“Most people are other people. Their thoughts are someone else's opinions, their lives a mimicry, their passions a quotation.”― Oscar Wilde "Ibig sabihin, pati yung ama ng anak mo ay hinahanap din nila para patayin, kung ganoong katindi ang galit ni Nicco? Pag aalala ni Dra. Zandra. Nagdaan ang mahabang katahimikan. Tanging hikbi ko lang ang naririnig. "Iha, ako ay walang kinakampihan dito, ngunit engaged kana kay Nicco, bakit nagawa mo pang lokohin? Sino ang ama ng pinag bubuntis mo noon? Nakunan ka ba?" Sunod sunod niyang tanong. Ang mga salitang binitiwan nito ay nag dulot sa akin ng ibayong sakit. Pakiramdam ko hinuhusgahan nito ang aking pagkatao Kahit pa sabihin pinipili nito mga salitang kanyang bibitiwan. Ang anak ko lang talaga ang kakampi ko, ang mama

