15

2075 Words
Kakatapos ko lang mag-enroll at pumirma sa scholarship kaya nagulat ako nang paglabas ay nasa tapat si Kuya Rameil naghihintay sa’kin. Siya lang, walang Romana... kaya siguro di ko mawari ang nararamdaman habang nakatitig sa kanyang nakapamulsa. Tinikom ko na lang ang umawang na labi at mabilis na naglakad. Pakiramdam ko tinititigan ito ng ilang estudyanteng kasabayan ko kanina sa loob. Akala ko kasi matatagalan bago ito sumundo. Sabi ko alas dos pa ako matatapos, e napaaga ngayon. “Grocery tayo, sabi mo papakialaman mo ang stocks ko kaya sasamahan na kita.” Ngisi nito. Napakamot na lang ako ng pisngi at pumasok saka tumitig muli sa labas. Kita kong nakatitig ang ilan dito. Tinitigan ko nga si Kuya Rameil na seryosong nagdadrive saka magwiwhistle na parang nag-eenjoy. “Where do you want to eat?” Tanong nito kalaunan habang nakastock kami sa traffic. “Magluluto na lang po ako, baka gutom na si Romana.” Napaisip pa ito sandali bago tumango. Pero dahil nasa traffic pa rin kami ay bahagya itong dumukwang saka hinalikan ang gilid ng labi ko na siyang ikinagulat ko. “Inaabuso niyo na ako, Kuya Rameil.” Tinitigan ko pa ito ng masama na ikinatawa lang nito. “Pwede naman sigurong Rameil na lang, Kelsey? Tsaka, para naman tayong magbf-gf. Oo mo na lang hinihintay ko.” Ngisi pa nito saka inusad ang sasakyan. Uminit ang pisngi ko saka huminga ng malalim. Nasa’n na ba yong Kelsey na palaban at laging nagtataray sa kanya noon? Ewan ko ba, simula ng makausap ko ito ng matagal parang nagbabago na rin ang ugali ko. O dahil sadyang nakakahiya na magsuplada pa ako kung sa kanya naman ako nakatira? Di ko alam. “We should date sometimes,” aya pa nito. Lumunok ako at tinitigan ang hawak na brown envelope at tinitigan sa loob ang ilang units na credited sa naavail kong scholarship. Ala una ay tapos na ang klasi ko kaya maaaring matapos din ako sa trabaho ng bandang alas 5. Makakauwi ako ng maaga... at baka nga, ewan, depende sa schedule. “Kelsey?” Tawag nito. “H-ha? Ah— titingnan ko Kuya.” Iling ko. Tumawa lang ito at muling dumukwang para halikan iyong tungki ng ilong ko na siyang ikinalaki na talaga ng mga mata ko. “Bakit niyo naman ginagawa iyan, Kuya Rameil? Ang landi-landi niyo.” Di ko na talaga napigilan ang bibig. Humalakhak ito... nasisiyahan sa panunukso sa akin. Na para bang ginagawa niya lang yon para inisin ako. “Cute mo kasi... saka ang tagal kitang hindi nakita. Pumayat ka nga saka mas pumuti... nagdadalaga siguro?” Lumukot ang mukha ko at hindi maipinta habang nakatitig sa kanyang kagat ang pang-ibabang labi, tinutunton na ang daan sa kung saang supermarket para bumili daw ng kailangan sa kusina. “Ganoon pa rin naman ako, Kuya ah?” Umiling ito, hindi sang-ayon kaso dahil hindi ako naniniwalang ganoon lang ay ipinunto ko pa rin ang gusto kong mangyari. “Ikaw nga diyan, parang umiba... gusto mo yatang laging naglalaro.” Nagtatampo ko pang sabi na ikinahalakhak nito. Tumabi ang sasakyan nito kaya lumingon ako sa labas at tamang nandoon na kami sa tapat ng isang malaking supermarket. Bago talaga ang lahat ng bagay sa mga mata ko kaso dahil hindi ko naman gaanong pinagtutuunan ng pansin yon ay hindi naman ako naninibago. “I’m not into games, Kelsey... nakakahiya naman diba na paglalaruan ko pa mismo iyong kapitbahay ko? Baka bitayin ako patiwarik ng Papa mo.” Tawang-tawa na sabi nito. