“Best, basi sa kwento mo, parang patay na patay sa’yo yong Kuya ni Romana...” tatango-tango na konklusyon nito pagkatapos na ikuwento ko iyong nakakaengganyong alok nga ni Kuya Rameil.
Nasa Sentro kami at naghahanap ng summer job. Medyo napagod kaya naupo sa isang bakanteng mesa at dumila ng ice drop.
“Di naman yata, kilala mo yon. Simula’t sapul, pabling na si Kuya Rameil kaya kahit noon pa man ayaw ko talagang maniwala doon sa pinapakita nito.” Iling ko.
Tumawa ito. Iyong tawa na parang nanunukso. Pakiramdam ko nga ayaw din nitong maniwala na laro lang ang hanap sa akin ni Kuya Rameil. E paano, kung sa panliligaw(kuno) lang ang pagbabasihan, masyado itong masikap. Kaya kahit sino siguro ay maniniwala. Kaso ako, simula pa lang no’ng una tinatak ko na sa isipan ang pagiging playboy nito. Simula kay Ate Gelda hanggang sa ilang babaeng naugnay dito.
“Why don’t you give him a chance? Sabi mo nga hindi mo naman siya gusto... huthutan mo hanggang sa maubos.”
Seryoso yata ito sa sinabi, kaso alam ko namang nagbibiro lang din ito. Ayaw ko ngang gumamit ng ibang tao para lang sa personal na interes... maraming paraan, tulad ng nakahanap kami ng summer job ni Fiona sa isang kainan. Magsisimula bukas kaagad.
Isang buwan bago ang pasukan, may ipon na kami at pwedeng panggastos sa eskwela, kung pwede ay sa buong taon, kinaya namin ito ng ilang taon... ngayon pa ba ako susuko? Kung pwede namang magtrabaho habang nag-aaral, bakit hindi?
“Nakapag-ipon na ako, ‘nak... pag gumraduate ka na pwede na tayong mag-enroll kaagad sa bayan.”
Isang umaga, ‘yon kaagad ang bungad sa akin ni Papa. Natigilan ako roon, nakalimutan ko nga pala ang suhestyon nito noon na sa sentro na lang mag-aaral. May dalawang Kolehiyo riyan, private, at hindi gaanong kilala. Sa pagkakarinig ko ay short courses lang ang inaalok do’n.
Napalunok ako at tinitigan sandali si Papa na nasa kandungan si Israel. Si Mama nga ay tumitig din sa akin at parang nananantya sa magiging reaksyon ko. Sasabay ako mamaya kay Papa papuntang sentro para magtrabaho. Kaya siguro... ewan.
“Pa, gusto ko po sana sa Maynila—“
“Mahal doon,”
Umiling ako, alam ko simula pa lang yon na ang magiging unang balakid. Kaso kaya ko...
“Magtatrabaho po ako, Pa... kahit matagalan sa paggraduate. Okay lang po.” Iling ko.
Sandaling natahimik ito, siguro nag-iisip ng malalim. Hindi kasi madali, hindi kami mayaman... saktong nakakakain lang kami. At wala ng iba pang pwedeng pagkagastusan.
“Naalala ko,” biglang putol ni Mama mula sa katahimikan. Nilingon ko ito, naghihintay sa dugtong.
“Inalok nga pala tayo si Rameil doon sa condo nito sa Maynila. Malapit sa UST, pwede pa kaya?”
Unti-unting umawang ang labi ko ng marinig ang sinabi ni Mama. Paano ko ba ipapaliwanag na no’ng isang Linggo ko pa tinanggihan iyan. Masarap sana sa pandinig at sobrang nakakaengganyo ang alok nito kaso paano ko rin ipapaliwanag sa mga magulang ko na muntik na kaming nag-‘seks’? Baka sinabunutan ako kapag ginawa ko yon.
“Nakakahiya po sa tao, Ma.” Iling ko.
Bumuntong hininga ito, marahil naisip ding tama ako... nakakahiya sobra. Kaya sa halip na mag-isip pa ay inubos ko na lang ang oras sa trabaho. Naka-off ulit ang cellphone, ayaw ko munang kausapin si Kuya Rameil sa ngayon. Nagiging estupida ako sa pag-iisip dahil sa kanya.
Nag-enroll na rin kami ni Fiona. Sinama namin si Romana na ipinasuyo ni Nanay Minda. Grade 8 na ito sa pasukan, bata pa rin talaga kahit sa kilos mahahalatang hindi pa gaanong nagmamatured. Medyo tumangkad lang yata ito ng kaonti. Baka nga mas matangkad pa ‘to kay Fiona kapag nagdalaga na talaga. Kasi matangkad din si Ate Alexa at Kuya Rameil kaya di malayong tatangkad din itong bunso.
“Sa labas na po tayo kumain mga Ate,” aya ni Romana pagkatapos namin siyang samahang kompletuhin ang kailangan sa enrollment.
“Wala kaming pera, ano...” biglang sabi ni Fiona.
Natigilan din ako at napatitig kay Fiona, kakatanggap lang namin ng sweldo kaya imposibleng ubos kaagad ang sa kanya. Lalo na’t trip lang talaga nitong magtrabaho kahit sa totoo ay nakakaahon naman sila sa buhay.
“Libre ko po,” ngiting inosente ni Romana.
Namilog ang mga mata ko noong nakita ang ngising tagumpay ni Fiona. Minsan tinutupak talaga ng kakuriputan itong kaibigan ko. At nakakahiyang lagi na lang si Romana ang nanlilibre. Kaya noong inabot na ang resibo ay agad na akong nakihati kay Romana. Na umayaw pa no’ng una pero dahil mapilit ako e naisama ko iyon sa bayad. Nahiya rin yata si Fiona at nag-abot na lang ng perang papel.
“Daan po muna tayo sa Garber Tea, libre ko kayo.”
Napatigil na ako sa paglalakad. Siniko ko si Fiona na ngumiting muli. Basta kasi libre okay lang. Nahihiya na ako sobra, at pakiramdam ko nagmana talaga ito sa Kuya.
Pinilit kong hilahin si Romana at umiling, lumukot ang mukha nito... waring hindi nagustuhan ang paghindi ko. Kaso, ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan ng bata.
“Hati na tayo, nakakahiya na Romana. Siguradong hindi matutuwa ang Kuya mo niyan...” iling ko.
Ang kaninang lukot na mukha ay napalitan ng binat na ngiti... maiintindihan niya naman yata.
“Hindi po Ate Kelsey... mas matutuwa iyon kapag nalaman niyang ikaw ang nililibre ko.”
Ako na naman tuloy ang nalukot ang mukha at hindi makapaniwalang nabaliktad na ngayon. Pareho ring mapilit ang magkuya... mana-mana lang.
“Galante no?” Ngising bulong ni Fiona habang sumisimsim sa straw.
Siniko ko nga siya at sinabihang tumahimik. Di naman siguro kailangang ipangalandakan yon. Galante nga yata si Romana, pakiramdam ko dahil bunso siya ay dito napupunta ang mga allowances. Binibigay yata lahat ng luho, at mabuti na lang hindi naman lumaking spoiled.
“Pero mas galante ang Kuya... akalain mo yon? Nirentahan ba naman ang isa sa mga malalaking resort dito sa’tin? Ewan ko lang kung hindi pa pursigido sa panliligaw sa’yo ha?” Siko ni Fiona.
Napaawang tuloy ang labi ko at bahagyang nakaramdam ng asim. Pakiramdam ko niluluto ako ng buhay sa sobrang init ng mukha ko.
“Sagutin mo na kasi, solve ka pati College mo...” nagtataas-baba ang kilay nito sa suhestyon.
Nagkasalubong tuloy ang mga kilay ko at sinipa ng pasimple ang binti nito. Natawa lang din ang huli bago pa man nakabalik si Romana. Nag-abot muli ako ng 300 na tinitigan lang nito at ibinalik sa akin. Bago pa man ako nakaalma eh nagulat ako nang nakita sa screen si Kuya Rameil. Kinikiskis ang pang-ibabang labi ng sariling daliri. Parang naiinis o namomroblema? Ewan ko ba.
“Ilang araw na kitang hindi makontak, Kels. Ano bang ginagawa mo?” Mahinang tanong nito, medyo iritado yata? Hindi ko alam... mahina ang boses nito ngunit rinig ko ang inis.
Napalunok tuloy ako at nanginginig ang daliri na kinuha ang cellphone mula kay Romana. Pakiramdam ko ay guilty ako sa nangyari... na hindi naman yata tama kasi hindi ko naman siya boyfriend!
“Kailangan ko bang mag-umpisa uli?” Medyo nakaangat ang kilay na tanong nito.
Kabado ako, sa totoo lang. Para akong bata na mapapagalitan. Eh kahit sabihin ko pang wala itong karapatang pagalitan o tanungin ako ng mga ganyan, di ko pa rin maiwasang makaramdam ng hiya... at takot.
“A-ano, busy lang sa work.”
Nagulat yata ito, ebidensya ang bahagyang pagkaawang ng labi nito. Siguro hindi nito nasubukan yan noon. Kasi una pa lang ay talagang mayaman na sila. Napag-aral din sa magandang kolehiyo... at saka may good paying job ang magkapatid. Pinagpala nga talagang tunay.
“Hindi mo naman kailangang gawin yan... I told you, I can send money for you. Pwede nga ako na ang magpaaral sa’yo.” Sabi nito.
Napasinghap ako at nakagat ang pang-ibabang labi saka nilingon ang mga kasamahan sa mesa na parehong umiwas at natatawa.
“Para kang matandang hukluban diyan,” disappointed na sabi ko rito.
“You mean, sugar daddy? You can address me anything you like... maganda naman ang alok ko, Kels? Bakit hindi mo kayang tanggapin?” Kalmadong tanong nito.
Tunog na parang nang-uusisa... at hindi ko alam kung dapat ba akong mainis sa kakulitan nito o ipaliwanag ang gusto kong mangyari.
Nahihiya nga lang akong gawin yon dahil nandito sina Fiona at Romana. Tahimik at alam kong nakikinig.
“Mamaya na po Kuya Ram... i-oon ko yong phone kung yon ang gusto mo.” Namumula yata ang pisngi ko dahil sa hiya.
Napansin niya rin yata iyon kasi sa halip na magdahilan ay isang tango na lang ang ipinabaon sa’kin.
“Ikaw ang pinakagusto kong future sister-in-law, Ate Kelsey.”
Pareho kaming nabulunan ni Fiona. Ubong-ubo si Fiona samantalang pinunasan ko naman ang nagkalat sa baba ko.
“Naniwala ka talaga, Romana? Nakita mo naman siguro kung gaano kaplastik yang Kuya mo? Kulang na lang pati matatanda e patusin niyan.”
Irap ko na siyang ikinatawa na lamang niya. Bakit ba lahat ng taong nasa paligid ko e tinutulak ako patungo sa isang ‘danger zone’ s***h Kuya Rameil? Gusto yata akong ipahamak ng lahat.
Sinunod ko ang binitawang salita kanina. Chinarge ko muna ang cellphone bago tumulong sa kusina at naghapunan. Pagkapasok muli sa loob ng silid ay nagulat ako na puno na naman ng messenger’s calls ang phone... di naman lahat galing kay Kuya Rameil. May ilang galing sa mga kaklasi. Siguro magtatanong... pero mamaya na yan dahil kakausapin ko pa si Kuya Rameil.
Kailangan naming linawin ang lahat-lahat.
“Mag-open ka kaya ng bank account?” Pagkatapos nitong magtanong tungkol sa pinapasukan kong trabaho, na magtatapos ngayong Linggo.
“Kuya,” warning ko na ikinahalakhak lang nito.
“Ayaw ko nga sanang sumama ang loob niyo sa akin. Pero bakit pakiramdam ko sinusuhulan niyo ako?” Akusa ko rito.
“Yon nga ang labas...”
Nababaliw na ang buang! Kinumpirma pa nito! Di ko alam, pero habang tumatagal mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa lalaking ‘to. Tumatanda ba siyang paurong? O dahil frustration ako nito dahil kahit anong gawin ay talagang umaayaw ako.
“I’m a full packaged, Kels... what more do you like?”
Napalunok ako at saka mabilis na umiling. Bakit ba ang sobrang kulit nito? Kahit walang konkretong paliwanag dapat una pa lang maiintindihan na nitong hindi ako panglaro... at lalong hindi ako mukhang pera... di ko kailangan ng pera nito dahil kahit igapang ko pa ang pag-aaral, ay gagawin ko.
“Mag-aaral ako Kuya Rameil, hindi ako makikipagbahay-bahayan... kilala kita Kuya, y-yong nangyari sa spring, pakiramdam ko labis pa roon ang gagawin mo kapag pumayag ako sa gusto mo.” Iling ko, kabadong-kabado habang nagiging prangka sa pag-aalala.
Umawang ang labi nito, napalitan ng ngiti at nauwi sa tawa. Pinangingilabutan tuloy ako. Pakiramdam ko nakakulong ako ngayon sa isang maliit na silid at pwersang inuusisa.
“You may say so... totoo siguro Kels, kaya lang mas pokus ako ngayon sa pagkokolehiyo mo. I want you to graduate... kaya nga tinutulungan kita.”
Dapat ba akong makumbinsi? Pero kasi mabigat pa rin ang dibdib ko dahil sa agam-agam... imposibleng doon lang ito nakapokus. Lokohin niya na lahat ng babae wag ako.
“Ayaw ko pa rin po, Kuya Rameil.” Pikit matang iling ko sa offer nito.
Bumuntong hininga ito. Akala ko ay titigilan na ako. Kaso bilib din ako sa fighting spirit nito... hindi namamatay.
“Dito mag-aaral next year si Romana, lagi rin akong may flight, Kelsey. Don’t you think it’ll be safe?”
Pangungumbinsi pa nito. Naningkit lalo ang mga mata ko. Bakit ba ang kulit nito? Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi nito maintindihan?
“Kuya,” warning ko na. Nauubos ang pasensya ko rito. Nasasagad. Nasasaid.
“Bakit ka ba natatakot, Kelsey? Naalala mo ba ang nangyari sa hot spring? Muntikan ka na nga... hinayaan mo’ko... at anong pinagkaiba kung sa iisang bubong na tayo tumira? You should see the pros... I’m giving you convenience.” Sabi nito.
Napalunok ako at naalala ang spring. Muntik na talaga ako. At sa totoo, bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako nandidiri na parang gusto kong isumpa si Kuya Rameil? At heto nga, kausap ko pa na para bang hindi ako naiilang.
“You have few months to think, Kels. Pros ang binibigay ko sa’yo. At ano naman ngayon kung pareho tayong makalimot? Di ba mas maganda kung hindi ka namomroblema sa allowances at tirahan habang nag-aaral? It will be just a s*x, Kels. We’re both adults, you’ll see.”
Nangasim tuloy ako. Pakiramdam ko magiging kalbaryo ang buhay ko kay Kuya Rameil.