Chapter 1

1975 Words
Chapter 01 "On behalf of Cebu Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening!” Napangiti ako sa mga pasehero bago bumalik sa mga kasamahan 'ko. "Wooooh! Finally! Makakauwi na rin tayo after five days straight ng trabaho." Tinapik tapik pa ni Ava ang balikat 'ko na halatang excited na rin umuwi. Siyempre gusto 'ko na rin maka-uwi. Peak season kasi ngayon kaya hindi kami hinayaan ng boss namin na umuwi nitong mga nakaraang araw. After ng take off at debriefing ay nag mamadali kaming pinag dadampot ang mga gamit namin at handa na sa pag uwi. "Sabrina, can I have a minute?" Tumango ako sa kaniya at sumunod sa opisina nito. "Maupo ka." Umupo ako tulad ng sinabi niya at nakangiti ako nitong hinarap. Maamo ang mukha niya kaya hindi maitatangi na magaan ang loob ng lahat ng empleyado sa kaniya, maganda rin ang pakikitungo nito sa amin. "Matagal ka na sa airline na 'to and I think you deserve this big opportunity." Nagningning ang mata 'ko sa sinabi niya. Matagal na ako nag t-trabaho bilang isang flight attendant sa isang airline dito sa probinsya namin, hindi ganun kataas ang sahod pero sapat na para suportahan ang pang araw araw naming pangangailangan ni Xavvy. Huwag lang talaga siya magkakasakit dahil nauubos ang ipon namin but it doesn't matter. Mas mahalaga pa rin para sa akin ang kalusugan niya. "Anong opportunity po?" "May malaking airline ang nag hahanap ng personal flight attendant nila. Triple ng sasahurin mo roon kumpara sa kinikita mo rito." Seryoso ba siya? Malaking bagay para sa amin ni Xavvy kung makakapasok ako sa airline na 'yun. I'm just hoping na hindi lang barubal ang magiging amo 'ko roon at hindi ganun kalayo para palagi pa rin ako makakauwi. "Ayoko talagang pakawalan ka dahil ikaw ang isa mga pinagkakatiwalaan 'kong FA but I think you deserve this. Isa pa, kailangan mo rin iyon para suportahan si Xavvy." Hindi 'ko napigilan ang mapangiti at hawakan ang kamay nito sa sobrang tuwa. "Maraming maraming salamat po. Hinding hindi 'ko po kayo ipapahiya. Salamat po talaga. Malaking tulong 'to sa amin." "Well, pumapayag ka na ba ng lagay na 'yan?" Paulit ulit akong tumango sa kaniya. Sino ba naman ang tatanggi sa grasya kung ito na mismo ang lumalapit sa akin. Minsan lang ang ganitong bagay sa buhay ng isang tao, kaya kapag nakakita agad ako ng opportunity ay hindi 'ko na pinapalagpas iyon. Kinuha nito ang isang folder at inabot iyon sa akin. "Basahin mo ang terms and conditions nila. After nun, bumalik ka sa akin o mag send ka ng message thru email para makapag update rin ako sa kanila." "Thank you po talaga sir." "You're always welcome. Go on. Baka hinihintay ka na ni Xavvy." Hindi napawi ang ngiti sa mga labi 'kong napatayo at ilang beses pa akong napayuko para mag pasalamat sa kaniya. Mababait ang mga kasama 'ko rito sa airline kaya kahit hindi ganun kalaki ang sahod ay masaya ako rito but I badly need a high grade salary for Xavvy's future. Buong biyahe na nakangiti ako at hindi ganun kalayo ang tinutuluyan ko sa airport kaya mabilis akong nakauwi. Excited na ako ibigay kay Xavvy ang na bili 'kong pasalubong para sa kaniya. "Xavvy? Auntie? Nandito na po ako." Pag bukas 'ko ng pinto ay tahimik ang buong bahay. Ibinaba 'ko muna ang mga gamit 'ko bago ginalugad ang bawat sulok. Hindi ako sanay na walang sumasalubong sa akin. Tuwing umuuwi ako ay palagi akong sinasalubong ng mainit na yakap at matamis na halik ni Xavvy. Bigla tuloy ako kinabahan kaya mabilis 'kong tinawagan si auntie. Sana lang ay mali ang ini isip 'ko. Naka-ilang ring pa iyon bago siya tuluyang sumagot. "Auntie, si Xavvy?" Nanginginig ang boses 'ko pati na rin ang mga kamay 'ko. Hindi 'ko gusto pag ganito katahimik si auntie. Mas bumilis ang pag kabog ng dibdib 'ko at nakaramdam ako ng panlalamig ng dahil sa takot. "Sab, na sa hospital kami ni Xavvy. Nawalan na naman siya ng malay kanina." Humihikbing sabi ni auntie na tuluyang nag palambot sa akin. Napasandal pa ako sa pader at para akong tinakasan ng lakas. Isinugod na naman siya sa hospital at wala.ako sa tabi niya para alagaan siya. Napapikit ako ng mariin at walang humpay pa sa papanalangin na sana ay ayos lang siya. Nang makabawi ako ay nag mamadali akong umalis ng bahay. Hindi 'ko alam kung paano ako nakarating ng hospital ng mabilis kahit buong biyahe na walang humpay ang pag tulo ng luha 'ko sa takot na baka pati si Xavvy ay mawala sa akin. Siya na lang ang meron ako kaya hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko kung pati siya ay kukuhanin sa akin. "Xavvy!" Tawag 'ko agad sa pangalan nito ng makapasok ako sa sinabing kwarto ng nurse. Nadatnan 'ko itong nakahiga sa may kama at nakakabit sa kaniya ang ilang aparatus. Nakangiti itong nag pumilit na bumangon kaya agad siyang inalalayan ni auntie. "Mama." Nakahinga ako ng maluwag ng makita 'ko siyang puno ng sigla at matamis ang mga ngiti sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kaniya at marahan na hinawi ang mga buhok nito. "Diba sabi ni mama sa bahay mo 'ko hihintayin, hindi dito sa hospital." Nag aalala 'kong sabi sa kaniya. Madalas naman akong umuuwi sa bahay pero madalas din ay sa hospital 'ko na siya na tatagpuan. "Wala kasing air-con sa bahay, dito meron." Biro nitong sagot sa akin na kinatamis ng ngiti niya at natatawa 'ko pang ginulo ang buhok nito. Likas sa kaniya ang pagiging bibo at palabiro sa kabila ng kritikal niyang kondisyon. Kung titignan siya, mukha siyang malakas at makulit pero hindi siya pwedeng mapagod at limitado rin ang mga pagkain na pwede niyang kainin. "Next time, sa bahay ka lang ah. Ayoko na palagi kang nandito. Natatakot ang mama." Nakangiti nitong pinisil ang magkabila 'kong pisngi at nang gigil niya pa iyong hinila. "Please don't. Strong and big boy na ako mama. Marunong na ako gumawa ng assignment mag isa." Lumapad ang mga ngiti nito sa akin at lumitaw ang kumpleto at mapuputi niyang ngipin pati na rin ang dalawa nitong dimple sa magkabila niyang pisngi. Naluluha akong napangiti at mahigpit na niyakap si Xavvy. "I know and you should be stronger for mama. I love you." "I love you too, mama." Pasimple 'kong pinahid ang mga luha 'ko. Ayoko na makita niya na mahina ako dahil bilang magulang niya, dapat ako itong matatag at unang lumalaban para sa kaniya. Masyado pang bata si Xavvy para danasin niya ang ganitong bagay, pinigilan 'ko ang lumuha habang nakikita 'ko kung paano siya salinan ng ilang bag ng dugo. He has a lukemia at buwan buwan kami pumupunta sa hospital para salinan siya ng dugo. Magastos ang maintenance niya pati na rin ang ganitong session pero kakayanin 'ko para lang makasama 'ko pa siya ng matagal. "Ako ng mag babayad." Pinigilan ako ni auntie sa pag babayad ng meryenda at siya na ang nag bayad ng binili namin. Tipid akong napangiti sa kaniya at buong pusong nag pa salamat. "Salamat po." Pinsan siya ng nanay 'ko at sa kaniya na ako tumira simula ng umalis ako ng manila. Siya na rin ang tumayong nanay 'ko at nag aalaga sa amin ni Xavvy. Malaki na ang naging tulong niya sa akin simula ng maulila ako kaya nag papasalamat ako na kahit papaano ay hindi pa rin ako nag iisa sa buhay. "May pera ka pa ba?" Tanong nito at tipid akong tumango sa kaniya. "May natitira pa naman akong ipon pero hindi na sapat iyon kung sakaling mag papasalin ulit ng dugo si Xavvy pero huwag kayo mag alala. Makaka utang naman ako sa mga ka-trabaho 'ko." Ganun naman lagi ang set up, tuwing na uubos ang ipon 'ko, hindi ako nabibigo makahiram ng pera sa mga kasama 'ko. May trabaho naman ako kaya nababayaran 'ko rin sila pero.minsan talaga nakakahiya ng lumapit dahil alam 'ko na may mga sarili rin silang pamilya na kailangang buhayin. "Ikaw naman kasi bakit hindi mo pa tanggapin ang kasal na inaalok sa'yo ni Drake? Masusuportahan nun ang pangangailangan ni Xavvy." Natigilan ako sa pag lalakad at mapait na napangiti kay auntie. "Hindi po ganun kadali iyon. Alam niyong ayaw sa akin ng mama niya dahil mahirap lang ako.. at may anak pa." Drake is my long time boyfriend, mula siya sa mayamang pamilya at may reputasyong ini-ingatan ang angkang pinag mulan niya. Mainit ang mata sa akin ng mommy ni Drake dahil iniisip nito na ginagamit 'ko lang ang anak niya at ang habol 'ko lang ay ang yaman nila but she's wrong. Mahal na mahal 'ko si Drake. Siya ang tumanggap sa akin kahit alam niya na may anak ako at kahit wala akong ipag mamalaki, minahal niya rin ako. "Hindi naman ang nanay ni Drake ang papakasalan mo. Si Drake naman. Isa pa mahal niyo naman ang isa't isa diba? Kaya pumayag ka na sa inalok niyang kasal." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni auntie. Nauunawan 'ko kung bakit atat na siyang mag pakasal ako kay Drake. Una, hindi na ako bata. Pangalawa, tanggap ni Drake si Xavvy at minsan lang ang ganung lalaki at huli, malaki talaga ang maitutulong ni Drake para sa anak 'ko kung sakaling makakasal kami pero pag ginawa 'ko iyon, para 'ko na lang din pinatunayan sa pamilya niya na pera lang ang habol 'ko sa kaniya. Masakit mag salita ang pamilya ni Drake, nakakapanliit ng pagkatao at ayoko na sa oras na mag sama na kami ni Drake sa iisang bubong ay makatanggap din si Xavvy ng masasakit na salita mula sa pamilya nito. Matatanggap 'ko pa ang panlalait nila sa akin pero huwag lang sa anak 'ko. "Hindi naman po kami nag mamadali ni Drake." Sinibangutan na lang ako ni auntie na kinatawa 'ko naman. Halatang mas excited pa siya kesa sa akin. "Nag papaalala lang ako, Sabrina. Huwag mo 'kong tularan na tumanda ng dalaga." Nakangiti akong napayakap sa kaniya ng makabalik kami sa kwarto ni Xavvy. "Hindi ako tatandang dalaga." "Nako bente singko ka na, Sabrina. Mabubulok na 'yang matres mo." Mas lumakas ang tawa 'kong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "Auntie, mabulok man ang matres 'ko meron na akong Xavvy. Ikaw kasi, di ka lumandi noong panahon mo." Biro 'ko sa kaniya na kinasibangot niya. "Walanghiya kasing first love na 'yan. Nabulok na ako kakahintay. Kaya kung ako sa'yo huwag mo ng pakawalan si Drake." Mas tumamis ang ngiti 'ko at napatango sa kaniya. "Nag hihintay lang ako ng tamang pagkakataon tapos mag papakasal na rin kami." Gusto 'ko lang na sa oras na pumayag na ako sa inaalok na kasal ni Drake ay masasabi 'ko na sa mama niya na pinakasalan 'ko ang anak niya dahil mahal 'ko talaga siya at hindi dahil lang sa pera nila. Nakangiting ipinatong ni auntie ang magkabila nitong kamay sa magkabila 'kong balikat at kita sa mga mata niya ang pag mamahal niya sa akin. Lucky to have her in my life, baka kung saan na ako napadpad kung hindi dahil sa kaniya. "Gusto 'ko lang maging masaya ka. Alam 'ko na hindi biro ang pinag daanan mo simula ng mamatay ang nanay mo." Tumamis ang ngiti sa mga labi 'ko at muling napayakap sa kaniya. "Salamat po pero masaya na ako. Masaya na ako ng dahil kay Xavvy." Marami ang na wala sa akin noon pero sa pag dating ni Xavvy sa buhay 'ko, nakita 'ko muli ang liwanag at natutunan 'ko ulit kung paano ngumiti at mag mahal muli. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD