Chapter 1 Falling

2834 Words
"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touch, they must be felt with the heart"                                                                                                                                                            -Hellen Keller One year before...       Seryoso si Friday sa kanyang gunagawa. Nakasuot ito ng latex gloves, may hawak nito ang scalpel sa  kanyang kanang kamay at ang isa naman ay may hawak na palaka na naging buto na lamang.Seryoso nitong hinaharap ang dini disect. Bala balatong na ang pawis sa kanyang noo. Masyado siyang seryoso sa requirement ng kanilang professor. Bahagya nyang ginalaw ang isang braso upang iayos ang surgical mask na halos itago ang babang bahagi ng kanyang mukha.      "Wag mong halikan yan! Andito lang ako... di mo kailangan pa ng prince charming." Pabirong bulong ng kanyang katabi sa mesa. Si Ronn, sabay kindat pa sa kanya. Napamaang siya at napairap dito. I binalik nito ang kanyang atensyon sa ginagawa.      Nakakahiya ang isang ito, ang lahat ay abala dahil walang gustong mag overtime para matapos ang kanilang task. mabuti naman at walang nakapansin dito. At ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa.      Ganoon talaga si Ronn mabiro, makulit. Ngunit alam kung kailan kailangang dapat mag seryoso. Blockmates sila.       Isa si Ronn sa hinahangaan sa buong klase. Paano ba nman bukod sa may sense of humor ay matalino ito. Not to mention he is oozing with s*x appeal. Chinito ang mga mata, at palaging kasabay ang pang ngiti ng kanyang mga labi.Mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong. Matangkad, malapad ang kanyang mga balikat. Perfect example of crush ng bayan. Bakit naman hindi... lahat halos ng kababaihan sa block nila ay crush siya. Puno ng self confidence pero hindi namn mayabang. Basta alam nito kung paano makisama sa kapwa. Sa ugali ay wala namang maipintas ang mga nakakakilala sa kanya. Hindi suplado, palagi ngang nakangiti. Ito ang dahilan kung bakit naging crush ng klase. He is a perfect example a boyfriend material.      Kung puno ng tiwala sa sarili si Ronn. Friday Merridete Evangelista is his complete opposite. Lagi itong nakayuko at hindi pala kibo. Uusap lang ito kung kakausapin. Mahina ang loob at parang palaging me issue sa buhay. Maganda naman ito at hindi naman nahuhuli sa iba nilang kaklase.Ang pagiging simple ang nagpapatingkad sa kagandahan nito.      Biglang tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Tapos na rin sa task si Dey. Naipakita na at naipa check na ito sa kanilang professor. Nagligpit na ito ng gamit, at itinapon sa basurahan ang mga kalat. Dala ang personal na sabon ay lumapit ito sa lababo upang mag hugas ng kamay. Nag inilabas nito ang baong sabon ay nagulat siya sapagkat bigla itong nawala sa kanyang kamay. Napapikit na lamang siya, inagaw ito ni Ronn at naghugas ng kamay hang kumakanta pa ng happy birthday. Napatitig na lang si Dey at pinanuod ang feel na feel nitong pagkanta. Maya maya ay ibinalik na rin ke Ronn ang sabon sa kanyang kamay. Naramdaman pa ni Dey ang pag dali ng daliri ng binata sa kanyang kamay, naghatid ito ng maliliit na boltahe ng kuryente sa kanya.      "Salamat ha!" Mahinang bulong ni Dey habang naka irap na nakatingin sa binata.      "Walang anuman." Nakangiting sagot ng binata habang tuloy tuloy na umalis at sumabay sa isang pangkat  ng kanilang ka klase. Wala siyang nagawa kundi kunin ang kanyang gamit at lumabas din ng laboratoryo upang pumunta nman sa ibang gusali para naman sa  susunod na klase.       Maingay na ang silid aralan sa kanilang pagpasok. Wala pa kasi ang kanilang prof. Agad niyang tinungo ang kanyang upuan. Alphabetically aranged kaya katabi nya ng upuan ung lalaking  kanina pa siya pinag ti tripan. Nadatnan na niya itong naka upo na sa kanyang pwesto.  Tahimik siyang naupo at binuksan ang kanyang notes upang makapag handa na sa susunod na klase.      "Hindi ka ba magsasalita? Sayo lang yata walang talab ang karisma ko Bell?        Ako ba kinakausap nito? Tanong ni Dey sa sarili. Hindi niya ito tiningnan, kahit alam niya na siya lamang ang tao sa lugar na iyon.      "Hooy!" Sabay tapik ni Ronn sa arm rest ng upuan.      "Ay kabayo!" Nagulat ang dalaga, sabay hawak sa dibdib.      "Asan?" Nakangising natatawang tanong ng binata.      Nagtaas ng mukha si Dey at nagpantay ang kanilang mga mata. Sheet na malagkit ang gwapo nya! Sabi ng kanyang isip. "Ako ba ang kinakausap mo? Hindi Bell ang pangalan ko ko. Dey, Friday Merridette Evangelista."      "At ako naman ang iyong Beast, Ronnwald Xander Dela Pena, 18... Philippines!" Sabay tayo at wave ng kanyang kanang  kamay na para bang nasa beauty contest.      Hala... anong nagyari dun? Napangiti ang dalaga. Inilahad naman ni Ronn ang kanyang palad upang makipag shake hands.      "Mas maganda ka pala kapagka naka ngiti ka." Sabi ni Ronn sa kanya. Titig na titid at halos hindi nakurap." Dahil magkaibigan na tayo. lagi tayong sabay ha. Lagi kasing tahimik. Ilang buwan na tayong seatmates pero bilang na bilang ang mga salita na lumabas sa bibig mo." Mahabang litanya ng binata.      "Wala naman akong sasabihin e." Sabay hila sa kanyang kamay na ayaw na yatang ibalik ng binata. Bukod sa na ko concious siya iba talaga ang kanyang nararamdaman kapagka nagdadait ang kanilang mga balat.      "Paminsan minsan kasi magsasalita ka tas sabihin mo ang idea mo." Patuloy ng binata.      "Baka kasi mali... mapahiya pa ako." Sagot ng dalaga sabay tunggo,                      "Let's go Evangelista! Lunch tayo sa baba." Aya ni Ronn sa akin pagkatapos ng klase. Lunch break na.           "Ako?" Takang tanong ko sa tila anghel na nasa aking tabi. sabay linggon ko sa paligid, dahil hindi ako makapaniwala,      "Meron pa ba na ibang Evangelista dito?" Sagot ng magandang babae na maputi. Up and down ang kanyang braces. Ano nga bang pangalan nito? Pilit kong inaalala...      "Iam Joy!" napansin siguro nito na akoy napapikit upang  mag recall.      "Tayo na!" Sabay hila niya sa akin kaya hindi ko na nagawa pang mag protestapa. Kasunod naman namin ang hunk na seatmaaate ko."          Pag dating namin sa cafeteria ay agad na inilagay ng dalawa ang kanilang bitbit na bag sa mesa at nag paalam na oorder na sila. " Libre ko." sabi ni Ronn. "Paki bantayan na lamang ang mga things namin please."  Tumango na lang ako. Sabay silang pumila sa counter. nakita ko pa ang  pag haharutan ng dalawa kong kasama habang naka pila para umorder. Naisip ko na sweet silang dalawa. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko sila. Madalas ko silang nakikitang nag bibiruan. Sila ba? Bakit ako napasama sa kanila kung makaka istorbo lang ako.      Naputol ang pag iisip ko ng  maramdaman kong ipinatong na ni Joy ang kanyang food tray sa mesa. kasunod si Ronn na maroong bitbit na dalawang tray. Inilapag ang isa sa aking harapan. bahagya pa akong nagulat.      "Eto sa akin." Sabay abot ng isang daang pisong papel.      "Sabi ko my treat. Ako ang nag aya kaya kain ka lng." Sabay abot sa akin ng isang pares na kutsara at tinidor.       "Hindi ko alam ang gusto mo. Ipinarehas ko na lang sa favorite ko. I hope you dont mind? Hingging pasensya nito.      "Hindi naman. Favorite ko rin yang kare-kare. Isa pa dapat akong magpasalamat at pasensya na kayo sa abala."      "Wow! Destiny! makabuluhang sabi nya sa akin.      "Anong abala naman yang arte mo? Sinabay ka lang namin sa tanghalian."Direchahang sabi ni Joy. Gusto ko sanang mapahiya sa sinabi nito. Pina alalahanan ko lnag ang sarili na huwag maging balat sibuyas.      "Joy, talagang ang tactless mo! Huwag ganyan, di pa sanay si Des sa atin."      "Des? Sinong Des? Babaero ka talaga!" Sabay hampas ni Joy sa braso ni Ronn.      "Des... short for my destiny! Sabay tingin sa akin.      Halos magtayuan ang balahibo ko sa katawan habang nakatitig siya sa akin.      "D...Dey... hindi Des. Yan ang itawag mo sa akin."s**t! Nauutal ako! Kasi naman itong lalaking ito, ang arte!       Nginuya muna niya ang sinubong kanin at ulam bago direchong tumingin sa akin.      "Bakit Dey?" Nagulat akong sa magkasabay na tanong ng dalawa kong kaharap. Naglapat pa ang kanilang mga palad at sabay na tumawa. "Money for us!" Biglang sigaw ng dalawa a sabay pa nilang itinaas ang kanilang mga hawak na kutsara.       Nakakatuwa, nalilibang ako sa dalawang ito. Mag boyfriend ba sila? Bakit kaya hinsi nag seselos si Joy kasi isinabay ako at inilibre ni Ronn.      "Hoy! Anong petsa na? Baka mapanis na ang laway mo!" Malakas na sabi ni Joy.      "Bakit Dey? Tumatango tango ito habang ramdam ko naman na nakatitig sa akin si Ronn.      "Friday merridette kasi ako. Short for Friday."      "Wow, kakaiba ha! Bakit Friday?" Hindi makuntentong tanong ni Joy.      " Biyernes Santo yata nung pinanganak ako." Nahihiya kong sabi.      "Ikaw, Joy? Bakit Joy?" Ganting tanong ni Ronn. "Eh, kasi Joy to the world ang usong kanta nun!" siya rin ang sumagot sa kanyang tanong. Hinampas ni Joy sa braso si Ronn. "Hinaharass ako dito!" Nakangiting sabi nito at bahagya pang inilakas upang marinig sa kabilang lamesa.      " Joy huwag muna.. alam mo nman na nag da damoves yang kasama mo! Sigaw ng isang lalaki sa mesa at ng makilala koy mga ka block mates din namin.      "E kanino ko ibabalin, hane? nakatawang sagot ni Joy!      "Dun sa boy next room!"Sigaw naman ng isa pa.      "Joy please lang... utang na loob ilayo mo siya sa mga chick dito. Sayong sayo na siya!       Ngumiti lang ako kahit medjo malabo... di ko sila maintindihan. Sa mga simpleng biruan na tulad nyan, mayroon akong  kakaibang damdamin ang nararamdaman. Ito ang unang pagjkakataon na maramdaman ko ito. Foreign feeling siya para sa akin. Goooshhh... Iam enjoying their company!      "Speaking of boy next room na iyan! Dalian na natin Dey, para maganda ang view!      Nagulat ako sa sinabi ni Joy, biglang bigla ang bilis niyang kumain. kani kanina lang ay halos hindi ito magalaw sa sobrang kaaadaldalan. Napangiti na lang ako kay Ronn.      Pagkatapos ng aming pagkain. Nagpasalamat ako kay Ronn para sa panaghalian ko. Isang ngiti lang ang isinagot niya dito.... Goshhhh, ang cute nya lalo pag nangiti!      Nagulat ako bigla na lang akong na-hatakin ni Joy sa kamay kaya napasunod ako.      "Hey Joy! Wait up!" Si Ronn.      "Loko sasama ka sa CR? Gusto mo bang agawin kay Von ang titulo na CR king?"      " Sinong Von?" Maang tanong ko kay Joy habang patuloy na din kami na nagpapalabas ng papuntang CR. Sinong Von? Nagtataka kong tanong sa sarili.Bumagal naman ang hakbang ni Ronn.  "Hintayin ko lang kayo sa room." Narinig ko lang sabi ni Ronn.      Pagkatapos magngalan ng toothbrush sa CR, lumabas kami. Naka retouch n din ng make up si Joy at akoy naglagay lang ng baby powder sa mukha ko. Kailan man hindi ko kinahiligan na maglagay pa ng higit sa polbo sa aking mukha. Siguro nasanay na dahil kinakailangan kong umiwas sa.mga bagay na  na nagbibigay pansin sa akin.         Tinahak namin ang koridor sa ikatlong palapag papunta sa susunod na klase pang hapon. Hinawakawan ni Joy ang braso ko at tumigil kami. Naka awang ang mga labi, gusto kong magtanong bakit hindi pa kami dume derecho sa aming klase. Nang makarinig ako ng papalapit na mga tilian ... Maya maya tumitili na rin si Joy habang tumatalon at nakahawak sa magkabilang buhok nito. Nilingon ko ang pinangagalin na ng tilian ... "Ahhhh!" Napa gaya na lang din ako sa mga katabi ko na napansin kong mga klase ko rin ang karamihan!           My gash .... Si Daniel Lim isang sikat na hearthrob sa isang leading network! Grabe pala ang guwapuhan nito sa malapitan. Ang taas nito at nagmumura ang kanyang mga muskels sa bisig ... parang paputok anumang oras ang mga manggas ng uniporme nito! Sheet na malagkit! Ang bango! Nakaka himatay ang kanyang ka guapuhan!  Pareho kami ni Joy na tumitili at tumatalon habang may hawak pa ring mga kamay. Hangang tuluyan ng makapasok na si Daniel sa kanilang silid at doon nman nag simulang magbalikan kami sa aming klase ...       Naglalakad kami ni Joy patungo sa silid aralan na halos walang tigil ang aming kilig at impit na tili at ngiti! Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam. Masarap palang maging malaya na maramdaman ang ganito simpleng bagay. Malayong malayo sa aking nakamulatan.        Hindi pa rin kami maka move on sa kilig ni Joy panay pa ang aming mga impit na kilig habang hawak namin ang kamay ng isat isa. Hindi pa rin mawawala ang ngiti sa ating mga labi, ganun din ang halakhakan. Kakaiba  ang feeling ko ngayon. Ang saya ko. Maaaring ang mga taong nagbigay sa akin ng atensyon, oras at pag-iingat. Punong puno ng kaligayahan ang raw ko ngaun.       Pag dating namin sa room na kung san gaganapin ang susunod na klase, wala ng tao sa corridor at dali kaming tahimik na pumasok sa hulihan ng pinto. s**t, first time kong ma late! At ... hindi lang ako, halos lahat yata ng blockmates kong babae. Ito ang dahilan kung bakit sila laging late napasok sa unang klase sa hapon!      Nakakauko akong mag eexcuse sa mga kaklase ko habang dumadaan ako papunta sa upuan ko at naupo.Sige pa sa lecture ng prof. "Sino ang mas mas pogi sa amin noong nakita mo dun  sa labas?" Narinig kong bumulong si Ronn. Napangiti lang ako at sabay labas ng mga notes para isulat  ang lecture ni prof.      "Sino nga? At nag puppy eyes pa siya habang siya ay nakatitig sa akin.Sinilip ko sa likuran ng reaksyon ni Joy.   Mukhang gulong gulo ito sa mangyayari sa pag lelecture ni prof.       Tunog na ang bell. Huwebes ngaun. Isa lang ang klase namin sa hapon. Uwian na. Bigla tuloy akong nalulungkot. Tapos na araw na ito ay punong puno ng magagandang alaala. Sapat na para sa mapangiti ako mamaya.      "Hoy ... Uwi ka na?" Tanong sa akin ni Ronn.      "Oo e .. 'Tipid kong sagot.      " San ka ba umuuwi? "Jan lang s Pinpin. Tinukoy ko sa kalye kung saan andoon ang condo na tinutuluyan ko.       " Walking distance lang pala ... Sabay na ako. "        " Bakit ? Malapit ka lng din? "Tanong ko.      " Hindi ko kasi alam ang pauwi! "Nakangiti habang kinakamot ang ulo sagot niya sa akin.       " Ano? "Tanong kong ako bigla."      "Hindi ko kasi alam ang pauwi sa puso mo, kaya gusto kong malaman!"       Napatawa ako.Wala na kong nagawa kundi sumabay sa kanya pauwi. Ewan ko ba sa taong ito kung san siya uuwi.   Kasabay namin si Joy habang naglalakad kami ng unibersidad, Napansin ko na pasulyap sulyap si Ronn at Joy. Tila nag uusap  ang kanilang mga mata.      Habang kami ay naglalakad ay biglang tumigil si Joy sa harap ng isang ice cream parlor. "Alam na dis Dr. Dela Pena!" Biglang sigaw ni Joy sabay hablot sa akin papasok sa icecream parlor. Kakamut kamot na sumunod sa amin ni Ronn nakangiting kakamot kamot ang loko.Tuloy-tuloy ito sa counter upang mag order. Samantalang kami ni Joy ay naupo sa isang bakanteng mesa malapit sa glass wall.      "Ang cute ni Daniell Lim, di ba? Makalaglag panty." Umpisa ni Joy.Ngumiti lng ako at tumango.Naglilitanya pa si Joy tungkol sa aming karanasan kanina.Dumating si Ronn dala ang inorder nito. Pagkalapag sa mesa ay napatitig ako sa isang ice cream na napansin ko na double doch ang  flavor. Biglang lumiwanag ang mata ko. Ang tagal ko ng hindi nakakatikim nun.      "Gusto mo?" Nakangiting tanong nito sa akin. Tango lng ginawa ko upang hindi mahalata na tila nasabik na ako na nmakayikim ng paborito kong ice cream.      Tumawa lang siya ng tahimik ng makita nya na tinitikman ko na ang ice cream ko. Napansin kong pareho uli ang inorder din nya. At sinimulan na rin kainin ang ice cream nito.       "Doc, andito ako!" Sabi ni Joy na may panunukso.      "Kumain ka lng dyan. Eto pa sabay tulak ng tray na merong burger at inumin." Sagot ni Ronn na hindi inaalis ang tingin sa akin.      Na ko concious naman ako, hindi ako sanay na akoy tinitingnan. Ano nga ba ang pakay ng isang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD