βββββ¦β’β©β’β¦ββββ Nagising si Janine sa marahang dampi ng malalaking daliri sa gilid ng kanyang mukha. Sa gulat niya ay agad siyang napabalikwas ng bangon at mabilis na kinuha ang baril mula sa ilalim ng kanyang unan, at walang pag-aalinlangan na itinutok ito sa taong nasa loob ng kanyang silid. "Babe, itβs me." Sabi ni Maguz, gulat na gulat naman si Janine at hindi inaasahan ang kanyang nobyo sa loob ng kanyang silid. "What the fuuuck, Maguz, nagpapakamatay ka ba? Paano kung nadulas akoβt naiputok ko βtong baril ko saβyo, ha? Hindi mo ako dapat ginugulat ng ganyan." Sabi ni Janine, makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Mabilis niyang ibinaba ang baril sa end table, saka pinalo si Maguz sa braso pero hindi naman malakas, sapat lang na iparating sa kanyang nobyo na natakot siya n

