Chapter 04
"Mama! Kailan ka uuwi? Miss na kita."
Humahaba ang nguso ni Xavvy sa kabilang linya habang kita ko pa kung gaano ka-busy si auntie sa pag aayos ng baon nito.
"Soon, baby. Uuwi rin ako. Pasensya ka na ang daming trabaho ni mama rito."
Sumingit lang ako na makapag video call sa kanila dahil sobrang miss ko na talaga si Xavvy. Mag iisang buwan na rin ako rito at ang hirap talagang malayo. Wala akong day off at buti na lang bayad din ang mga over time ko maliban nga lang sa over load na trabaho.
"Nako, Sabrina. Niloloko lang niyang si Xavvy. Lagi nga sila mag kasama ni Drake."
Natawa ako sa sinabi ni auntie dahil close talaga si Drake at Xavvy, una kasing niligawan ni Drake si Xavvy noon kesa sa akin.
"Di kaya. Sayang nga ilang linggo rin mawawala si tito Drake. Miss ko na rin siya."
Mas humaba ang nguso niya at naningkit na rin ang bilog at itim niyang mga mata. Nag pa alam sa akin si Drake na ilang linggo rin siya mawawala dahil sa kailangan niya asikasuhin ang negosyo nila sa Bohol.
"Hu--"
"Ang alam ko 'di kayo allowed gumamit ng phone during your duty hours. Am I right miss Tolentino?"
Nabitawan ko ang cellphone ko sa gulat ng marinig ang boses ni Gian mula sa likuran ko. Palagi na lang siyang biglang sumusulpot mula sa kung saan.
"W-wala pa naman sir ang pasahero."
Sagot ko sa kaniya at pasimpleng pinulot ang phone ko at nag mamadali kong pinatay ang tawag. Ayoko marinig ni auntie ang boses ni Gian dahil sigurado na makakatanggap ako ng sermon sa kaniya sa oras na malaman niyang boss ko ito o nag kikita kami ni Gian.
Wala akong interes na itago kay auntie na nag kikita ulit kami ni Gian pero 'di ko magawang sabihin sa kaniya, kinakabahan ako sa 'di ko malamang dahilan.
"And what do you think of me? Tatambay at tatanga lang dito?"
Oh geez! Huwag niyong sabihin na siya na naman ang pasahero? at bakit ba ang gaspang na ng ugali niya sa akin? Nakakalimutan niya yata na siya ang may atraso sa akin noon.
Nakakairita! Palagi na lang siya ang nakikita ko sa araw araw na papasok ako, buti sana kung mala-anghel ang pag uugali niya tulad noon kaso hindi, hindi lang ang samahan namin ang nag bago pati na rin ang pag uugali niya. Akala mo kung sino na, kung umasta akala mo binili niya na ang buong mundo.
"Sorry po sir."
I try to calm myself, I try not to burst in to anger kahit ang totoo, gustong gusto ko na siyang isabit sa buntot ng eroplano sa sobrang irita ko sa pag mumukha niya.
"As far as I know, hiningi ko sa cebu airline ang pinaka magaling nilang FA pero mukhang binigyan lang nila ako ng basura at patapon na empleyado. Kung ganiyan ang gawain mo sa pinaggalingan mo, I'm sorry to tell you this but my company doesn't tolerate that kind of attitude."
Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Seryoso ang tingin niya sa akin at talagang walang filter ang bibig niya para sabihin na isa lang akong basura. Ang kapal talaga ng pag mumukha niya. Akala niya kung sino na siya, hindi ko talaga lubusang isipin na minsan ko minahal ang hangal na ito.
"P-pasensya na sir, hindi na po ma uulit."
Bahagya pa akong yumuko bilang respeto sa kaniya at kinuha ko ang pagkakataon na 'yun para pumikit ng mariin at pigilan ang sarili ko na supalpalin ang bibig niya.
Naramdaman ko pang nilagpasan niya ako at sinadya nitong bungguin ang balikat ko. Mas naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa ulo ko na siyang kina init ng ulo ko. Kumalma ka, Sabrina. Boss mo siya at kailangan mo ng trabaho.
"Ano ba talagang problema mo sa'kin!?"
Shit! Pero hindi ko kayang tiisin ang klase ng pag trato niya sa akin. For the whole time na mag tagpo ulit ang landas namin kumukulo na ang dugo ko sa mga ginagawa niya.
Obviously, pinabibigat niya ang trabaho ko rito at kung ano ano pang mga salita ang sinasabi niya at hindi ako tanga para hindi maramdaman ang pamumusit niya.
Hindi man lang ito nag abalang tapunan ako ng katiting na tingin at mas lalong nag init ang mag kabilang tainga ko ng ipag krus niya ang mga hita niya habang animo'y wala siyang na rinig na itinuro pa ang bote ng wine.
"Serve me a glass of wine."
"No!" Mabilis at buong kumpiyansa kong sagot kay Gian.
He knew that I have a bad temper and I know he's doing it for a reason and I want to know what's running into his mind. He was not Gian Alvarez for nothing, he will do everything to have what he want.
Nag angat ito ng tingin sa akin at swabeng isinandal ang likod sa may upuan bago ping krus ang mga kamay nito.
Tumalim ang tingin ko sa kaniya, matagal ko na siyang kilala at kahit gumaspang ang pag uugali niya ay alam ko na sa mga tingin niya ay natutuwa siya sa mga nangyayari.
So that's what he want? Ang galitin ako?
"Sinisigawan mo ba 'ko?"
Seryosong tanong ni Gian at hindi ko inalis ang tingin sa itim nitong mga mata.
"Kung iyon ang tingin mo. Oo sinisigawan kita. Ngayon sabihin mo ano ba talagang gusto mo?"
Napangisi itong napailing bago nag angat muli ng tingin sa akin. Nabalot ako ng kaba ng tumayo ito at lumapit sa akin. Gusto kong humakbang palayo pero ayokong ipakita sa kaniyang natatakot ako sa usang katulad niya.
Kahit kailan 'di ako matatakot sa isang Gian Alvarez, alam kong na sa lugar ako at maninindigan ako sa kung ano ang tama.
Taimtim niyang sinalubong ang mga tingin ko habang nakadikit na sa maamo niyang mukha ang isang nakaka-demonyong ngisi.
"I want you to suffer."
"Ano?"
Nag tataka akong napakunot noo sa sinabi niya. Narinig ko naman ang sinabi niya pero hindi ko maintindihan. He want me suffer for what reason? o nakakalimutan niya yata na siya ang may atraso sa akin.
Mas lumapad ang ngisi sa mga labi niya at bumaba ang tingin nito sa labi ko. Balak ko sanang humakbang pa atras ng mabilis niyang higitin ang bewang ko.
Napapigigil hininga rin ako ng marahan niyang hinawi ang ilang buhok na nakatabon sa'king pisngi na siyang iniipit niya sa tainga ko.
Humahalimuyak ang mabango nitong hininga sa mukha ko at dama ko mismo ang mabilis na pag pintig ng puso ko sa sobrang kaba.
Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay alam kong hindi na siya ang Gian na nakilala ko noon. Wala na ang kinang sa mga itim nitong mga mata at hindi ko na rin madama ang maamong lalaki na halos sambahin ako noon.
Napalunok ang nanunuyo kong lalamunan ng ilapit niya ang mukha sa akin. Gusto ko siyang itulak pero para akong na bato hanggang sa dumampi ang labi niya sa tainga ko.
Mabigat ang bawat pag hinga ko gaying alam ko na halos manipis na hangin na lang ang namamagitan sa aming dalawa.
"I want you to suffer in pain, so much pain that will make you beg for your own death."
Mariing wika nito bago niya binitawan ang bewang ko. Maitim at seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin na siyang dahilan kung bakit nalunok ko mismo ang sarili kong dila.
He devilishly smirked at me before he turned his back. He sat back and cross his legs and look straightly in my eyes.
"So serve me a glass of wine.. Huwag mong sabihin na nahihirapan ka na agad? Hindi pa ako nag sisimula, Sabrina."
I tightly took the bottle of wine and pour a glass of it without taking my eyes off him.
Gusto kong basagin iyon sa mukha niya at maramdaman niyang hindi ako uurong sa kung anong gusto niyang mangyari.
"I won't step out. You evil jerk."
Yes, he wasn't Gian Alvarez for nothing and I am not Sabrina Tolentino to let him step on my pride.
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy