"Where there is love, there is pain."-Proverb Nagising ako ng maramdaman ko uli ng pag akyat ng maasim na likido sa aking sikmura, bumangon ako at tumapat sa toilet bowl. Pang ilan na rin ito sa nakaraang ilang oras. Kaya napagpasyahan ko na sa loob na ng CR maglatag ng comforter at isa pa ay hindi ako agad nila ako mapapansin kung ako ay kanilang sisilipin ang kwarto. Hinang hina na ako kaya hindi ko napigilan ang lumuha sa hirap na aking nararamdaman. Nagulat ako ng may humimas sa likod ko. Napapikit ako. Natagpuan niya ako at naabutan sa ganitong sitwasyon. Hinayaan ko lamang siya habang patuloy pa rin ako sa pagsusuka. Nang matapos na ay tumayo ako. Inalalayan niya ako ngunit nadidiri ako s kanyang hawak sa balakang ko. Pagalit ko itong inalis. "Ano ba