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko at hindi gaanong makapaniwala. Seryoso ba talaga siya? Kaso hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang katotohanan na hanggang ngayon ay pabling pa rin ang tingin ko rito. Naalala ko ang nadatnan ko noon. Di malayong ginagawa pa rin nito ngayon. Sa status ng buhay nito at sa sitwasyon niya ngayon? Di malayong mas maraming babae ang lumalapit. “You have this look that you still judged me...” tawang-tawa na sabi pa nito, “Kelsey, hindi sa pagmamayabang, hindi ako ang tipo ng lalaki na nagsisikap para kunin ang isang oo ng babae. Hindi rin ako gagastos ng malaki dahil mas gugustuhin ko na lang na ibigay lahat sa bunso namin. Kaya, why don’t you give me a chance?” Alok nito. Napalunok ako at hindi makasagot. Ngunit hindi niya naman ipinilit iyon. Ngumiti lang ito ng isang beses bago dumukwang kaya napaatras ako at naramdaman na lang ang labi nitong lumapat sa labi ko. Tumikom para lang sungkitin ang pang-ilalim kong labi. Saka humiwalay. “Di kaya lugi ka niyan, Kelsey? I kissed you every now and then... we almost had s*x before, I touched you in inappropriate way... lugi ka na niyan, Kelsey... you just have to say yes and we’re even.” Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa pamimilit nito. Ginagawan niya ba ng reverse psychology ang pag-uusap na ito para umoo ako? “Baba na tayo, please...” iling ko. Na ikinatawa na lamang nito. Itinulako yong pintuan kaso hinila nito ako pabalik sa upuan. Saka tinitigan mula ulo hanggang dibdib. Kagat ang pang-ibabang labi at nanatili ang mga mata roon sa tapat ng t-shirt ko. Fitted iyon. Kaya alam ko kung anong klasing titig iyan. Pinakawalan din nito ang pang-ibabang labi saka pilyong nakangiti. “Someday, I am sure... I will be free to touch your bosom. Let’s go outside.” Nakanganga lang ako habang nakasunod sa kanyang lumabas ng sasakyan. Ano daw? Bwiset na yon! “Anong sabi mo?” Bulong ko rito. Nakadikit ako sa kanya dahil pakiramdam ko e tatakasan ako niyan. Nakahawak din ako sa dulo ng t-shirt nito. Natatawa pa itong inangat ang braso at mas lalo pa nang nakita nitong nakahawak ako sa laylayan ng t-shirt niya. Tumikhim pa muna ito bago ako inakbayan at inilapit sa katawan nito...kaya mukhang nakayakap ako sa kanya. At ang mas nakakahiya pa ay nakatitig sa’min ang mga tao. “PDA mo kuya,” asar na bulong ko rito at pasimpleng tinutulak ang katawan nito. “They don’t mind, Kelsey. Wala namang pakialam ang mga yan hindi tulad sa probinsya natin.” Iling nito at hinigpitan pa lalo ang diin sa akin papunta doon sa katawan nito. Nang tingalain ko ay nagpipigil ito ng ngiti. Di ko alam kung kinikilig o talagang nagpipigil dahil nakakatawa ang nangyayari sa’min dalawa. “Do you know foreplay, Kelsey?” Bulong nito nang yumuko. Kumunot ang noo ko... hindi dahil inosente ang dating kundi hindi ko maalalang nabasa ko ito sa libro. Hindi rin ako mahilig magbasa ng kahit ano na hindi nagkokonekta sa pag-aaral. Hindi dahil sa nilalayo ko ang sarili sa alinmang bagay na hindi importante kundi talagang wala na akong oras para do’n. Kaya ewan ko... “Remember what we did in the spring? That’s foreplay, Kelsey. Too bad I want to do it now...” bulong nito na ikinakiliti ng tenga ko. “Kuya, susuntukin kita, kita mo!” Inis na bulong ko rito na ikinatawa na lamang nito. Lunok ako ng lunok habang kumukuha ng pwede sa mga lulutuin. Doon din ay pumili na kami ng karne, isda at ilang bacon. Sabi kasi ni Kuya ay mahilig doon si Romana... sabi ko nga hindi naman healthy iyon. Dapat siguro matuto na akong magluto healthy foods na maganda sa panlasa ng kapatid nito. “Okay na po yan,” iling ko pagkakita sa tulak-tulak nitong cart. Ngayon lang ako nakapaggrocery ng ganito karami. Kami kasi nina Mama’t Papa ay kontento na sa kakaonting pwede lang bilhin. “These aren’t enough,” bulong nito habang nakatanaw sa glass, doon sa session ng mga inumin. Naningkit tuloy ang mga mata ko ngunit hindi ko rin ito pinigilan na kumuha ng tatlong bote. Dahil, hindi ko naman pera ‘to. Saka bahala siya sa buhay niya. “Magkano lahat?” Kulit ko kay Kuya Rameil... bumalik kasi ako sa loob at kumuha ng de bottle na toyo. Pagkatapos ng isinama ito ay hindi ko na nakita. Gusto ko kasing makiambag dahil isa rin ako sa kakain ng iba diyan. “Okay na yan, hayaan mo na yon.” Iling nito habang tumutulak ng cart palabas ng supermarket. Naningkit tuloy ang mga mata ko at inagaw ang mahabang resibo na nakalagay lang sa ibabaw ng karton at napamulagat ako sa laki ng binayaran. “Putangina, 15k? Anong klasing supermarket yan?” Hindi yata ako makakatulog niyan. Napaawang din ang labi ni Kuya Rameil habang tulalang nakatitig sa akin. Ako nga ay hindi rin makapaniwala. “Nagmura ka ba?” Nakaawang ang labing tanong nito. Namilog din ang bibig ko. Yon ba ang ikinagulat nito? Pero dapat mas magulat siya sa lahat ng pinili ko doon sa loob. “Oo! Kahit sino mapapamura sa laki ng binayaran mo Kuya! Anong klasing supermarket yan? Gold?” Papagalitan yata ako nito kaso natawa na lang sa tanong ko. “Di ba kayo naggrogrocery, Kelsey? Si Mama pag nagpapadala ako, budget ko sa kanya sa grocery pa lang ay 20k... hindi pa kasali ang ibang bayaran, hati kami nina Ate at Papa sa iba pa... kaya normal lang iyan,” iling nito. At nilagay na sa likod ang mga binili namin. Lumunok ako. Ang layo ng estado ng buhay namin kung dito pa lang ay wala na. O sadyang hindi ako lumaking gumagastos ng malaki? Kasi may farm kami at ang ibang gulay ay doon namin kinukuha. Kaya siguro... ewan. Tumikhim ako, sa totoo lang... hindi ko kayang bayaran iyan, kahit hati na. “Hindi ako makakabayad kung laging ganyang ang grocery natin.” Sabi ko. Tumango ito... ngiting-ngiti, waring hindi sineryoso iyong sinabi ko. “Hindi naman kita inayang maggrocery para lang bayaran ako, Kelsey. Hindi rin kita pinatulog sa unit ko para lang makihati... masaya na ako na pumayag kang dito sa akin.” Iling na sabi nito. Uminit tuloy ang pisngi ko at tumitig sa labas. At nang natapos ay pumasok na kami sa loob saka nagdrive pauwi. Nadatnan naming nanonood ng tv si Romana habang kumakain ng chips. Ngumiti pa ito nang lingunin kami. “Hindi ka pa kumakain?” Tanong ko. Nakatitig ng matagal doon sa hawak nitong chips. Umiling ito, kaya napabuntong hininga ako. “Mamaya na yang chips, Romana... magkakaulcer ka niyan.” Panakot ko rito. Tumango ito at itinabi ang pagkain saka muling nanood ng tv. Ako naman ay dumiretso na kaagad sa kusina at nadatnang nagbubukas na ng mga boxes si Kuya Rameil. Inayos nito ang mga pinamili kaya tinulungan ko na... kinuha ko lang ang mga ingredients na kailangan ko sa lulutuin mamaya bago nilagay sa mga cabinet ang pwede sa labas. At nilagay ko rin sa transparent na tupperware iyong kailangan sa freezer. “Pwede na yata kitang asawahin, Kelsey.” Ngiti nito habang nanonood sa ginagawa ko. Nangasim tuloy ang pakiramdam ko at sinipa ito kahit malayo. Tumawa lang ito at naglakad palabas kaya nagtaka ako sa ginawa nito. Ilang segundo lang ay bumalik naman ito... inaayos ko na ang mga ingredients sa isang tabi. At nagulat na inikot niya ako at mariing hinalikan kaya parang ungol iyong singhap ko sa nangyayari. “She’s busy, I’m sure she won’t hear us...” bulong nito. At nagulat na lang ako na ipinasok nito ang kamay sa likod ng sout kong t-shirt at kinalas ang sout kong bra. Saka ko lang naramdaman ang kamay niyang pumipisil ng mariin ng dalawa kong dibdib. Mulagat talaga ako... para siyang gigil at panaka-nakang humahalik sa labi ko. “You’re just so soft, Kelsey. Kahinaan ko yata ang dalawang ‘to.” Ngiti nito habang minamasahe ang dalawa kong dibdib na para bang nagmamadali siya’t baka nga mahuli kami. Ang init-init ng pisngi ko sa hiya... kinikilabutan ako sa gaspang ng dalawang kamay nito. At nagulat pa ako nang itinaas nito ang t-shirt ko at pinisil ang isang dibdib bago dumukwang para dilaan iyong ituktok ng tetilya ko. Nanginig tuloy ang mga braso ko. Parang nanghihina... iyong pagdila niya parang ipinapakita talaga sa akin. Sinubo niya saka parang marahang hinihigop kaya napatitig ako sa bungad ng kusina. Kagat ang labing nakahawak na ako sa sink. Inaantok ako sa nangyayari... bakit naman kasi. Naibaba ko ang mga mata pagkatapos nitong tigilan iyon at napanganga na lang na tumigil siya inayos ang sout kong bra. Saka kinintilan ng isang beses iyon labi ko. Ngumiti ito samantalang ako ay gulat pa rin. Anong nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD