┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Magkakasama ngayon ang buong core team nina Maguz at Owen sa Ilocos Norte, isang probinsya na kilala sa katahimikan, pero may mga bahagi pa rin ng lugar na nagpapahiwatig ng panganib. Dito rin matatagpuan ang bahay at farm ni Jorvik, sa isang medyo liblib pero tanaw ang kabundukan kung saan ay pinaglulunggaan ngayon ng isang grupo ng terorista. Ayon sa intel nila, ay pinamumugaran ng ilang teroristang grupo ang itaas ng bundok hindi kalayuan sa farm ni Jorvik kaya nga dito sila dumiretso sa Ilocos upang pag-usapan kung ano ang planong gagawin nila sa pagpuksa sa banta ng grupong ‘yon. Habang nakaupo sila sa malapad na porch ng simpleng farmhouse ni Jorvik, nakatambay lang ang buong team, may hawak na tig-isang bote ng beer at tahimik na nag-iinuman at nag-uusap ng kung ano

