Pagkalabas ng airport ay sumakay kami sa magarang sasakyan, na si Kuya Rameil ang driver. At dinaan lang namin sa condo nito ang mga gamit bago muling lumabas para kumain sa Mall. Sabi ni Kuya di nito alam kung paano kami papakainin pagkarating dito dahil di naman daw siya nagluluto.
Namula tuloy ako at naisip na dapat siguro ipagluto ko yong magkuya. Pakiramdam ko hindi rin marunong magluto si Romana. Ako na nga lang gagawa, sanay naman ako. At saka isa pa libre ang pagtuloy ko roon. Babawi na lang ako.
Pinapili kami ni Kuya Rameil, tinuro ko naman ang nasa isang menu... isa sa mga pinakamura. Pagkatapos hindi pa ito nakontento at pinapili pa ako ng dalaw, puro murang pagkain lang ang gusto ko. Medyo nahiya na nga ako pagkakita sa presyo... medyo may kamahalan din kung ang pagbabasehan ay kung ilan ang makakakain.
“Change this one, Kels... may iba pa rito o.” Aya ni Kuya Rameil at binuklat saka tinuro iyong purong isda... nangasim tuloy ako pagkakita ng presyo. Ayaw ko nga no’n.
“Okay na po ako sa dalawa Kuya... saka inumin na lang.”
Iling ko. Na tinitigan nito ng mabuti kaya napaiwas ako at nahihiya. Mas gusto ko sanang ayain na lang ang dalawa na doon na lang sa condo at ipagluluto ko na lang sila.
“Sige, ako na ang bahala sa isa... you should enjoy the food, Kels. Libre ko naman.” Haplos nito sa ulo ko.
Napangiwi tuloy ako at nahihiya habang tinititigan si Romana na napaiwas saka nangingiti. Ewan ko ba, makapal naman ang mukha ko noon... kaya lang nang simulang mapansin ako ni Kuya Rameil ay para bang naiilang na ako sa mga bagay-bagay. Na hindi naman dapat dahil alam kong tutuksuhin pa nito ako lalo.
“Sasamahan ko kayo ni Romana na mag-enroll... on leave ako ng isang Linggo kaya pwede niyo akong maging driver.” Ngiti nito habang nagstastraw.
“Baka makaabala po Kuya,” akala ko pa naman magcocommute ako at sasamahan pa si Romana. Alam ko kasi busy din ito sa trabaho at di naman nakapagsabi na leave kaya pwede kaming samahan.
“Nakapagpaalam na ako ng maayos, Kelsey. And I won’t risk your safety here...”
Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Para saan pa kung alam ko namang tama ito? Bago pa lang kami at baka mapagtripan. Mamaya niyan nasa balita na kami at saka mahirap din sa kalagayan ni Romana. Bata pa ito at mahirap pabayaan... kapatid pa ng nagpatuloy sa’kin dito.
“Kailan ba ang enrollment? May schedule na ba kayo?” Maya’y tanong nito pagkatapos na dumating ang mga inorder. Itsura pa lang alam mo ng mamahalin. Kaya pala ganoon ang presyuhan.
“The next day po ako Kuya Rameil...”
“Next week po ako Kuya...”
Tumango ito at sinabi ang plano. Kaya lang sakto ang enrollment ni Romana sa pagbabalik nito sa trabaho.
Namroblema tuloy kami at sinabi ko sa kanyang hindi ko naman pababayaan si Romana.
“May grab app ako rito at pwede ko kayong ibook para alam ko kung sino ang magpipick up.” Suhestyon nito.
Tumango ako, sang-ayon sa plano nito at nagustuhan iyon. Pwede na siguro. Pagkatapos nasa kalahati na kami ng nagdesisyon na akong sabihin ang mga plano ko habang nasa unit ni Kuya Rameil. Kailangan ko ng mapagkakakitaan. Di naman pwedeng umasa lang ako sa libre. Di ko alam kung kailan magkakaroon ng mga unexpected expenses, dahil ang Kolehiyo ay sadyang magastos. Ayaw ko namang magkaproblema pa sina Mama’t Papa. Kung kaya ko namang maghanap buhay.
“You sure about that?” Di makapaniwalang lunok ni Kuya Rameil.
Tumango ako at nilabas ang cellphone na binigay nito noon sa akin at may ipinakitang website ng isang cafe malapit sa school. Di naman kalakihan ang kita kumpara sa wage rate ng Maynila ay di naman hamak na mas malaki ang magiging sweldo ko rito kesa sa probinsya.
“Pwede naman kasi kitang big—“
“Kuya, nakakahiya na po, sobra. Saka tatlong oras lang po iyan. Natanong ko na rin ang admin kung anong oras natatapos ang klasi ng mga freshmen ang kursong gusto ko ang pagbabasihan. Nasabi na hanggang alas tres lang iyon. Alas sais ay makakauwi na ako sa bahay... sa condo niyo po.” Nguso ko.
Tumango ito at nakatitig ng matagal sa akin kaya lumikot ang mga mata ko at hindi makatitig ng matagal sa kanya.
“Update mo ako kapag ganyan ang schedule mo. Ora mismo kapag hindi mo ginawa iyan papasundo kita sa mga kakilalang nandito. I can’t trust these people... mahirap na Kelsey. You’re under my responsibility now.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Magiging abala pa ba? Pero kasi nangako na ako na kailangan kong tumulong din. Mahirap magkaroon ng utang na loob.
Alas tres ng lumabas kami ng Mall at sinabi nitong kailangan pa naming ayusin ang mga iniwang gamit. Nagulat ako kasi akala ko maayos na ang traffic ng bansa, stranded kami! Mabuti na lang hindi umabot ng isang oras at agad kaming nakarating sa tower. Medyo napagod ako sa dami ng mga taong nasa labas. Kahit si Romana ay nakaramdam din yata ng pagkakailang. Sa’ming tatlo tanging si Kuya Rameil lang itong may enerhiya pa sa nangyayari.
Pagkaakyat ay tinuro sa’min ni Kuya Rameil ang passcode ng unit. Nagulat ako kasi nanonood din naman ako ng tv at hindi ganito ka-hightech ang mga nakikita ko roon. Sadyang iba na talaga ngayon.
Nasa sala ang dalawang maleta, tig-iisa kami ni Romana at may tatlong malalaki pang bag. Sinakto ko lang ang mga dinalang gamit dahil di ko rin alam kung magpapatahi pa ba ako ng uniporme o bibili na lang ng mga mumurahing damit para sa pag-aaral.
Tinuro ni Kuya Rameil ang kabilang pintuan... doon malapit sa veranda at sinabing doon si Romana. Tinulungan ko rin itong dalhin ang mga gamit at ganoon din si Kuya Rameil. Pagkapasok medyo katamtaman ang laki ng buong silid. May built in cabinet at single bed ang naroon. May isang mesa na siguradong study table at may maliit na lamp. Simple ang pagkakaayos. Puti ang lahat ng pinta at talagang hindi inartehan sa ayos. Siguro dahil lalaki ang tanging nakatira rito, na mukhang hindi pa marunong magluto.
“Ano, maiiwan ka na ba namin, Romana?” Tanong ni Kuya Rameil pagkatapos na tinulungan ito sa gamit papunta doon sa single bed.
Nang tumango si Romana ay siya rin paglabas namin at tinuro nito ang gitnang pintuan. Akala ko nga ay iyon na ang akin kaso napaatras ako ng nakitang puro panlalaki ang mga gamit na nandoon. Halatang may umookupa. Tawang-tawa ito sa naging reaksyon ko na siyang ikinapula rin ng pisngi ko.
“Kung hindi ko lang iniisip ang kapatid ko e baka diyan na kita patutulugin.” Bulong nito, na abot hanggang sa pandinig ko.
Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi at sinapak ito sa braso. Tawang-tawa naman itong binitbit ang dalawa kong baga bago tinuro ang pinakaunang pintuan saka ipinakita sa akin ang kabuuang silid. Sadya yata ang desinyo nito tulad ng kay Romana. Katamtaman ang laki at good for one person lang talaga. Inayos ko muna ang maleta sa paanan ng kama saka nilingon si Kuya Rameil at umawang na ang labi para sana magpasalamat sana...
Kaso iyon nga tumunog ang labi nito, o labi ko pagkatapos na humiwalay sa akin.
“Kumakabog pa rin ang puso ko kapag nahahalikan kita, Kelsey... ang lapit-lapit mo na.” Ngiti nito.
Awang lang ang labi ko at hindi nakapagsalita pagkatapos na mamanhid ang labi doon sa klasi ng halik nitong nangangain. Isang beses lang pero ang pakiramdam tumatak na sa labi ko. Kainis, nagnanakaw na naman...
“Your bath will be inside the kitchen... kayo-kayo lang naman si Romana kaya okay lang iyan. Saka nasa loob ng room ko ang isa pang bathroom. And I know both of you don’t like to take bath inside my room, right?”
Tumango ako. Nakakunot na ang noo habang nakatitig kay Kuya Rameil. Hindi naman ako nag-iilusyon kaya imposibleng guni-guni ko lang ang halik nito kanina. Bakit naman kasi parang wala lang dito at nakipag-usap pa ng mahinahon sa akin.
Namilog na lang ang mga mata ko ng naglakad ito palapit sa akin kaya umatras ako at nagulat na nilock nito ang pintuan.
Hinawakan ako sa palapulsuhan at hinila sa kama. Umupo ito at hinila ako kaya natatarantang napatukod ako sa katawan nito. Muntik pa akong nadapa!
“Momol,” bulong nito.
“H-ha?” Nagtataka ako kung para saan iyon.
Pero dahil kabado ako sa pinaggagawa nito ay hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin nito. Kaso mukhang alam ko naman talaga kaso hindi pumapasok sa kokote ko kaya nagulat na lang ako ng pinulupot nito ang braso sa bewang ko at hinila ako papunta sa kanya kaya napaluhod ako roon sa kutso na nasa gitna ng hita nito.
At saka muli kong naramdaman ang init ng halik nito. Halik na malumanay at parang basang bagay na sumasalakay sa’king labi. Napapikit na lang ako kahit na kinakabahan. Sinunod ko ang kilos ng labi nito. Labing nagpainit sa bunbunan ko.
At naibuka ko ang mga mata ng naramdaman ang paggapang ng kamay nito papasok sa loob ng blusa ko at pumipisil sa’king tiyan. Naitulak ko ito dahilan kung bakit naputol ang halikan.
“Nandiyan lang si Romana, Kuya Rameil. Nakakahiya...” iling ko, nasusunog ang tenga at pisngi sa sobrang hiya. Bakit naman kasi may ganito? Para siyang uhaw na uhaw habang nananantiya sa malumanay na halik na iyon.
Tumawa ito at binawi ang kamay. Kinilabutan ako roon kaso dahil nasa matinong pag-iisip pa ako ay tama lang iyon.
“Okay, maybe next time where we’re alone.”
Patay!
“Nakakahiya nga sabi Kuya Rameil,”
Umiling ito natatawa saka nagdesisyon na yakapin na lang ako. Yakap na parang naglalambing. Ewan ko ba rito kung hindi lang nakakahiya baka tinulak ko na ito palayo.
“Bango mo,” singhot nito sa tapat ng dibdib ko.
Nanlalaki tuloy ang mga mata ko habang nararamdaman itong nanggigigil na dinidiin ang pisngi sa aking dibdib.
“Saka malambot, Hmm, Kelsey?” Tukso nito habang humaharap at dinidiin-diin ang mukha doon sa tapat ng dibdib ko. Parang ginagawang unan... sisinghutin saka kakagatin ang tela.
Naitulak ko tuloy ito at nang nagkaroon ng pagkakataon ay lumayo na ako sa yakap nito.
Humalakhak tuloy at saka tumayo.
“I should leave you first... pahinga ka muna, Kelsey at mag-oorder lang ako para sa hapunan.” Ngisi nito, isinuot pa ang isang kamay sa bulsa ng sout na pants bago lumabas.
Grabi, ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko. Para akong aatakehin sa puso. Pagkatapos ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang bawat dampi ng ilang parte ng katawan nito. Mukha nito sa’king dibdib, braso nito sa bewang ko at syempre ang malalim na halik na iyon.
Pakiramdam ko maglive in na kami! Susko, hindi naman ito ang pinangarap ko noong nagkagusto ako rito.
Mukhang magiging delikado pa tuloy.
Inayos ko ang mga gamit at nilagay sa cabinet o closet... ang mga papeles ay inayos ko rin saka ang mga importante gamit ay nilagay ko sa isang bag at pinasok din sa cabinet. Isang oras yata iyon at hindi naman nakakapagod kaya nagbihis muna ako ng pambahay. Isang simpleng t-shirt at jersey shorts iyon. Saka nagtali na rin ako ng buhok bago lumabas. At makitang bukas ang ilaw ng kusina. Pumasok ako roon para datnan si Kuya Rameil na nag-iinit ng tubig at nagbrobrowse yata sa hawak na cellphone.
Nilingon ko muna ng isang beses ang silid ni Romana at nang nakitang walang bakas na parang lalabas si Romana e lumapit na ako kay Kuya Rameil. Napalingon ito sa akin saka ngumiti.
“I ordered our dinner, it will be here in less than an hour. Are you hungry?”
Umiling ako at tiningnan ang kitchen cabinet nito. Pansin kong parang halos nakapack ang mga nandoon. Hindi ako masyadong pamilyar pero madali lang tutunang magluto ng kung alin diyan.
“Pwedeng makialam?” Turo ko sa nakasaradong ref.
Nang tumango ito ay binuksan ko na iyon. Puros canned drinks, may ilang pwede na kaso parang halos hindi naman healthy foods na pwede ko sanang lutuin. Nang tingnan ko pati freezer ay puro processed foods na iyon na pwedeng prituhin na lang diretso.
“Kapag sumweldo na ako, pwede ko bang pakialam ‘to? Isang buwan pa lang siguro mamamatay na ako sa sakit dahil sa klasi ng mga pagkaing nakaimbak dito.” Iling ko.
Tumawa ito,
“You sound like a concern wife, Baby Kelsey... and I like that.”
Tumikhim ako at hindi makapaniwalang landi pa rin ang nasa isipan nito.