo ngayong araw. Dito ka muna, magluluto lang ako. Tumango ako, tapos sinundan ko siya ng mga titig. Lumingon pa ito sa akin bago tumalikod. Tapos ako naman itong napayakap sa unan at mabilis na umiiling-iling. Mainit ang pisngi at agad na namulagat. Napababa ako sa kama at nagtatakbo pasunod sa kanya. Nakita ko itong nagsusuot ng apron at nilalatag ang mga ingredients sa lulutuin nito. Lumunok ako at tumabi saka tinitigan siyang nagsla-slice. Sumilip pa nga ito sandali tapos tinuloy din ang ginagawa. “Hatid kita hanggang sa Condo mo,” bulong nito. Sa sobrang hina ay parang nag-aalangan pa ito sa sasabihin. Tumango ako tapos natulala na naman sa maliliit na carrots na hinati-hati niya. “Sigurado ka hindi na masakit ang puson mo? Pwede ka namang matulog dito, tapos diyan lang ako sa sofa.” Turo nito sa likod. Kumunot ang noo ko sinundan yong tinuro niya. Sa sobra liit noon, hanggang bewang lang nito ang magkakasya. Kaya wag niya nga akong binibiro ng ganyan. “Di na. Uuwi na ako, hatid mo na lang ako, Nick.” Tumango ito, “Saka...” hingang malalim, “P-pwede ko bang mahiram iyong isa sa mga cassettes mo?” Lunok ko. Nabitawan nito ang hawak na kutsilyo at kahit nakayuko ako ay ramdam ko ang pagkakatulala niya sa akin. Nakagat ko tuloy ang labi at hindi kaagad naipagtanggol ang sarili. “A-ah,” natatawang sabi nito, “Iyon bang mga lumang palabas ni FPJ?” Tatawa-tawang tanong nito. Umiling ak— pero pinalitan ko rin nang mabilis na tango. Narinig kong guminhawa ito samantalang nag-init naman ang pisngi ko dahil ano ba iyong ipinagpaalam ko? Nakakahiya kay Nicko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD