┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nagkakagulo ang lahat nang dumating sila sa pinakamalapit na hospital. Halos walang direksyon ang kanilang kilos, may nakikipag-usap sa mga doktor, may tumatawag sa lolo nila Marcus, at may mga tauhan ni Marcus na hindi magkandatuto sa pagbabantay. Lahat sila ay aligaga dahil kailangan agad maasikaso si Janine bago pa tuluyang lumala ang kanyang kalagayan. Hindi na ito gumigising pa at hindi nila alam kung bakit. Takot na takot sila sa kung ano ang mangyayari kay Janine. Sinisisi ni Marcus ang kanyang sarili na sana ay hindi na niya tinulungan pa si Maguz na lalong mapalapit kay Janine. Matinding galit ang nararamdaman niya ngayon kaya kahit na anong gawin ni Maguz ay hindi siya makapasok sa loob ng hospital. Mahigpit na hinaharangan ng mga tauhan ni Marcus ang pagpasok n

