Naranasan niyo na bang parang may nagmamasid, na hindi niyo alam kung sino? Ilang ulit ko nang napapansin ang ganoon sa tuwing uwian mula sa Unibersidad.
Natuto na akong magcommute ng mag-isa simula nang nasanay sa Manila. I could not demand or ask Kuya Rameil to pick me up here. Malaki na ako, tulad ng sinasabi ni Papa... at hindi na raw ako bata.
Kaya nga siguro kahit papa’no nasasanay na rin ako sa dumadaming tao sa mundo. O kaya’y binabaliwala ko na lang iyon at pinipiling mag-isa. Kaya ko naman ang sarili at isa pa, ang hirap ng magtiwala sa klasi ng panahon ngayon. Mas gugustuhin ko na lang ang mag-isa kesa matulad sa isang kolehiyalang naging biktima ng gangrape kumakailan, na mga kaibigan pa ang pumatos.
“Isang sabaw po na sinampalukan na beef lang po sana, Ate Bebe. Pagkatapos isang kanin, dalawang gulay na lumpia at pabili na rin po no’ng paborito kong panghimagas, minatamis na gelatin.”
“May ginataang langka na ako, iha. Ayaw mo na noon?”
Sumimangot ako at sinabi ang reklamo,
“No’ng huli po, di niyo naman sinabing iba ang cook noon.”
Natawa ito, “Bumalik na, Iha. Pwede mo nang tikman ulit.”
Bahagya lang akong natawa at nagpadagdag na rin. Payat akong babae pero bumawi sa tangkad. Yong mga kinakain ko sa height nga yata napupunta. Sabi naman ni Mama nasa lahi na namin iyon, matangkad din kasi talaga si Ate Alexa. Tsaka yong mukhang kapre ko pang Kuya.
Excited nga iyon, no’ng huling bisita ko sa itinayo niyang bahay para sa kanila ni Ate Kelsey, ay nakita kong aligaga ito at hindi mawari iyong ngiting banat na banat sa labi nito. Siguro kasi manganganak na si Ate Kelsey. Ganoon nga yata kapag bumubuo na ng pamilya.
And luckily, I’m still single... ah, teka! Bakit nasingit ko iyon?
Siguro nasarapan sa hinaing ginataang langka ni Ate Bebe. Ganitong lasa ang hinahanap ko mula pa last week, nalalaman ko kaagad kung naiba ang timpla at masasabi kong bumalik na nga ngayon.
Pagkatapos ko ngang magbayad ay tumayo na ako at handa na sanang bumalik sa loob ng University, kaso nakita ko iyong display ng malalaking turon at tapioca sa isang tabi. Bumalik ako kay Ate Bene at binayaran yon bago umalis.
Pag nagutom ako mamaya, babalik ako rito. Siguradong may bagong display na naman doon. Unlike last week, parang hindi bet ng kusinero ang magluto nang marami kaya noong nagutom ako ay wala ng laman ang display ng mga meryenda nina Ate Bebe. Nayamot tuloy ako at tinanong ng tinanong si Ate Bebe kung kailan ang balik noong cook na umuwi pala ng Tarlac kaya hindi nakaduty ng isang Linggo.
Buong hapon yatang kunot lang ang noo ko habang nagrereview ng notes. Buti nga pagkahapon ay natapos namin iyong biting quiz yesterday. Maaga akong natapos dahil wala na akong gagawin sa library pa.
Naglalakad na ako sa labas nang naramdaman kong may nakatitig na naman sa akin. Instinct ko na yata iyon, kahit hindi ko nakikita alam kong nakatitig ito diretso sa’kin. Pinangilabutan ako at nagsisitindigan ang mga balahibong hinaplos ko iyon. Palingon-lingon na ako sa paligid hanggang sa napako ako at napako rin ang mga matang natunton kung saan nanggaling iyon.
May lalaking makaupo sa gilid lang ng saradong karinderya ni Ate Bebe. Naninigarilyo itong nakatitig sa direksyon ko. Hindi naman siguro assuming lang ako ‘no?! Ngunit halata talagang sa’kin ang mga mata niya.
Hindi ko gusto ang pagtitig nito sa akin. Hindi ko gusto iyong bulto niyang mukhang manyakis. Parang kapre rin sa tangkad, tapos ang itim-itim pa, medyo balbas sarado rin... iyong mga mata nito, dahil sa kapal ng mga kilay ay nagmukhang pinupugaran ng kuto.
Hindi sa panlalait, mukhang psychopath at stalker na nga ay parang nakatira pa sa isang malaking balete.
Di kaya’y ineengkanto ako?
Baka, magpapatawas kaya ako? Pero ang mga tao rito sa Manila ay hindi naniniwala sa kababalaghan. Paano nga kung hindi naman talaga ito elemento? Baka nga tao! Stalker!
Diyos ko!
Bakit sa’kin pa?!
Napabilis ang lakad ko sa takot na baka bigla akong maglaho. Hindi ko kilala iyon at nakakatakot pang lalaking-lalaki ang lahat dito.
Napakrus na ako pagkatapos sumampa sa jeep. Panalangin ko na lang sana na hindi ako sinundan noon. At sana kung masamang espiritu man ay lubayan niya na ako.
“Ano?!” Humagalpak ng tawa si Ate Bebe, hindi gaanong punuan ngayon dahil papalapit na ang exam, busy ang mga estudyante sa pag-aaral. Ako nama’y pachill-chill dahil nakapagself study na ako kagabi, magseself review na lang ako mamaya bago ang exam sa bawat subject.
“Nicko! Lumabas ka nga muna rito,”
Kumunot ang noo ko, tuwang-tuwa yata si Ate Bebe samantalang hindi ko mapunan ang sarili mula pa kanina dahil sa sobrang takot habang nagkukuwento sa kanya.
“Ate,”
Parang aatakehin yata ako sa puso. Ang bata-bata ko pa pero parang may sakit na ako sa puso. Mulagat ang mga mata ko habang nakatingala sa kapreng ‘to. Ang laki niyang tao, parang si Wolverine ang naalala ko sa kanya. Mas matangkad lang talaga, mas maitim tsaka balahibuin ang mga braso.
“Hi,” tipid na ngiti nito.
Lumunok ako at hindi nakasagot.
Tawa naman ng tawa si Ate Bebe,
“Oh iha, ito iyong paborito mong kusinero...” tawa pa rin ito ng tawa, “Sa pagkakadescribe pa lang ng batang ‘to sa’yo, alam ko ng ikaw iyong nakita niya kahapon.” Tingala rin ni Ate Bebe rito. Sa sobrang tangkad nito e abot na yata pati ceiling ng karinderya.
“Pasensya na, uh, Romana?” Ngiti pa rin nito.
Nangingilabot pa rin ako rito. Hindi pumapasok sa sistema ko iyong pwede na akong mapanatag dahil tauhan din pala ito ni Ate Bebe. Kilala naman siya ni Ate Bebe, kaso hindi ako komportable.
Ang itsura pa lang nito, parang hindi na naliligo araw-araw. He has a lot of excessive hairs everywhere, di rin maayos ang gupit... at may balbas! Hindi man iyong mukhang caveman, pero may balbas. Tapos hindi pa kagwapuhan... mukhang bumawi lang sa tangkad at lapad ng katawan. Mukhang mabaho pa.
“Bakit ka ba kasi tumambay diyan?” Tanong ni Ate Bebe habang kumukuha ito ng serve dahil may umorder.
Napakamot ulo iyong Nicko at sumilip pa sa akin kaya umiwas ako. Hindi ko gusto iyong pagtitig niyang ganyan. Hindi ako komportable. At hindi magiging komportable habang buhay.
“Wala lang po ‘yon, Ate... nagpapahangin lang at nanigarilyo.”
“Tinakot mo naman itong suki natin, nagulat sa’yo. Di yata sanay na makakita ng katulad mo. Tingnan mo nga, namumula pati balat nito dahil sa takot.”
Napatitig uli ako kay Ate Bebe. Ngumiti iyong Nicko, kaya umiwas na naman ako.
“Ang puti-puti nga po, Ate... nakita ko kahapon, namumula sa sobrang init ng panahon.”
Nabilaukan ako sa sariling laway at naubo-ubo. Natawa na si Ate Bebe...
“Eh paano, natural na mestisa! Tsaka, kita mo naman... siya lang itong sobrang puti at galanteng suki natin rito. Lagi pang mabango, kaya nabibinyagan din ‘tong karinderya natin at hindi lang puro ulam ang naaamoy sa paligid.”
“Talaga, Ate?... hmm...” tumigil ito sandali, parang nakikiramdam, “Oo nga! Ang bango mo, Romana.”
Diyos ko! Kung binabangungot man ako ngayon, sana magising na ako. Hindi ko talaga ‘to gusto at natatakot ako sa lalaking ‘to! Baka may lahing kapre kaya ganyan ang pustora.
Nanginginig na ang mga tuhod ko at hindi ko na masyadong maramdaman ang mga daliri dahil nanlalambot ako rito. Gusto kong umalis, ayaw kong marinig ang tuksuan ng dalawa at dumidilim ang paligid ko.
Kaya siguro, nakita ko na lang ang sariling nasa loob ng clinic. I don’t know, I’m not sure... kung ito ba iyong nasa loob ng University. Nagbebrain storming pa ako nang sumilip iyong incharge at nakumpirma kong sa school nga ito.
“Mababa ang dugo niyo, Ate...” panlalambing nito, ‘ate’ nga yata ang tawag niya sa lahat ng babaeng estudyante, sa mas matanda man o sa mas bata, “Kailangan mo lang magtake ng vitamins, then you’ll be okay.”
Tumango ako at inayos ang nagulong buhok. Tiningnan ko rin ang sarili at mukhang okay naman ako. Ngumiti nga akong mag-isa. Panaginip lang pa—
“Nga pala, kaano-ano mo iyong naghatid sa’yo kanina?” Nangingiting tanong at lingon nito, “Bet ko yong mga ganun, nangwawasak ng kama...” halakhak nito.
Napaawang na lang ang labi ko at hindi makapaniwala na kinikilig itong school nurse na parang naaalala pa rin iyong lalaki, for sure lalaki, na naghatid nga raw sa akin dito.
“M-may naghatid? Uh, hindi naman siguro iyong matangkad na lalaking maitim na puro buhok sa katawan na kamukha ni Wolverine at parang anytime pwedeng mag-anyong lobo? Di’ba po, Ma’am Nurse?”
Natawa ito, “Grabi ka naman, ate. Mukhang lobo talaga. Okay naman iyon ah? Medyo may itsura! Tsaka ang ganda ng katawan, lalaking-lalaki.”
“Ma’am Nurse! Mukhang hindi iyon naliligo araw-araw! Siguradong amoy matandang hukluban iyon!”
“Grabi ka, Ate...” humagikhik ito, “Parang minumura mo naman siya sa isipan mo. Anong amoy hukluban? Mabaho? Hindi ah! Ang layo ng imahinasyon mo, Ate... ang bango kaya noon. Naamoy ko. Amoy lalaking-lalaki na naliligo ng tatlong beses sa isang araw. Even you don’t believe it.”
Ha? Ano kayang salamangka ang ginamit ng lalaking yon para ganito na lang ang lumabas sa bibig ni Ma’am Nurse?