Chapter 2

1502 Words
Chapter 02 "Sab, sigurado ka na ba?" Patuloy ako sa pag e-empake ng mga gamit 'ko at pang ilang beses na rin akong tinanong ni Drake kung sigurado na ba ako sa desisyon 'ko. Nakangiti akong natigilan at hinarap siyang hinawakan ang kamay nito. "Drake, I need this job for Xavvy. Alam mo naman 'yun diba?" Nabasa 'ko na ang terms and conditions na ibinigay sa akin ni sir, nakapag email.na.rin ako at nakapag report personally. Mukhang maganda ang airline na pag lilipatan ko, ang disadvantage lang ay kailangan kong mag stay sa manila pero wala akong magiging problema dahil sagot ng kompanya ang tutuluyan 'ko which is malapit lang sa papasukan ko. Hindi ko rin makakasama si Xavvy sa manila dahil kasalukuyan siyang nag aaral dito at nakakahiya rin kung masyado ako mag t-take advantage sa opportunity na 'to. Siguro kung mag tatagal ako ay makukuha 'ko na rin si Xavvy para mas komportable at panatag ako sa kondisyon niya. "Sab, you don't have to work just marry me and I'll give everything you need." Nagsusumamong sabi ni Drake na kinatipid mg ngiti 'ko at kimahigpit ng pagkakahawak 'ko sa kaniya. Alam 'ko na malinis ang intensyon ni Drake, alam 'ko na hindi niya ko o kami ni Xavvy pababayaan pero bukod sa problema 'ko sa mama niya, hindi pa rin talaga ako handa na mag pakasal. Hindi 'ko lang iyon masabi kay Drake dahil ayoko na mag isip ito ng kung ano ano. "Drake, gusto ko kapag kinasal na tayo. Ok na ang lahat. Just give me more time. Ok?" Napabuntong hininga ito pero agad ding lumitaw ang matamis na mgiti sa labi niya. Hinila ako nito palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. "Ok.. Hindi kita mamadaliin. Basta nandito lang ako. Mag sabi ka lang kapag kailangan mo ng tulong. I love you, Sab." Napangiti akong napayakap kay Drake habang hinahaplos nito ang likod 'ko. "I love you too." Maswerte ako kay Drake dahil naiintindihan niya ako at hindi niya rin kami pinababayaan ni Xavvy pero hindi pa talaga ako handa para sa mga plano niya. Natutunan 'ko ng makuntento sa kung anong meron ako ngayon, sapat na sa akin na kasama ko si Xavvy at sa kabilang banda na tatakot ako na matulad sa mama 'ko at maulit muli ang mga nangyari noon. Ayoko ng masaktan. Nakakatakot at ang hirap bumangon. Napangiti ako ng mapait sa mga na isip ko at iwinilig ang ulo ko para alisin sa isipan ko ang bangungot ng kahapon. "Mama, mami-miss kita." Nakangiti akong napa upo para pantayan si Xavvy at ikinulong ang maliit nitong mukha sa mga palad 'ko. "Mami-miss ka rin ni mama. Magpapakabait ka ah. Huwag pasaway kay auntie. Mag aaral kang mabuti at huwag masyadong mag papagod. Palagi mong tatandaan, mahal na mahal ka ni mama." "I love you too mama. Promise magiging mabait si Xavvy." Nakangiti itong tumango bago itinaas ang kamay niya. Mas lumapad ang ngiti 'ko ng makita 'ko na masiglang masigla na ulit siya. Kung si Xavvy ang mawawala sa akin, hindi 'ko kakayanin. Siya ang naging buhay ko noong mga panahon na gusto ko ng sumuko kaya ganun na lang ang pagpupurisgi ko na makapag trabaho ng malaman kong may sakit siya. Hindi biro ang sakit niya. Marami ang nag sasabi na milyon ang uubusin ko para lang dugtungan ang buhay ni Xavvy at gagawin ko ang lahat para sa kaniya kahit maging kapalit pa nun ang pagka-tao 'ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak sa tuwing na iisip ko na baka isang araw hindi na siya magising. Siya ang naging lakas at kahinaan ko. "Sabrina Tolentino?" "Yes, ako nga." Pag dating 'ko sa airport ay agad akong sinalubong ng isang lalaki na naka-itim. Tinulungan pa ako nito ilagay ang mga gamit 'ko sa sasakyan. Maraming ka-artehan ang nilipatan ko pero mukhang maganda naman ang treatment nila. Last time kasi, nag pa medical pa ako para masigurado nila na clear ako sa kahit na anong sakit though alam kong parte iyon ng magiging trabaho ko. I will be handling a VIP and private flights at bigating tao ang makakaharap ko roon. Napatingala pa ako sa malaking gusali kung saan ay huminto ang sasakyan. Di na bago sa akin ang malalaking building pero hindi ko inaasahan na ganito pala talaga kalaki ang kompanyang may hawak sa airline na papasukan ko. Hindi na nakakapag taka kung mag wawaldas sila ng pera para sa mga empleyado nila. "Nandito na tayo. Dumiretso na lang po kayo sa receptionist at itanong ang office ng CEO." Napatango ako sa lalaki at dinampot na ang bag ko bago bumaba ng sasakyan. Sa main entrance ako dumaan at hindi naging mahirap sa akin na mag tanong. "Last floor po ang CEO." "Salamat." Nakangiti kong sagot sa babae at akmang mag lalakad na ako papunta sa elevator ng matigilan ako ng biglang humawi ang mga tao. Bahagya pa silang yumuko para mag bigay galang sa kung sinong dumadaan sa gitna. Pinilit kong silipin kung sino ang dumating pero wala ako makita. Medyo malayo kasi ito sa kinatatayuan ko dahil doon siya dumaan sa may VIP entrance at ang dami ng tao. Napakibit balikat na lang akong nag patuloy sa pag lalakad. Iba talaga ang mayayaman. Ayaw nilang dumadaan sa main entrance at talagang may bukod din silang elevator na akala mo.takot na takot silang mahawa ng sakit. Mukha bang sakitin ang mga tulad naming ordinaryong tao? Aissst! Sana lang talaga ay hindi ganun ka-arte ang amo ko. Nakalimutan ko pa lang itanong kay sir Tomas kung anong pangalan ng magiging boss ko ngayon. Hindi ko na rin na gawang isa isahin iyong mga pangalang nakalagay sa kontrata. Napakadami kasing nakasulat at kadalasan talaga ay hindi ko na iyon pinapansin. Unti unti ng na ubos ang sakay ng elevator hanggang sa ako na lang ang na iwan mag isa. Nasa last floor ang opisina ng CEO at aabutin ata ako ng pag puti ng uwak sa dami ng dinaanang floor. Nakahinga ako ng maluwag ng tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Napakurap pa ako ng makita kung gaano kalawak ang bumumgad sa akin. May katamtamang laki ang information section na sa tingin ko ay opisina ng sekretarya. "Good afternoon, how may I help you?" Tanong agad nito sa akin at ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Nanlalamig at nanginginig iyong kamay ko sa kakaibang kaba. Hindi naman nakakatakot ang babae sa harapan ko. May edad na nga ito, siguro mga na sa mid thirty o forty na siya pero maganda pa ang bikas ng pangangatawan niya. Mahaba rin ang buhok nito na kulay brown at hulmado ang labi niya sa kulay pula nitong lipstick. "I'm Sabrina Tolentino and I have an appointment with the CEO." "Just a minute." She genuinely smile at me and start to scan her list. Mukhang wala roon ang pangalan ko. "Excuse me, try to look for cebu airline." Naging trabaho ko rin kasi ang trabaho niya dati. Minsan talaga hindi pangalan ang inilalagay ng iba kung hindi ang pangalan ng kompanya. I don't know the reason behind but may be to advertise their company para mas makilala ito ng mga malalaking kompanya. "Oh.. Thank you." Nakangiting sabi nito ng matagpuan niya ang pangalan ng airline. Tunawag ito sa telepono at di rin nag tagal ay iginaya ako nito papunta sa isang malaking pinto. Mas bumilis iyong pag kabog ng puso ko ng huminto kami sa tapat. Napahawak na ako sa dibdib ko para subukang kalmahin ito pero walamg nangyari. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang may nag sasabi sa akin na umatras na lang ako at bumalik na lang ng Cebu. Kinakabahan ako sa di maipaliwanag na dahilan at parang slow motion ang pag ikot ng oras ng tuluyan ng buksan ng babae ang pintuan. Diretso ang tingin ko sa loob at tuluyang tumigil ang mundo ko ng mag tama ang mga mata namin. Madilim ang mga mata nito at walang emosyon ang mababasa mula rito. Nawala na rin ang mga kinang sa mga mata niya na palagi kong gustong makita noon pero walang nag bago sa itsura niya, tulad ng dati hindi maitatanggi ang gwapo nitong mukha. Mga matang kakahumalingan mo, ilong na pang gigilan mo at labi na kaka-adikan ng kahit na sino. Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga nakaraan at naramdaman ko muli ang pag bilis ng pintig ng puso ko hindi dahil sa tuwa na makita siya kung hindi nababalot ako ng takot sa klase ng mga tingin niya pero napangisi ako sa isip na wala siyang karapatan na takutin ako dahil hindi ako ang nag kamali noon. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit sa dami ng taong pwedeng makita ko ngayon ay siya pa? Bakit hindi ko na isip o sumagi man lang sa isip ko na pwede ulit mag tagpo ang landas namin ng isang Gian Alvarez. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD