"Love is infinite, unwaivering love, love that completely envelops one's mind and soul, That is the love that can mold's one's mind, love is final and most precious gift of life. If you find it, never let it go,"-Markus Peterson " I'll do anything to protect you both...I love you both so much." May bumubulong sa tenga ko. Nakikiliti ang puso ko. Nagmulat ako at natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa kama. Nakabalot ng kumot.Napakunot ang aking noo sa pagtataka.Hindi ito ang kwarto namin ng anak ko. Kinapa ang tabi ko... wala doon ang anak ko. Napabalikwas ako ng banggon. Nakita ko ang glass panel na naghihiwalay sa kwarto at ICU. Nakahiga doon ang anak ko nakakabitan ng kung ano anong aparato.Bumilis ang t***k ng puso ko. Naalala kong lahat ang nangyari kagabi. Nasa tabi niya si Ron

