Nagtatangis ang ngipin ko sa nangyari at talagang hindi ko alam kung paano kami nakabalik sa harap ng resort at parang walang nangyari na nakikilaro sa mga kaibigan.
Nilingon ko ng isang beses si Kuya Rameil na ngumisi noong nahuli akong nakasilip. Kaya hindi ko na inulit, pinangingilabutan ako roon.
Alas dose nang nagdesisyon kaming tatlo, Fiona at Romana, na maglinis at magpahinga. Pagod na yata, samantalang ako hindi pa rin dinadalaw ng pagod at antok. Iniisip ko iyong nangyari kanina sa hotspring. At sa tuwing sumasagi sa isipan ko iyon, nagsisitindigan ang mga balahibo ko sa katawan.
Di ko lubos maisip kung paanong umabot kami sa ganoon. E hindi naman ako yong tipo ng tao na basta-basta na lang papayag. Anong gayuma kaya ang ginamit ng damuhong yon? Ewan,
Maaga kaming nagising kinabukasan, nakitulong din kami sa mga matatanda para mag-ayos ng mga dala mula kahapon. At saka naghanda para umuwi.
Sinilip ko muli si Kuya Rameil na kausap si Nanay Minda saka ito tumigil at lumingon din sa akin. Kunwaring tinitigan ko ang pool. Nahihiya ako, hindi ko na matagalan ang mga mata nito. Sa tuwing sinusubukan ko ay naaalala ko pa rin ang nangyari kagabi.
Para akong tatakasan ng kaluluwa... bakit kaya ganoon?
“Flight ko mamayang gabi,”
Napatalon ako’t napakurap at hindi nakaimik ng tumabi sa akin si Kuya Rameil. Pareho naming inaayos ang mga kasangkapan dito sa likod ng isang van. At talagang tumabi pa sa akin si Kuya Rameil. Para lang ibulong iyon.
“H-ha? A-ah, sige mag-ingat ka.”
Natawa ito ng mahina. Lumingon din ako sa palibot at may ibang nakatitig. Siguro gusto ring sumagap ng balita. Pero dahil malayo kami ay siguradong walang makakarinig.
“Pwede mo na sigurong i-on ang cellphone na binigay ko sa’yo?” tanong nito.
Tumango ako, kagat ang labi. Naduduling ako sa lapit ng mukha nito. Nakatitig ako ng matagal doon sa tumutubong balbas nito pati rin sa magandang lalim ng kurba ng labi nito. Medyo makapal na hugis na hugis ang tinatawag na cupid bow’s. Nagkukorteng puso. Pula na medyo pinkish... ewan,
“Kelsey, you just had one... and stop staring on my lips. I might kiss you here.” Tikhim nito. At kinapit ang kamay doon sa itaas ng van.
Tinubuan tuloy ako ng hiya, nagpiflex iyong muscle sa braso nito ng idinantay ang kamay doon sa itaas ng van.
Napailing ako at isiniksik ang huling naiwang gamit saka lumayo. Ganoon din ang ginawa ni Kuya Rameil at hinila ang door ng van mula sa likod. Kaya’t napasinghap ako nong tumigas muli ang muscles nito sa braso.
Hiyang-hiya ako. Pakiramdam ko nasusunog ang pisngi ko roon. Gusto kong lumayo... kaso lalo akong nahihiya na makita ng lahat kung paanong nag-iinit ang pisngi ko sa nangyayari.
Kasalanan ni Kuya Rameil! Kasalanan niya lahat! Kung hindi dahil sa ginawa nito kagabi, siguradong barado na naman ito ng pagsusuplada ko.
“Kels, kanina pa ako nagtataka sa ekspresyon ng mukha mo. Para kang nakikipag-away, nalulukot saka nagiging lumanay... iisipin ko talagang baliw ka na.” Halakhak ni Fiona.
Napaawang tuloy ang labi ko at umiling. Sinilip din kami ni Mama na ngumiti saka nilaro muli ang kapatid kong tahimik.
Pinakalma ko lang ang sarili... hindi rin ako nagkomento sa napansin ni Fiona. Talagang nakikipag-away ako sa sarili dahil kanina ko pa iniisip kung paano namin nagawa iyon ni Kuya Rameil! Pakiramdam ko nakainom ako ng gabing yon. Eh hindi naman... normal ako, hindi antok at talagang nasa matino ang pag-iisip. Kaya imposibleng napilitan lang ako roon. Nagustuhan ko nga yata... dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mga hawak at klasi ng pagdila nito.
Tumikhim ako at sumandal sa bintana. Natanaw ko sa nga unahan na nandoon ang sasakyan nina Romana. Convoy ulit hanggang sa papaliko na ng Barangay.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Dapat siguro kalimutan ko na ang nangyari. Spare of moment lang iyon... nadala lang kami pareho. Wala lang iyon. Buo pa naman ako, kahit muntikan na, at walang nawala sa akin. Kaya dapat simula ngayon, maging pormal na ako sa pagtrato kay Kuya Rameil. Aalis na ito... at hindi ko alam kung matatagalan muli. At siguradong sa hilatsa pa lang ng mukha niyan, marami ng babaeng naghihintay sa kung saan.
“Dito na kayo kumain,” anyaya ni Mama pagkatapos na magsiuwian ang mga kapitbahay na may kanya-kayang dala ng pagkain. Nagpaalam na rin sina Fiona na pinadalhan din ni Mama ng mga ulam.
Sa halip sa matuwa sa paanyaya ni Mama kina Nanay Minda... kinabahan na naman ako. Lalo na roon sa pagtabi sa akin ni Kuya Rameil. Ramdam ko ang pagpisil ng daliri nito sa braso ko. Di naman masakit... pakiramdam ko nagiging madumi na ang isipan ko.
“Sige na Minda, dito na kayo... marami pa kaming ulam diyan.”
Ayaw nga sana ni Nanay Minda kaso mapilit sina Mama’t Papa. Siguro dala na rin ng pasasalamat sa inihandang handa doon sa kaarawan ko. Kaya noong pumasok na ang mga matatanda, nauna si Romana na nakadikit sa nanay nito... ay naiwan kaming dalawa ni Kuya Rameil.
Mag-aaya pa nga lang ako ay hinigit na ako nito sa braso at mariing hinalikan... walang dila, halik na magkadikit lang ang labi.
“I’m gonna miss you,” gigil nito at kiniskis ang ituktok ng mga ilong namin.
Nagulat ako sa ginawa nito. Di ko alam kung ano ang sasabihin. At mukhang wala na akong masasabi pa dahil hinila na rin ako nito papasok. At nadatnan sina Mama’t Papa na nasa kusina... nag-aayos ng hapag at nakikitulong din si Romana.
Nakitulong din naman ako pero pakiramdam ko naging pabigat pa ako roon. Sinilip ko tuloy si Kuya Rameil na kausap ang Nanay nito... ewan ko kung ano, nabingi na ako nang tuluyan.
Pagkatapos ng pananghalian ay umuwi rin kaagad sina Nanay Minda. Hinatid ko lang sandali at kumindat pa ang mapagsamantala.
Bumuntong hininga lang ako noong nasa loob na ako ng sariling silid. Para akong napagod ng sobra-sobra. Lupaypay akong natulog at nagulat na kinatok ako ni Papa at sinabing isasama raw ako nina Nanay Minda para maghatid kay Kuya Rameil.
Isang singhap lang ang naging sagot ko kay Papa. Di ko alam,
“Ihatid niyo na... minsan lang nagpapahatid iyan.” Udyok nito.
Napilitan akong magbihis, nag-ayos ng kaonti at saka umalis ng bahay ng nakaayos.
Tumabi ako kay Romana. Nagsisiksikan kaming tatlo doon. Ewan, hindi ko naman kilala ang isang lakaking kasama namin doon... ipinakilala naman ni Nanay Minda at sinabing pinsan nina Romana, na siyang magdadrive pauwi.
Pagkarating ay kumuha muna ng ilang pictures sina Nanay Minda. Boluntaryong ako nagcapture, lahat inayos ko talaga.
Hanggang sa namula ako ng sinuyo ni Kuya Rameil ang kapatid nitong kunan kami ng picture.
“Wag na,” iling ko...
“Minsan lang ‘to,” iling nito.
Tipid ang ngiti ko at parang estatwang nakatayo ng tuwid sa gitna. Habang nakaakbay sa akin si Kuya Rameil.
Iniripan ni Nanay Minda ang anak nito at sinabing, “Kapag niloko mo ‘tong si Kelsey, wag ka ng uuwi ng bahay.”
Napakamot batok na lang ako habang naririnig ang tawa ni Kuya Rameil. Umiling ito.
“Di Ma... di ko gagawin. Mas mabuti nga yong manugang mo e kapitbahay natin.”
Pagkarinig noon ay talagang suminghap ako. Tawang-tawa naman si Nanay Minda. Pulang-pula si Romana at tipid naman ang ngiti noong Joel.
“Siguraduhin mo lang,”
Humiga akong muli sa kama pagkauwi ng bahay. Pagal pa rin ang katawan ko sa nangyayari. Gusto ko sanang umidlip kaso kailangan ko ng maghanda para sa hapunan. Ininit ko iyong ibang pwede pang ulamin. Pagkatapos maaga rin kaming nakapagpahinga.
Maaga akong nagising kinabukasan at nagluto para sa almusal. Namasada si Papa pagkatapos kumain, tinulungan ko si Mama sa mga gawaing bahay. Salitan kami sa pag-aalaga kay Israel. Pagkatapos niyan umalis ako kinahapunan para kumuha ng result sa post office. Sabi sa email ngayon ko raw matatanggap ang result ng application ko.
Sana lang ay pasado... kahit practice exam pa lang ito.
Nakaupo ako sa Bench habang binubuksan ang sobre. Laking tuwa ko ng makitang more than average ang marka. May nakalagay ding panel interview para sa Lunes. Kaso practice exam pa lang ito kaya hindi ko na inaksayahan ng panahong alamin ang zoom meeting id at saka password.
Pagkauwi ay pinagpuputol ko ang mga mahahabang damo sa tapat ng bahay. Saka muling pumasok sa silid at napansin ang nakaawang na drawer. Nang silipin ko ay lalagyan nga pala ng cellphone.
Sinubukan kong icharge, pagkatapos ilang minuto lang ay bumukas na. Awtomatik na kumonekto sa internet iyon... sa totoo lang naaburido ako ng narinig ang pagkarami-raming notif... lahat galing sa f*******:. May ilang ngayon lang pumasok ang messages.
Dumukwang ako at tinitigan ang mga aktibo. Offline si Kuya Rameil, kaya bahagya akong nadismaya.
Ipagpapahinga ko na lang sana ngunit tumunog ang cellphone. At nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang pangalan ni Kuya Rameil.
Nagdadalawang isip ako! Siguradong iisipin nitong—
Naibuga ko tuloy ang hangin, dismayado sa sarili dahil hindi ko napansin na sinagot ko na ang tawag nito. Hindi pa nakontento at nag-aaya ng video call.
Lumunok ako pagkakita sa itsura ni Kuya Rameil. Mukhang nakaupo ito sa labas, medyo nakakabulag ang sinag ng araw.
“Nasa’n ka?” Nagtatakang tanong ko rito.
Lumagok ito ng isang basong ewan, siguro red wine o kaya ibang alak?
“Taiwan,” tipid na ngiting sagot nito.
Lahat na yata ng pagkamangha ko e nilagok ko na. Kanina pa ako napapasinghap...
“Magbook ka na ng appointment... pagkatapos tatakan natin yang passport mo.”
Tumikhim ako at hindi pinatulan ang paanyaya nito. Para namang interesado ako roon. Kontento pa ako sa ngayon dahil ang dami ko pang priority sa mundo. Nakakapaghintay yan...
“Maganda ba diyan?” Kuryusong tanong ko rito.
“Sakto... I couldn’t wait to travel the world with you, Kels.”
Umirap ko na ikinatawa nito. Parang nakakatawa talaga, e ang gusto ko lang naman magtanong...
“Papadalhan kita ngayong sahod ko pagkatapos magbook ka ng appointment para sa passport mo. Bakasyon naman diba? Lagyan natin ng stamp yan.”
Umiling-iling pa rin ako. Hindi nga sabi ako interesado. At ano naman ang gagawin ko roon? Sinabi ng kontento na ako sa anong meron sa ngayon.
“Kuya, wag mong gagawin. Hanggang ngayon nasa akin pa rin yong perang binigay mo sa’kin noon. Kulang na nga lang manganak para kahit papa’no bayad na ako sa interes.”
Umiling ito, tawang-tawa sa sinasabi ko.
“Spend that Kels... sa’yon na yan. Isipin mo na lang allotment mo, para tunog asawa.”
Napanganga ako rito... noong una inanyayahan ako nitong tumira sa bahay nito, pangalawa lantaran niya ng sinabi na gusto nitong malaman kung ano ako sa ibabaw ng kama, pangatlo ang daliri nito sa singit ko, yong pang-apat— pinakamalalang nangyari, sinulit nito ang lahat, at muntik na ako— ngayon gusto niya namang asawahin ako sa pamamagitan ng allowances at travels?
Nag-uumpisa pa lang ang buhay ko. At magka-Kolehiyo na ako next year, kailangang pokus sa goal.
“Kuya, tigilan mo ako sa panunukso.”
Tumikhim ito, nakatitig sa unahan. Nakangisi habang nag-iisip.
“Pwede naman siguro, Kels... muntik ka na nga sa akin.”
Umakyat talaga ang kahihiyan sa buo kong katawan. Parang normal lang na sinabi nito iyon. Totoong muntik na ako kaso kailangan pa bang ipaalala iyon?
“Kuya...” warning ko na ikinatawa lang nito.
“I cannot wait for you to be in College, may tatlong room doon sa unit ko. You can have one from it.”
“Kuya, sinabi ko ng hindi ako makikitira sa’yo...” nguso ko.
Natatawa lang ito, hindi pa rin natitinag sa desisyon ko. Sabi nang gagawan ko ng paraan. Ayaw kong makitira sa kanya dahil pakiramdam ko magiging huli na iyon bago pa man mawala ang pinakaiingatan ko.
“Kinausap ko ang parents mo, Kels... tinanong ko kung saan mo gustong magkolehiyo. Which they cannot afford, pero dahil alam nilang matalino ka at kaya mo ang scholarship, ang pinoproblema naman nila ngayon ay kung saan ka mamalagi sa Maynila. Don’t you think it’s convenient for you to just stay in my unit? Libre pati rin pagkain mo libre, may allowances pa.”
Nalaglag ang panga ko. Tunog nakakaengganyo... pero paano naman kung noong isang araw nga lang ay naigapang namin ang pinaggagawa namin doon sa hotspring? Siguradong mas malala yan.
“I also told them that you’ll be with Romana. Isasama natin ang kapatid ko... para mapanatag ka.”
Ibang usapan na yata ‘to...