Prologue
"What in the world is happening here, Mr. Lopez!?"
Malaki ang tinig na wika ni JL. Hindi makapaniwalang nakatitig siya sa kanyang secretary na noon ay may tangang rattle. Sa ulo nito ay may nakasuot ng bunny ears headband. Mukhang bagong gising ito, magulo ang buhok, nakasuot ito ng kulay asul na boxer shorts at puting sleeveless shirt. A 5 o'clock shadow is showing in his chin.
Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa. She has never seen this side of him before. He is always prim and dapper in his suit maliban nalang kung ipinagluluto siya nito ng breakfast.
Napadako ang mga mata niya sa mukha nito.
"When did he became this ruggedly handsome?" sa isip ni JL.
Kahit bakas sa mukha ng binata na ilang gabi na itong walang tulog dahil sa nanlalalim na mata ay hindi maipagkakailang gwapo ito. Sa katunayan ay madaming kababaihan ang nagkakandarapa dito sa kanilang opisina. Idagdag mo pa ang well-proportioned nitong katawan.
With a towering height, he's perfect for a magazine cover. He's the absolute boy-next-door type despite the hidden arrogance. He has this docile aura around him na aakalain mong tila wala itong kamuwang muwang sa mundo. But she knows it's the total opposite of who he really is.
Naalala pa niya nung una niyang makita ito sa bar. Akala siguro nito ay isa siya sa mga babaeng nais magpapansin dito kaya pinaandaran siya ng pagka-antipatiko nito.
Who would have thought na mag-aapply pala ito para maging personal assistant niya. And worst, ito din pala ang sinasabi ng kaibigang si Elleana na pinsan nito. At gusto nitong ireto sa kanya.
Sa totoo lang, wala naman sana siyang balak maghire ng male secretary. Ngunit nang makita niya ang CV nito, she was impressed. He also studied abroad and majored in business kaya sigurado siyang magaling ito. Ang hindi lang niya ma-gets ay kung bakit ito nag-apply bilang secretary kung tutuusin pwede itong mag-apply bilang isa sa mga team leads. But she did not delved deeper into that. Ang importante ay makahanap siya ng reliable na empleyado.
And she was absolutely right. His competence is nothing compared to her past secretaries, quick-witted din ito. Ang kinaiinisan niya lang minsan ay may pagkakontrabida ito sa kaniya at kadalasan sa mga desisyon niya. He's always reasonably determined and there's not a day that passed by na hindi ito nakikipag-argue sa kanya.
But today, here he is looking docile as ever and wide eyed like a doe waiting for his prey to snatch him.
JL is not one of those who easily falls for his type. She's always been attracted to strong alpha men. It's in her nature to become wild sometimes, so she likes being controlled by someone. Aside from that she felt like more secured. She had a rough childhood, and for that, she felt like she needed a strong man that can protect her.
"What are you doing here!?" gulantang na tanong sa kanya nito.
"I'm here because of this!" Inihagis ni JL sa harap nito ang puting sobre na naglalaman ng ipinasa nitong resignation letter. "And tell me again, why are you speaking informally to me!?
Tatlong araw na itong hindi pumapasok. Out of coverage din ang cellphone nito. Noong una ay hinayaan lang ng dalaga ang hindi nito pagsipot sa opisina. Ngunit sa ilang araw nitong pag-absent ay tambak na ang trabaho sa kanyang desk.
Matiim siya nitong tinitigan. "Hindi pa ba malinaw ang nakasulat dyan?" anito sa madilim na ekspresyon.
"You're perfectly aware you cannot do that! Even a rank-and-file employee renders at least 30 days' work before leaving!"
She needs him! Not only for personal reasons but for the most, inauguration na niya bilang CEO. Finally, all her hard work are being paid off! Bakit ngayon pa nito naisip mag-inarte!
"I have my personal reasons," malamig ang mata nitong nakatingin sa kanya. Alam ni JL kung bakit nagkakaganoon ang binata. How? Siya lang naman ang dahilan.
"Oh, c'mon Marco Jacinto, stop being immature. I thought you were good at separating your personal life from work." pinaikutan niya ito nang mata.
"Huwag mo akong itulad sayo and I'm not being immature," hinila ni Marco ang dalaga palabas ng nursery room. Nasulyapan nito ang bahagyang paggalaw ng noo'y natutulog na si baby Lia.
Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ng dalaga.
"Hey, stop! You're hurting me already!" reklamo ni JL. Hinimas ng dalaga ang braso nito nang bitawan siya ni Mraco.
"Look, Ms. Pedralvez, my decision is final. I'm quitting. If my replacement needs my help, I'd be more than happy to be in assistance. Aside from that, I will no longer extend my tenure." may pinalidad na sabi ng binata.
"I didn't know you are this irresponsible Marco!" singhal ni JL sa kanya.
Nagpanting ang tenga ng binata sa narinig. He pinned her on the wall, both hands gripping her shoulders. "How dare you say I am the one who's irresponsible Lorisse!" marahas na banggit nito sa pangalang ayaw na ayaw niyang marinig. Nagbabaga ang mga mata ni Marco.
Napalunok ang dalaga, ngayon lang niya nakita ang labis na galit sa mga mata nito. Suddenly, the docile deer turned into a ferocious beast. Crazy as it sounds but she was turned on by his impulsive harsh behavior.
"Nababaliw ka na Juliana Lorisse!" wala sa isip na napakagat siya sa pang-ibabang labi.
Lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa balikat niya. Matangkad na siya sa pagkaka-alam niya pero mas mataas parin ito sa kanya. Nasulyapan niyang tumaas-baba ang adam's apple nito. Umangat ang tingin niya sa mukha nito. Sumirko ang puso niya.
Nagsalubong ang kanilang mga mata,his eyes trembled with desire, kasabay niyon ang pagbaba ng mukha ni Marco. Sinalubong ni JL ang mga labi nito. And just like dry leaves on a hot summer day, their kiss ignited like wild fire that consumed her consciousness. Hinapit siya ng binata. Ipinulupot ni JL ang kamay sa leeg nito. She gasped when she felt his readiness. Sinamantala naman iyon ng binata para laliman ang kanilang halik. His tongue explored the insides of her mouth. Her senses went crazy when he began to suck gently on her tongue.
Lunod na lunod ang dalaga sa kanilang halik nang biglang bumitaw ang binata. His eyes still hot with passion, his arms are still on her waist. She's still clinging to him like her life depends on it. Sandaling nalito ang dalaga sa naputol nilang halik.
"Lia is awake now. You can go Ms. Pedralvez," tila napapasong binitawan siya nito. And just like that he walked away without turning back, hangggang sa tuluyan na itong makapsok sa nursery kung nassan ang pumapalahaw na sanggol.
"What!"
Naiwan ang dalagang nakatulala na tila binuhusan ng malamig na tubig.
To be continued...
********************Copyright @ ZeaBirch|2022. Any illegal reproduction of this content will result in immediate legal action. All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form on by an electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author/publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review.*****************************