Chapter 3

1576 Words
Chapter 03 I never thought it would end like this. Kulang bente kwatro oras na akong nakatayo at patay na patay na ang katawan ko sa buong mag hapong trabaho. Kahit sandali ay hindi ko man lang na gawang umupo and I hope this will be the last trip for this day. It is my sixth day sa airline ng Alvarez at hindi na ako mag tataka kung bakit napakataas ng pasahod nila. Robot ata ang tingin niya sa mga empleyado niya at ayaw niya man lang pag pahingahin kahit sandaling oras. "Sabrina, may isa pang flight after this." "P-po? A-ako ulit ang kasama?" Shit! Paupo pa lang ako pero nanigas na ako sa kinatatayuan ko ng sabihin ng superior ko na may isa pang VIP flight na kailangan kong samahan. Seryoso ba sila? It's already midnight, simula ng dumating ako rito, pag ligo lang ang na gagawa ko sa bago kong tinutuluyan. Straight akong nakatayo sa loob ng eroplano. "Oo, utos sa taas. Sorry ah, pero wala pa kasing nakukuha para may kapalitan ka." Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Gusto kong sumabog sa inis ng marinig ko mula sa kaniya na utos iyon mula sa taas. Malakas kasi ang kutob ko na sinasadya iyon ni Gian para pahirapan ako. Like hello! Hindi overtime ang tawag dito at lalo rin naman na hindi peak season para anim na araw niya akong isabak sa twenty-four hours na biyahe na walang pahinga. Nangyayari rin ito sa amin sa Cebu pero may break time at may kapalitan ako. Sumiple na ako ng upo dahil hindi ko na talaga kaya, napahimas ako sa binti ko at bahagyang napangiwi ng mapag tanto na may lapnos na ang bukong bukong ng paa ko ng dahil sa suot kong heels. Nilagyan ko ito ng band aid ng hindi tuluyang magasgas at dumugo. "Sinong nag sabi na pwede kang umupo?" Nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Gian kaya agad akong napatayo. Pasimple ko pang itinago sa bulsa ko ang basura ng band aid. "Sorry po, sir." Taena niya! Empleyado ako at may karapatan akong umupo. Kung hindi ko lang siya boss malamang binasag ko na sa mukha niya ang bote ng mga wine rito. "You don't have any rights to sit during your work, miss Tolentino. Alam mong na sa policy 'yan." Seryosong sabi niya and for the nth time, no one can tell how he feels. Malaki na talaga ang ping bago niya. Noong araw na mag tagpo ulit ang landas namin, hindi ko maintindihan kung hindi niya na ba ako nakikilala o naalala man lang. Seryoso lang niya akong kinakausap pero bakas sa tono niya na wala siyang interes na makipag usap sa akin. Ako rin walang interes na makausap o makita man lang siya, hindi na ako bitter sa nakaraan namin pero nasusuklam pa rin ako sa tuwing nakikita siya. "I'm sorry. Hindi na po ma uulit." "Siguraduhin mo kung ayaw mong palitan kita." "Pinalitan mo na ako noon." Kunot noo ako nitong nilingon na para bang nag tatanong siya. "May sinasabi ka ba?" "W-wala po sir." Shit! Nasabi ko ba iyon ng malakas? Ang tanga mo talaga, Sab. Nakakahiya ka! Ano na lang iisipin niya kung narinig niya 'yun? Umayos ka ng pag akto sa harapan niya. Ipakita mo sa kaniya na wala ka na rin paki-alam sa nakaraan niyo at kinalimutan mo na ang lahat. Dumiretso ito sa may upuan at hindi na ako mag tataka kung siya ang VIP na kailangan kong i-assist ngayon. Sumunod ako sa kaniya at tumayo sa harapan niya para mag salin ng tubig. Nanatili akong nakatayo at nag hihintay ng iba nitong iuutos, mga limang minuto na siguro at kulang na lang ay bilangin ko ang mga ulap na madadaanan namin pero hindi man lang ako nito nilingon o tinapunan man lang ng tingin dahil abala ang mga mata niyang nakatutok sa may laptop. Mukhang busy naman siya, pwede siguro ako pumuslit ng upo. Dahan dahan akong humakbang palayo pero agad din akong natigilan ng marinig itong mag salita. "Give me a glass of wine." Napapikit akong napamura ng mahina bago siya hinarap at pilit na ngumiti ng matamis sa kaniya. Demonyong lalaki to! Sana sinabi niya na kanina na wine pala ang gusto niya. Hindi 'yung pimag hihintay niya ko ng matagal. Nag salin ako ng red wine sa baso niya. Habaan mo lang ang pasensya mo, Sab. Trabaho mo ito, ganiyan talaga ang mga customer. Feeling always right. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa may lap top at nakatayo pa rin ako sa tapat niya. Ginalaw galaw ko pa ang binti ko sa sobrang pagkangawit. Parang slow motion niyang kinuha ang baso at dahan dahan na dumampi ang labi ng baso sa mapula niyang labi, kita ko pa kung paano na basa ang labi niya ng wine at ang pag taas-baba ng lalamunan niya. Napa iwas ako ng tingin. Nakabukas naman ang air-con pero parang mainit? Napapahid ako sa noo ko kung saan ay may butil ng pawis ang namuo rito. "Ay p**e!" Gulat kong sigaw ng marinig kong may na basag kaya agad akong napatakip sa bibig ko. Hindi talaga ako magandang nagugulat dahil panget ang lumalabas sa bibig ko. Napatingin ako kay Gian na walang ganang nag angat ng tingin sa akin. Kung dati siguro ay mamatay na siya kakatawa sa tuwing naririnig niya ko kung paano magulat pero ngayon, wala kang mababakas na kahit na anong tuwa o interes sa mata niya. Wala akong pake kung wala siyang interes pero paano na basag iyong baso? Nalingat lang ako sandali ay dumausdos na iyon. "Linisin mo." Tumango ako sa kaniya at nag mamadali akong kumuha ng panlinis. Hindi na sana ito parte mg trabaho ko kung may kasama ako rito pero tanging kami lang ni Gian ang na sa loob ng eroplano at iyong piloto. Napabuntong hininga na lang ako. Tiis tiis lang Sab, sa una lang ganiyan. Pag nakahanap na sila ng makakapalitan mo gagaan din ang trabaho. Napadukot ako sa bulsa ko at matamis na napangiti ng makita ang litrato ni Xavvy. Hindi ko pa siya nakakausap ulit pero tatawagan ko siya agad mamaya pag naka uwi ako. Na mi-miss ko na agad siya at gusto ko ng mayakap ang anak ko. Nagkaroon ako ng lakas kaya kahit buong biyahe ako pinabalik balik ni Gian sa kung ano anong inuutos niya ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Gagawin ko to para sa anak ko at titiisin ko na makita ang nakakasurang mukha ni Gian para lang sa kinabukasan ni Xavvy. Nag take off na kami at sa wakas ay baba na rin ang bwisit na prinsipe. Sa akin niya pa talaga pinabuhat iyong mga gamit niya na ubod ng bigat. Sa tingin ko ay na sa south korea kami ngayon. Busy rinnsa pakikipag usap si Gian sa kung sino mang na sa kabilang linya. "Thank you." Iyon ang huling sabi niya sa kausap niya bago isinuksok nito ang cellphone sa bulsa niya at walang gana ulit akong hinarap. Naiinis ako sa kaniya dahil tuwing titignan niya ako ay para bang wala siyang ka-gana gana. Hindi ko naman hinihiling na mag ka-interes siya pero sana iparamdam niya naman ang mabuting pag trato sa akin bilang isang empleyado. "Sumama ka sa'kin." "Huh? Ako? Hindi kasama sa trabaho ko ang sumama sa mga customer. Hanggang dito lang po kami, Sir." Kung sinusubok niya lang kung magiging pasaway ako, pwes nag kakamali siya. Kahit minsan hindi ako sumuway sa policy ng kompanyang pinapasukan ko. "It's an order." Umiling akong muli sa sinabi niya at marahang ibinaba ang gamit niya sa lapag. "I'm sorry, Sir pero hanggang dito lang po ang service na kaya kong ibigay. We are limited to airline." Diretso kong sagot sa kaniya at hindi ko nagustuhan ang pag taas ng isang sulok ng labi ni Gian. Nanigas pa ako sa kinatatayuan ko at wala sa loob na napalunok ng humakbang ito palapit sa akin. "I am your boss and you should know how to follow an order. Naiintindihan mo ba?" Bigla ako nakaramdam ng kaba sa tono ng pananalita niya at hindi ko rin na tagalan ang mga tingin niya. Bakas kasi sa tinig niya na may halong pang iinis ang bawat salitang binibitawan niya at hindi ako makahinga ng maayos sa sobrang lapit nito sa akin. "P-pero--" "Babayaran kita kahit magkano. Name your price, Sabrina." Nag angat ako ng tingin sa kaniya at mas lumapad pa ang pagkaka-ngisi niya. Nakaramdam ako ng pang iinsulto sa mga sinabi niya. Walang duda na mababa masyado ang tingin niya sa akin at kung akala niya na mag papadala ako sa kaniya. Nag kakamali siya. Buong loob kong inipon ang lakas ko at humakbang paatras sa kaniya. Seryoso ko ring sinalubong ang mga mata niya na bakas ang tuwa sa mga nangyayari. "I'm sorry but if you need other services you can call our customer service. They will be the one who will provide other needs and services. Thank you for joining in our trip. Have a nice day, sir." Casual kong sagot sa kaniya at pinilit kong maging magalang bago siya tuluyang tinalikuran. I hope this will be my last flight with him dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang tagalan ang makasama at makita pa siya. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD