❀⊱Janine's POV⊰❀ Sinundo na ni Owen si Maguz kaninang umaga. Pinapatawag na raw sila ni Cree, at kailangan na nilang bumalik agad sa Quezon province. Ayaw pa sana ni Maguz umalis... halatang bitin pa sa ginawa naming dalawa, pero wala rin naman siyang choice. Trabaho 'yon, at pareho naming alam na kapag duty na, walang lugar ang reklamo. Masaya ako dahil nararamdaman ko kung gaano ako kamahal ni maguz and I love him too, so much na hindi ko na kayang ipaliwanag pa sa sarili ko. Masaya ako na siya ang lalaking itinibok ng puso ko dahil alam ko na hindi niya ako sasaktan, na alam ko na hindi niya ako paglalaruan. Nuon pa lang ay naramdaman ko na ang pagmamahal sa akin ni Maguz, pero dahil pusong lalaki pa ako nuon, binabalewala ko lamang siya. Pero unti-unti siyang minamahal ng puso ko, l

