┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Sa isang luma at abandonadong warehouse sa Zambales dinala nina Daniella si Janine dala ang nag-iisang helicopter na naiwan ng kanyang ama, luma na ito at hindi ito rehistrado. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng alon mula sa di-kalayuang dagat ang maririnig, kasama ang mahinang sipol ng hangin na dumadaan sa sirang bubong ng gusali. Ang madilim at masukal na daanan papunta sa warehouse ay tila sumasalamin sa kapalaran ni Janine... walang kasiguraduhan at puno ng panganib. Wala pa rin itong malay nang ipasok nila sa loob ng warehouse. Ang katawan nitong lupaypay ay halos kaladkarin na lamang ng mga tauhan ni Daniella, walang pakialam kung masaktan ito. Dinala nila si Janine sa isang silid na hindi lang marumi kung hindi amoy panis na pagkain at dumi ng daga. Sa bawat sul

