┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kaaalis lang ng mga magulang ni Janine. Kitang-kita sa kanila ang matinding pagod dahil ilang araw na silang hindi halos nagpapahinga, laging gising, laging nagbabantay, pero sa huli ay napagod din ang kanilang mga katawan. Kaya napagpasyahan ni Lyka na iuuwi muna sila para makapagpahinga kahit sandali lang. Alam nila na hindi mapapanatag ang mga magulang ni Janine, pero wala silang magagawa, kailangang magpahinga ng mga ito. Paano nga naman sila makakatulog nang mahimbing kung sa bawat pagpikit nila ay bumabalik sa isip nila ang larawan ng anak nilang nakaratay sa kama ng hospital. Ang mukha nitong halos hindi na nila makilala dahil sa matinding pinsalang natamo nito? Ilang malalalim na sugat sa mukha ni Janine ang iniwan ng mga ito sa kanya, ilang tahi ang ginawa ng mga

