“Hatred paralyzes life; love releases it. Hatred confuses life; love harmonizes it. Hatred darkens life; love illuminates it.”― Martin Luther King, Jr. Nagising akong may maasim na gustong kumawala sa lalamunan ko. Agad akong bumangon at hindi nahirapan makatayo agad. Tulog na tulog si Ronn na nakatalikod sa akin. Iba sa dating nakagawian na na nakadanmtay at naka pulupot sa akin. Dali dali kong tinungo ang banyo at agad na ini lock ang pinto. Doon ay malaya kumawala sa akin ang maasim na likido. Hirap na hirap ako habang nag dududuwal. Pati yata lamang loob ko ay gustong kumawala palabas. Sa kabila ng hirap. Isang realisasyon ang aking napagtanto. Kailan nga ba ang huli kong dalaw? Sa kabila ng hirap na aking dinadanas ay napangiti ako.Ngunit may kahalong lungkot. Bun

