2 (Romana)

1648 Words
Before this situation happened to me— a rare event— I was very aware that someone was secretly watching me everytime I went out from Univ. Di ko naman masyadong pinapansin ‘to noon. Baliwala na lang, o siguro kasi nasanay akong tinititigan ng mga tao at ang coping up mechanism ko ay yumuko at pilit na tinatatak sa sarili na wala lang iyon. Ngayon ay parang may kakaiba... Nagbaon ako ng maraming pagkain na unusual sa ginagawa ko at tapos ay pinick up ko pa kina Kuya ang hinandang meryenda mula kay Ate Kelsey, para lang makaiwas na bumili ng pagkain kina Ate Bebe. Iwas na iwas ako kay Nicko, iyong mukhang lalaking pinaglihi yata sa kapre sa sobrang laking tao. Akala ko nga ay matatahimik na ang buhay ko. Iyon bang poproblemahin ko na lang ang pangkain araw-araw at syempre ang budget sa foods. Pero heto, mukhang maiiba na. I saw Nicko, nakapwesto sa paborito nitong pwestuhan at naninigarilyo. Parang ganoon na yata talaga ang hobby nito, mas lalo tuloy siyang nagmukhang nakatira sa isang malaking balete. Tapos noong nakita niyang nakatitig ako sa kanya ay mabilis niyang tinapon ang naiwang sigarilyo at inapakan sa ground. Bumuga pa ito ng usok sa huling beses bago kumaway sa akin. Di talaga ako nang-iirap ng tao, oo nga ilag ako pero ngayon naubos din iyon at mabilis na inirapan ko ito. Natulala ito sandali at napakamot batok. Mabilis na umalis ako roon, marami pa akong gagawin at kailangan kong mag-aral ngayong gabi dahil doon ako makikitulog kina Kuya. Saka ko na iisipin kung paano ako makakaiwas kina Nicko. Di ko talaga gusto iyong pagtitig niya sa akin. Na para bang may stalker akong nakamasid kahit na hindi naman ako kagandahan. Maputi lang ako, pero hindi ako maganda. “Ang ganda-ganda mo, Romana. Lumaki kang katulad ng Ate Alexa mo. Gusto mo bang sumali ng pageant sa susunod?” Bulong ni Ate Kelsey. Napapantastikuhang tinitigan ko lang ito at nagtuloy sa pagbabasa ng summary noong natapos kong aralin. Hindi na ito nagkomento pa at tipid na ngumiti bago tumayo dahil aasikasuhin niya pa si Acel, ang pamangkin kong kamukhang-kamukha ko raw. Sana nga hindi nito mamana ang pagiging introvert ko, kawawa iyon pag nagkataon. Maya’t maya ay tinawag ako ni Ate Kelsey, nagulat akong makita na may hinanda pala siyang meryenda para sa akin, maghahating-gabi na at wala pa akong balak na matulog. Nakagawa na ako ng mga summary kanina sa Condo, pagkatapos ay dahil gabi na nagdesisyon na lang akong dito na mag-aral kina Kuya. Di ko naman intensyong manggulo pero mukhang tulad ng dati, nag-aalala pa rin si Ate Kelsey lalo na sa klasi ng mga pagkaing kinakain ko. “Mauna na ako ha, uh, di kasi makatulog iyong si Acel pag hindi ako katabi.” Ngiti ni Ate. Ngumiti ako at tumango. Dito na lang din ako sa kusina mag-aaral, since dumidirekta sa itaas iyong ilaw sa sala at baka makaistorbo pa ako. Ala una yata noong inantok na ako, tumayo ako’t niligpit ang mga notebook at pati ang mga pinagkainan. Naghugas pa at saka bumalik sa sala at bumalik ulit sa kusina para patayin ang ilaw. Nagrereflect naman sa loob iyong post light nina Ate kaya pwede namang patayin ang lahat. Nakatulog ako sa sobrang pagod at nagising na maaga kinabukasan, walang pasok ngayon dahil unang araw ng weekend. Kaya nagboluntaryo ako kay Ate Kelsey na samahan silang maglakad-lakad sa labas, since busy nga si Kuya at sigurado mamaya pa iyon makakauwi ulit. Hinawakan ko ang lace ng asong alaga nila, isang Labrador Retriever, habang nakastroller naman si Baby Acel. “Wala pa rin bang nanliligaw sa’yo, Rom?” Ngiting tanong ni Ate Kelsey, ingat na ingat ito sa pagtatanong. Sure kasi kaming magagalit si Kuya kapag narinig nito na ganito ang paksa. Umiling ako kaso bahagya ring natigilan noong naisip si Nicko! Of course not! Hindi siya, hindi iyon nanliligaw... nakakakilabot naman. “Ah... pero may naiisip ka?” Cheeky na tanong pa nito. Nag-aatubili ako sa pag-iling at nang natanto ang sariling reaksyon ay mabilis akong pumikit at umiling. Natatawa naman si Ate Kelsey. “Ganyan din ako noon,” halakhak nito, “Dinedeny ko pa.” Oh no! Not gonna happen! Si Ate Kelsey talaga, kung ano-ano na lang ang sinasabi. Di naman kasi totoo iyon, nag-iisip lang ako kanina kung meron ba talaga. Walang pumasok sa kukote ko kaya atubili ako noong una. “Di ko naman sasabihin sa Kuya mo, normal lang iyan.” Ngisi nito, “Pero wag ka munang magmadali. Iyon ang magiging mali.” Ngumiwi ako at umiwas. Magka-clubhouse nga yata kami, doon maraming nakadisplay na pang meryenda saka maganda ang ambiance, mahangin at may malaking pool sa gilid. Mag-eenjoy sigurado ang mga dala naming alaga. Ako muna ang natuka sa pagbabantay kay Acel habang si Ate Kelsey na naman ang humawak sa lace ng Labrador nila, Achi iyong naalala kong pangalan. Ipinagtulak ko si Acel at tumingin-tingin ng mga pagkaing display habang abala sa paglilibot si Ate sa labas, I heard from her that she’s planning to rent this whole place for Acel’s 1st birthday. Malapit na iyon... at excited na rin ako sa unang pamangkin. Excited din sina Mama’t Papa... unang apo rin kasi. Dapat nga kay Ate Alexis ang una ngunit mukhang tatandang dalaga ang isang iyon... ako nga rin, baka sumunod ako sa yapak. Tumigil ako at natakam sa nakitang slice ng ice cream cake na umaapaw pa ang laman sa isang bahagi ng plate. I want it so much, kaya lang nasa labas si Ate Kelsey at wala akong kahit ni pisong dala rito. How can I eat that? How can I have it with the intense cravings I have right now? Pwede kayang utangin? “Charge niyo na lang po sa akin, Kuya... bigay niyo na kay Romana.” Nakagat ko iyong dila ko at hindi makapaniwalang kaharap ko ngayon si Nicko. Nakasuot ito ng uniporme ng Clubhouse at nakapasok sa hairnet ang buong buhok. But he still looks dirty with his facial hair. “A... ah, ano, ako na po ang magbabayad. Tawagin ko lang si Ate.” Nanginginig na baliwala ko sa sinabi nito. Tipid na ngumiti si Nicko. Ang liit ng mundo no, paanong nandito ito at ngayon nga’y nakayuko para lang matitigan ako. The contradiction and difference, we look so much opposite. “Nailista na,” sabi nito. I hate his guts! Ang kapal talaga! Sinabi ko bang ilibre niya ako? Nakakainis, but who I am to not accept this dessert? Ang sarap! Pero inis pa rin ako kay Nicko, hindi ko maiwasan. Hindi naman ito kasing sama ng iba, na may kasama nang pamimilit. Hindi ko lang talaga gusto ang pangstastalk nito sa akin na pati dito umabot ito. He’s giving me goosebump. “Tapos na ako,” ngiti ni Ate Kelsey pagkalabas ko mula sa loob. Tumango ako at sumilip sa loob. Kita kong nakikitawa si Nicko kasama iyong ibang staff, halata ang tuwa ng mga kasama niya sa kanya. He looks different when he smiles carelessly. Mukhang tao, kahit papa’no. Naupo ako rito sa likod ng bahay nina Ate Kelsey, pinapatulog ni Ate si Acel sa itaas. Ibinalik naman namin si Achi sa kulungan nito. I have nothing to do anymore, kundi ang magbasa ng mga random inspirational books na nakita ko sa lang sala nina Kuya. Kakatapos ko lang din maligo at nakakatamad tumambay sa loob kaya I opted this out. Umagaw nang pansin itong cellphone kong nakalapag sa katabing lounge. A notif, which I regretted to open. First name pa lang kilala ko na, Nicko Albanzo added me! Hanggang dito ba naman? Bakit ba ayaw akong tantanan nito? Ano ba sa ipinakita ko ang hindi nito makuha? Hindi ba halata na ayaw ko sa kanya? No’ng una pa lang ipinakita ko namang hindi ko siya gusto. But this guy, he would surely not give up. Inignore ko noong una, kaya lang sa tuwina ay hindi ko mapigilan ang sariling silipin ulit iyon. Sa huli ay tinanggap ko ang pang-a-add nito at napahimas ako sa sariling braso nang natanto ang naging aksyon. How did I come up with that decision? I’m maybe not in my right mind! Diyos ko! Naengkanto na ba ako? Paano ko nagawa iyon? I shouldn’t have accepted his friend request. Kaso huli na yata iyon kasi tumunog kaagad ang cellphone ko at hindi ko na naman napigilan ang sariling sagutin iyon. Sinasagot ko naman, hindi lang gaanong mahaba ang mga sagot ko sa chat nito. ‘Pwede ba kitang yayaing magdate?’ Nabitawan ko ang cellphone na mabuti na lang nasalo ng kandungan ko. Natulala ako sandali, iniisip kong bakit sinasagot ko ang chat nito. Worst na ngang inaccept ko ang friend request nito, dumagdag pa na hindi man lang ako nag-alinlangang sagutin ang mga chat niya?! Anong nangyayari sa’kin? So I did what I was supposed to do. I reported him to Kuya Rameil. And then I regretted doing it. Ako pa ang nakonsensya noong nakita ko itong umiiwas na sa akin at puno ng sugat ang mukha. “Binugbog niyo Kuya?” Mahinang tanong ko kay Kuya habang nakatayo ako sa harapan niya. Kumunot ang noo nito at tumingala sa akin. Halatang nagtataka sa reaksyon ko ngunit kinokonsensya na ako ngayon! “Matigas e. He still wanted to befriend you, anong iisipin ko? Kundi daanin sa dahas para magtanda! No one deserves you, Romana.” Naitikom ko ang labi at hindi nakasagot. Naiintindihan ko. Matigas din kasi si Nicko. But my conscience won’t let me sleep. So after a week, I came back and started eating in Ate Bebe’s Carenderia. Pasilip-silip ako baka sakaling masilip ko man lang si Nicko... nahihiya akong magtanong kay Ate Bebe. Kaya lang umabot ng buwan bago ko ito nakitang muli. And then I came up with a plan. I’ll befriend him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD