“Ma, ano po?” Mulagat ako nang tumawag si Mama para mangamusta.
Kakatapos ko lang mag-aral at nandito ako sa Sala habang nagpapalipas ng oras. Saktong tumawag si Mama at nangangamusta. Minsan o madalas ay sa akin siya direktang kumukontak. Busy na kasi si Kuya, he has no time other than for his family.
“May tumawag kasi, Nicko raw... nagpapaalam na ligawan ka.”
Nag-init ang pisngi ko at pinangilabutan. Iniisip ko pa lang iyong pag-uusap nila Mama ay parang papanawan na ako nang hiya. How could he? Makikipagkaibigan na nga ako di’ba? Ba’t kailangan niya pang gawin ito?
“Hi... hindi ko kilala Mama.”
“Wag mo nga akong maloko-loko, Romana. Tinanong ko ang Kuya mo— oo nga pala, last month nangyari ‘to at hindi pa ako sigurado kaya hindi kita natanong— at sinabi niyang may nireport ka sa kanyang stalker mo? Pero anak, mukhang mabait naman iyong Nicko. Naka-facetime ko nga at sobrang magalang.”
Napatanga ako. Ganoon na kalalim ang pagkakilala ni Mama? Parang sigurado siyang mabait yon ah?
“Pangit naman po no’n, Mama!” Nag-iinit ang pisnging sigaw ko rito.
“Aba! Itsura na ba ang basihan ngayon, ha? Romana? Anong pangit?! Palibhasa kasi puro ka korean-korean, di mo na nakikita iyong totoong kahulugan nang tall, dark and handsome. Siguradong bagay kayo noon!”
Napahaplos ako sa sariling braso. Di ko talaga maisip ang sinasabi ni Mama. Paano kami magiging magkasintahan ni Nicko? I can’t imagine him, being my boyfriend.
“Magtetwenty pa lang ako, Mama...”
“Iyon nga ang maganda, wag kang gumaya kay Ate Alexis mo. Tumatandang dalaga na iyon. At balita ko, birhen pa rin e iba na ang panahon ngayon. Kaya ikaw, Romana... kung sakaling di na kayo nakatiis ni Nicko— pasuutin mo ng condom.”
“Anoo?!!” Kontrol na kontrol ang sigaw ko. Si Mama! Diyos ko naman, saan niya ba ito natutunan? Akala ko ba kon— oo nga pala, hindi naman totoo iyon, si Mama pa na alam kong open minded at mulat sa katotohanan. Sa klasi ng henerasyon ngayon, sigurado akong kung ano-anong chismis ang naririnig nito.
“Pero syempre, mas magiging masaya ako kapag hindi niyo muna gagawin. Nalulungkot lang ako, anak at malayo kayo ng Kuya Rameil mo. Tapos ang Papa niyo pati ang panganay ko. E ang lungkot ng bahay. Gusto ko namang masaya ka rin at para sumaya rin ako rito.”
Napaawang ang labi ko. Hindi ko naman nakakalimutang mag-update sa kanya kaya bakit nagdadrama ‘to? Tapos nandon pa si Israel, iyong kapatid ni Ate Kelsey. Sure akong naeentertain siya noong bata.
Kaya I’m sure, this is just her drama so I could’ve a boyfriend.
“Wag po kayong magpapaniwala-paniwala sa mga tumatawag sa inyo, Mama. Paano kung scammer at masamang tao pala iyon? E di naloko kayo?” Nangangasim na sabi ko.
Tinawanan lang ako nito at hindi na pinatulan iyong sinabi ko. Pagkatapos nauwi rin sa allowance iyong pinag-usapan. Kakabigay lang ni Kuya Rameil last week at ngayon ay binigyan na ako ulit ni Mama galing sa padala nina Papa. Isesavings ko nga ang iba, hindi ko naman ginagastos lahat.
“Sige, Ma. Salamat po, update ko po kayo bukas.”
Tapos ay nilabas ko naman ang mga notebook ko at nag-aral. Sino ba kasing nagsabi na madali ang Kolehiyo? Halos wala na nga akong time na lumabas. E syempre mas priority ko ang pag-aaral.
Nakatulog kaagad ako pagkatapos ng hapunan. Kinausap ko lang sandali si Ate Alexis at nangamusta. Kapag kasi nagpapadala si Mama para sa akin ay kinukontak ko rin sila ni Papa para magpasalamat at para na rin mag-update sa mga araw ko na hindi nila alam.
Maaga rin akong nagising kinabukasan, nagluto ako, prito-prito lang, apat na hotdog at dalawang sunny side up. Tapos naghanda rin ako ng dalawang baunan para sa baon ko mamaya... at ibibigay ko kay Nicko ang isa. Pakunswelo, sa ginawa ni Kuya ay nahihiya ako para rito. Binugbog ba naman.
Sakay ng Angkas ay nakarating na rin ako malapit sa main entrance ng University. Nakatitig lang ako roon sa tapat ng karindera at nagdadalawang isip sa gagawin. Pero, it is now or never— ito ang labanan ko, at siguradong hindi na ito mauulit pa kapag inunahan pa ako nang hiya ngayon.
Kaya...
“Ate Bebe, nandiyan po ba si Nicko?”
Nagulat ko nga yata si Ate Bebe dahil napatitig pa ito nang matagal sa akin bago nakasagot ng isang tango. Ngumiti ako at nilapag sa counter itong kulay asul na transparent na baunan at nando’n ang inihand kong almusal.
“Pwede po bang makisuyo, Ate? Pakibigan naman po sa kanya, sabihin niyo po... sorry sa ginawa ng Kuya ko.”
Hilaw ang ngiti ni Ate Bebe at nakatitig pa rin sa akin. Kumunot ang noo ko at naghintay, dapat aalis na ako e pero naghintay ako.
“Ang Kuya mo ba ang gumawa noong mga sugat sa mukha niya, Romana?”
Nag-aalangan ako sa pagtango... kaso iyon naman talaga ang totoo kaya napaamin ako. Biglang nalungkot si Ate Bebe at natanto ko na walang ibang pinagsabihan si Nicko kundi sinarili nga talaga iyong incindent a month ago.
“Kawawa naman si Nicko... alam mo, Romana... sobrang bait niyang batang ‘yan. Napakaresponsable pa. Nagpapaaral iyan ng dalawang kapatid sa Tarlac. Pagkatapos alam mo, kabati niya lahat ng mga kasama namin dito. Kaya... awang-awa ako noong makita na para siyang binugbog, na binugbog nga talaga.”
Mas tinubuan ako ng konsensya nang marinig mula kay Ate Bebe iyon. Nakagat ko tuloy nang mariin ang labi kaya humapdi kaagad iyon.
“Ate, pabor naman po. P-pwede ho bang hintayin niya ako mamaya, mga alas kuwatro po. Early out kasi ako ngayon.”
Ngumiti ito nang malapad at mabilis na tumango. Mukhang hahayaan niya naman ako sa hiling kong ‘to.
Gusto ko lang na humingi ng dispensa, kaibiganin si Nicko... at kilalanin pa bilang kaibigan lang.
Buong araw ko yatang iniisip si Nicko. Hindi na rin ako mapakali at mas pinili na dito kumain sa loob ng campus para hindi magulo pa lalo itong isipan ko.
Mas mabagal nga lang talaga ang takbo ng oras. Halos hilahin ko na iyon para tumungtong lang ng alas kuwatro.
At noong ganoon na nga ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko at nauna pang lumabas sa ibang kaklasi. Takbo at lakad nang mabilis ang ginagawa ko sa hallway. Baka kasi galit na galit si Nicko at hindi makikinig kay Ate Bebe... sana nga lang, wag niya akong iwasan.
Iba pala sumipa ang konsensya, parang buong pagkatao mo iyong nakataya kaya wala ka ring magawa kundi gumawa nang paraan upang matapos ‘tong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib.
Kaya laking tuwa ko nang napansin na nandoon si Nicko... nakaupo sa gilid ng karinderya at hindi naninigarilyo.
Hindi ko magawang mangiti, sa nerbyos na rin siguro... saka tumatakbo sa isipan ko sa kung anong mga bagay na pwede kong sabihin. E syempre hihingi ako ng tawad, at hindi rin sigurado kung mapapatawad ba kaagad.
“Hi,” kaway nito, nakangiti pa. At ganoon na lang ang paggaan nang dinadala kong bigat.
Medyo mabagal ang pagsink in kaya titig na titig pa rin ako sa balbas nito... tapos iyong ngiti niya, litaw na litaw ang mapuputing ngipin. Ngunit iyong katotohanan na hindi ko talaga tipo si Nicko, ay wala pa rin... hindi ko siya magugustuhan.
“Salamat sa binigay mo kanina... uh, eto, nagluto ako ng uulamin mo ngayong gabi.”
Nagulat ako nang nag-abot ito ng baunan na ginamit ko kanina. Ang pinagkaibahan lang ay may laman iyon... sinabawan nga yata, ayun sa nahahagip ng mga mata ko.
“S-salamat...” nanginginig ang daliring abot ko rito. Di lingid sa kaalaman niya iyon dahil tumitig pa ito sa akin.
“Paumanhin kung natatakot ka sa akin.”
Nangiwi ako at yumuko nang bahagya bago nakipagtitigan sa kanya,
“D-dapat nga ako iyong humihingi ng tawad. Sorry, dahil sa’kin kaya ka nabugbog.”
Ngumiti lamang ito at hindi na nagsalita. He’s obviously not comfortable with this talk. Kaya sige, para pareho kaming matahimik ay hindi ko na babanggitin ulit. And to control the damage, I plan to consistently give him breakfast. Gamot man lang sa sugat nito noon.
“Hatid na kita,”
Nahihiya ako pero wala akong nagawa kundi hayaan siyang ihatid ako sa kanta, doon sa sakayan. Nakapagbook na nga rin ako ng Grab kaya sigurado maya-maya lang ay may susundo na sa akin.
“Uh, Romana... if you don’t mind, pwede ba kitang hintayin kada hapon at ihahatid hanggang kahit sa sakayan na lang?”
Napamaang ako rito, malakas talaga ang loob. Hindi naman ako ganoon kamanhid para hindi maramdaman na dumidiskarte ito. Kaya hindi direkta, parang doon pa rin ang patungo.
“O... O, sige.” Iwas ko.
At nagagawa niya nga iyon, sa loob ng maraming Linggo. Hinahayaan ko dahil sa kasalanan ko sa kanya. Parang responsibilidad na lang hanggang sa hindi ko namamalayan na nasasanay na pala ako kay Nicko. Hindi ko na siya iniinsulto sa isipan ko at hindi na rin ako natatakot na ganitong mukha ang nakikita ko kada hapon. Kaso... dahil din sa hinahayaan ko ay hindi ko napapansin na nanliligaw na pala si Nicko...
Iyon lang, buo pa rin ang desisyon ko at sinabi sa kanyang—
“I’m sorry, I’m... I’m still studying. Hindi pa kita gusto Nicko para sagutin.”
Alam kong nasaktan ito at dahil ayaw ko ngang sumasama ang loob niya ay sumama ako sa kanya... dito lang sa likod ng karinderya at ginawang tambayan ang maliit itong apartment.
I know I shouldn’t have done this. Ngunit sa tagal at ilang ulit na pagpapatibay na mabait naman talaga si Nicko ay sumama na ako. Lalo na at wala naman akong ibang kaibigan kundi siya lang.
Naiilang lang ako kapag tuwing umaga ay dumidiretso ako rito at makikita siyang nakaboxer lang at kitang-kita ang sobrang mabalahibong dibdib. Nagtetrail iyon paibaba... actually, muntik ko nang maibaba pa lalo ang mga mata. Ayaw ko ngang matitigan iyong tapat ng shorts niya.
At totoo nga yata iyong sinabi ng school nurse. Kinakabahan ako sa magiging girlfriend ni Nicko... ang laking tao niya eh. Tapos maitim pa.