┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Tahimik lang na nakaupo si Maguz, nakatitig sa kawalan habang nagsasalita si Owen. Napakalalim ng kanyang iniisip, parang ang mundo niya ay unti-unting nagugunaw ngayon dahil sa mga pangyayaring hindi naman niya kagustuhan, pero inaamin niya na ang lahat ay siya ang nagpabaya. "Bro, nailipat na si Janine sa Manila. Iyak nang iyak ang mga magulang niya... hindi pa rin sila makapaniwala sa sinapit ng anak nila. Mahigpit din ang seguridad sa hospital ni Marcus. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang pinapayagang makapasok. Walang sino man ang puwedeng dumalaw nang basta-basta lang. Kahit nga ako ay medyo nahirapan, kasi alam mo naman na galit pa sa'yo si Marcus." Sabi ni Owen. Hindi kumikibo si Maguz, pilit iniintindi ang mga salita ni Owen, pero parang walang puma

