"There are ceirtain truths that occurs to us, which cannot convey in words, but requires personal experience to grasph more vividly."-Michael Bassey Johnson Sakay na kami ng isa sa mga SUV ni Ronn. Iba ito sa sasakyan na nagdala sa akin sa ospital tatlong araw na ang nakaraan. Na discharge na ako at sinundo ng aking anak. Katabi ko siya sa likod kasama ng ina ni Ronn.Ito ang nag alaga at umalalay sa akin habang naka confined ako. Samantalang si Ronn ay hindi man lang umalis sa kwarto ngunit naka masid lamang sa akin sa may kalayuan. Hindi siya nagtangkang lumapit man lamang. Bakas ko sa kanya ang guilt sa nangyari sa akin. Malungkot siya at matamlay sa mga araw na nagdaan ni hindi man lang ito nag abalang mag ahit kaya bakas ang mga stubles sa kanyang mukha. Hindi rin ito pumasok sa

