"The heart that truly loves never forgets"
- Anonymous
Okay class, That will be all for today. If you have some clarifications feel free to ask. "Sabi ni Merredeth na bahagyang nilakasan pa ang boses upang hindi masapawan ng bell na naghuhudyat na tapos na ang klase.
"Bye prof!" Sagot naman ng ilang habang nagliligpit ng kanilang mga gamit.
Napabuntong hininga na lang siya at iniligpit din ang kanyang mga gamit sa mesa. Nginitian nya ang ilang pang natira sa room at nag derechong lumabas at tinahak ang dulo ng isang pasilyo. Itinulak ang isa sa dobleng door at patuloy na patuloy sa kanyang mesa.
Assistant Propesor Friday Merredeth Evangelista. Isang hinahangaang Professor ng College of Pharmacy sa isang kilalang unibersidad sa kanilang probinsya. Hindi lang sa kanyang talino maging sa taglay na simpleng ganda kahit walang make up. Hindi lang mga ta katrabaho ang humahanga sa kanya pati na rin ang kanyang mga estudyante.
"Dey uwi ka na?" Tanong ng kanyang kasamahan na si Cha.
"Oo e ... Mahirap ng gabihin pag uwi."
"Kahit kailan talaga OA mo! Gabi agad agad .. alas tres pa lang ng hapon." Nakangiti ngunit seyosong sabi nito.
"Chill chill lang kasi pag minsan." Sabay irap sa kanya.
Napangiti na lang siya. Alam niya kung ano ang ugali ni Cha. Si Cha ay isang propesor din. Ngunit hindi tulad nya general education ang hinahawakan nito samantalang siya major subjects ang hawak. After nyang mag graduate lbilang Doctor of Pharmacy mahigit isang taon na ang nakakaraan ay nakapagturo siya dito mismo sa universidad na kung saan siya nagtapos.
"Maya maya na. Intayin muna natin ang pa ice cream ni Bill." Tukoy nman sa isang kasamahan din nila.
Tyempong iniluwa nman si Bill ng pintuan na may hawak na dalawang malalaking supot. Ibinaba niya ito ng isang bakanteng mesa. "Let's go fellas, let's dig in!" Aya nito sabay kumpas ng kamay.
Halata nito si Bill. Lagi na rin kasing gumagawa ng paraan na magpalipad hangin sa kanya at sa kakaibang importansya na ipinapakita nito. Ngunit hindi magtangka dahil meron itong pinangingilagan. Sino ba ang hindi. Ilang taon na rin niya itong pinangingilagan.
Hinila ni Cha ang kanyang isang kamay na papalapit sa bakanteng mesa na kung saan nakapaligid na rin ang ilan sa mga katrabaho at kaibigan.
Nagulat na lang siya ng agad na iniaabot sa kanya ni Bill ang isang apa ng ice cream. Agad na nagpasalamat. Napangiti siya ng makita ang flavor nito!
Dobleng douche!
Agad bumalik ang alaala ng kahapon ..
" Ganyan kaba talagang kumain ng ice cream? " Tanong sa akin ni Ronn.
"Bakit? Me mali ba?" Sabay tingin ko ke Joy na busing busy sa kanyang ice cream at fries habang napapkanta pa sa pag sabay sa pinakikingan nito sa earphone na nakasaksak sa tenga nito.
Ngumiti si Ronn ng pagka tamis tamis habang sinasabing " Sana ice cream na lang ako!"
Naku... Eto na nman kami! Hindi ko mapigilan ang mga nag lalaro na paro parong na ginugulo angaking tyan! Kinikilig ako! Sheet.... Sinusubukan kong huwag mapangiti.... My gad ang hirap! Kaya tumungo na lang ako.
" Des.. tanungin mo naman ako ng bakit...."Nakanguso niyang ungot. Tao ba itong nasa harap ko?
Hindi ko na napigilang kumawala sa aking mga bibig ang pinipigil kong bungisngis na kanina ko pa pinipigilan.
Napangiti siya at sumeryoso ang mukha.
Wag mong sabihing favorite mo rin yan? Kasi kung favorite mo, tayo na!" Malamyos at halos pabulong niyang sabi.
Nayanig ang buong sistema ko. Nawala ang mga ngiti ko.
"A ...Ano?" Bila kong na lamang nasabi.
Nawala din ang kanyang ngiti at tila natauhan.
"Tayo na, uwi na tayo!' Nakangiwing singit ni Joy.
Tumayo kami at lumabas ng ice cream parlor.
Pag labas ay nagpaalam na si Joy na hihiwalay na. Dun na lamang daw siya sasakay sa kanto at mag iintay ng masasakyan.
Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam. Kumaway naman siya sa amin.
Nang kami na lamang ni Ronn ang naiwan. Nag paalam na rin ako sa kanya na mauuna na ako. Hindi naman siya tumangi o nag salita man lang.Bago ako tumalikod sa kanya nagpasalamat muna ako as libre nya. Walang ekspresyon man lang ang kanyang mukha. Agad akong pumihit at naglakad na palayo. Walking distance lang namn ang layo ng condo na tinutuluyan ko. Kasama ko doon ang girlfriend ng kuya ko. Nag ta trabaho na ito, kaya mamaya pa ang uwi nito sa gabi na, at gustong gusto kong iwasan. Imbis na dumirecho sa condo mas ginusto ko na dumaan muna sa National Bookstore.
Wala naman akong bibilhin. Mas gusto ko lang muna na hindi muna umuwi. Nag tuloy tuloy ako sa mga estante ng libro at duon nag basa basa. Medyo nawili ako ng makakita ako ng mga novels at isa isang inusisa ang mga iyon. Ewan ko ba napapangiti ako habang iniinspekyon ang mga libro na aking nahawakan. Medyo nakaramdam ako ng asiwa sapagkat pakiramdam koy mayroon nakatitig sa akin. Agad akong nag angat ng mukha.
"Ay kabayo!"Sa gulat ay aking nasabi.
"Nasaan?" napapatawang sagot nman ng nka titig sa akin.... si Ronn!
" Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan? Akala ko umuwi kana? Nakalabi kong sabi sa kanya.
"Hindi ba sabi ko sabay tayo kasi hindi ko nga alam ang pauwi." ang tangging sagot nya sa akin.
Eto na nman po kami...."Taga saan ka ba?"tanong ko. "Bakit ihahatid mo ba ako?"ang sagot naman sa akin ng nagpapa cute na lalaking ito,"San ka nga nauwi?" muli kong tanong.
Tiningnan nya lang ako at walang kagatol gatol na sinabing " Sa puso mo nga."
"Ewan ko sa'yo!" Nasusuya kunwari kong sagot. Ngunit may kilig na gustong kumawala sa akin.
"Seryoso.... ihahatid kita. Hindi ako mapapalagay ng hindi ko sure kung naka uwi ka ng safe."Nagulat ako at napamaang.... "Anong nakain mo?
" "Double douch ice cream!" sabay kindat sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi pumayag sa kanyang alok. Maaga pa nman, walang makakakita. Mula noon tuwing uwian sinasabayan na nya akong maglakad pauwi. Inihahatid nya ako hanngang lobby, Saka lang siya aalis kapagka akoy nakapasok na ng elevator.
"Pansit pa Dey!" Napa tanga ako at pilit na ina absorb kung anong sinasabi sa akin ni Bill. "Huh?
" Pansit, mag pansit ka." Natatawa nyang ulit. Napatawa na lang ako. Tatangihan ko sana ng may isang naka polo barong na lalaki ang lumapit sa akin, " Excuse me po. Good afternoon po maam. Inaantay na po kayo sa labas ni Congressman."
Napatigil sa hanggin ang aking ngiti, at tanging tanggo na lang ang aking naisagot. Pinanlamigan ako ng katawan. Agad kong kinuha ang ang aking bag at nag paalam na sa aking mga kasamahan. Mabilis kong tinungo ang parking lot at nakita ko ang isang SUV na kulay itim. Agad binuksan ng lalaking naka barong ang pinto sa likod. Agad akong pumasok at naupo.
Naroon si Nicco at mayroong kausap sa kanyang cellphone. Bahagya na lang niya akong tinapunan ng tingin at patuloy ang pakikipag usap ng umadar na ang sasakyan. Makaraan ang ilan pang minuto. Tinapos na nito ang pakikipag usap at inilagay sa bulsa ng pantalon ang kanyang telepono.
" May event sa bahay ampunan ngaung hapon. Dun tayo pupunta." Tipid nitong paliwanag at muling may kinausap sa telepono.
Naiwan siyang nakatulala. Sanay na siya sa mga ganitong lakad. Biglaan. Kapagka kailangan ni Nicco ang kasama sa mga event at functions nya sa distrito. kailangang kasama siya, ang fiancee ni Congressman Niccolas Gorospe.
Tahimik ang loob ng sasakyan. Maliban sa mahinang music mula sa stereo.Wala silang imikan.Ganito naman sa karaniwan. Magkakaroon lang sila ng pag uusap kapagka may ipapagawa sa kanya at kapagka kasama siya at kailangan nilang makipag usap sa mga tao.
They are engaged to be married since sixteen sila. Magkaibigan ang magulang ni Nicco at ang kanyang lolo at lola. Upang palakasin ang negosyo at pulitika, ipinagkasundo sila.
Bilang pag sunod sa kaniyang mga abuelo, hindi siya tumutol. Sa side naman ni Nicco ay mukhang okay lang din lalot hindi niya ito pinakikialaman sa mga relasyon na meron ito sa kung sino sinong mga babae. Ang tangging pinag papasalamatan nya lang ay hindi siya nito pinag aaksayahan ng panahon. Hanggat ganun ang set up nila, iyon ay kayang pinagpapasalamat.