"I 'm not crying because of you; you are not worth it. I am crying because my delusion of who you were where shattered by the truth of who you are."-Steve Maraboli
Nagluluto ako ng breakfast ng bigla na naman akong nakaramdam ng pag susuka. Dumuwal na lamang ako ng dumuwal sa lababo. Nasa ganoong ayos ako ng pumasok sa pinto si Hendrix. Agad niya akong nilapitan at hinagod ang aking likod.
"Hey... your okay?" Sabay abot niya sa akin ng paper towel. Inabot ko iyon at nagpasalamat.
" I'll take you to the hospital." Nag aalala niyang sabi.
Umiling lamang ako.
"Kailangan mo rin namang pumunta ng OB para maalagaan si baby. After breakfast prepare ka, punta na tayo." Puno ng conviction nitong sabi. Mukhang hindi na ako makakatanggi. Kailanga ko rin naman iyon para sa anak ko.
"Okay." Tangi kong nasabi. Nang makaramfdam ako ng ginhawa, hinugasan ko ang lababo at ipinagpatuloy ko ang pag luluto. Inagaw yun ni Hendrix at pinaupo na lamang ako.
"Okay na ako, ako na lang magtatapos niyan." Apela ko. Hindi din ako nanalo at hindi niya ako pinayagan pa.
Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para makapag pa check up. maliit pa naman ang tiyan ko. Hindi pa nga halata. Kaya isinuot ko ang isang shorts at isang spageti blouse na kulay orange, medyo maluwag ito. Kasama ito sa laman ilang paper bag na inabot niya sa akin kagabi. Pasalubong ko daw. Natuwa naman ako. Para akong bata na may pasalubong. Nakakita din ako ng ilang pirasong lipstick at maliit na kahon ng make up. Ginamit ko iyon, nakikita ko noon si Cha habang naglalagay kaya ginaya ko na lamang sa pagkaka tanda ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na si Hendrix sa sala na inaabangan ang paglabas ko. Tumayo siya at nagpa tiunang lumabas. Sumunod na lamang ako. Sa parking lot kami dumirecho, sinundan ko lang siya hanggang makarating siya sa parking space nya. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kanyang kulay orange na Ford Escape.
Nakarating kami sa ospital pagkaraan ng kulang isang oras. Nagtanong siya sa information, at tinuro naman kami sa direksyon kung nasaan ang mga clinic. Naglakad kami na nakahapit ang kamay niya sa baywang ko. Nang marating namin ang clinic ng OB ay pinaupo niya muna ako sa waiting area at siya na muna ang pumasok sa loob ng clinic upang makapag lista. Maya maya ay lumabas na siya at naupo sa tabi ko. Hindi nagtagal ay tinawag na si Pia Sorriano. Hindi ako kumikilos, kaya tumayo na siya at inalalayan akong papasok.
Masaya kaming binati ng nurse. Itinuro ang timbangan at kinuha ang aking timbang, ganoon din ang aking blood preasure. Tinanong din ako kung kailan ang huling menstration ko at isinulat niya iyon sa isang index card. Nang lumabas ang isang babaeng buntis ay pinapasok na kami sa loob. Isang nakangiting babaeng doktor ang aking nakita, magalang kaming binati at kinamusta. May ilang mga itinanong sa akin, pagkatapos ay pinapasok ako sa isang bahagi ng klinica upang makapag palit ng hospital gown. Inalalayan ako ng kanyang assistant at pina higa sa isang examination bed. Pinapasok si "Daddy." Hinawakan ni Hendrix ang malamig kong kamay. Pumuwesto ang doktora sa may paanan at inexplain ang gagawing procedure. Transvi ang gagamiting ultra sound sapagkat maliit pa masyado ang aking baby. Medyo nagulat ako sa kakaibang naramdaman ko ng kanya nang simulan ang pag examin sa akin. Rumehistro ang imahe ng anak ko sa monitor. Maliit pa lamang at hindi pa wangis tao. Pero tumitibok ang puso."Nagpapalaki pa lamang daw. "
Matapos ang eksamination ay tinulungan uli ako ng assistant na mag palit ng damit. Kinausap uli kami ng doktor at niresetahan ng mga kailangang vitamins para sa amin ng anak ko. Sinabi nito ang mga maari at hindi maaari.Hindi ko na masyadong naintindihan sapagkat na excite ako masyado ng makita ko ang aking anak. Sinabihan kami na kinakailangan naming bumalik buwan buwan upang maalagaan kaming mag ina ng husto. Binili lahat ni Hendrix ang mga kailangan kong gamot sa loob ng isang buwan, ganun din ang professional fee. Hinawakan uli niya ako sa aking balakang at sabay kaming lumabas ng clinic upang makabalik sa kanyang sasakyan. Pagka sakay niya at akmang aalis na ay sinabihan ko siyang idaan sa may ATM machine at mag wiwidraw ako mula sa saving ko upang palitan ang kanyang nagastos. Ngunit ngumiti lang siya at sinabi na ilista na lamang daw muna. Bauayan na lamang pag may trabaho na ako.
Sa kada limang araw ay nasa trabaho siya, minsan na eextend ng ilang araw. Naka bakasyon din siya ng tatlo hanggang apat na araw. Halos ganoon ang routine namin dalawa. At buwan buwan ay lumalabas lang kami kapagka mag papa check up ako. Habang lumalaki ang tiyan ko ay uti uti naman nawawala ang morning sickness ko.Hindi na bumalik pa sa bahay si Carla, ganoon din si Jonathan. Hindi na rin nila mabubuksan at makakapsok dahil iniba na ni Henedrix ang passcode nito. Kapag may lipad si Hendrix, tumatawag ito uoang i check ako. Para kaming totoong mag asawa sa aspetong iyon. At siya ang ama ng aking anak kung paano niya lami alagaang mag ina.
Mabilis na lumipas ang anim na buwan. Medyo hirap na rin akong mag kikilos dahil bumibigat na ang aking tiyan, bumigat na rin ang aking timbang. Paano ba namang hindi, tuwang tuwa sa akin si Hendrix at palaging may dalang pagkain. Sa panahong inilagi ko sa poder niya, masasabi kong masyado kaming naging close sa isat isa. Ika walong buwan na ang tiyan ko. Nag aala na rin siya dahil palagi akong mag isa sa bahay at malapit na akong manganak. Linggo lingo na rin ang aking check up.Binabalak na rin niya na mag file ng leave sa trabaho para daw may makasama ako.Mariin ko yung tinutulan, masyado na akong nakaka abala sa kanya pati ba naman trabaho niya ay maiistorbo sa akin. Ni isang kusing ay hindi niya ako pinapayagang maglabas,
Nakasuot ako ng isang kulay asul na sleveless maternity dress. Siya rin ang bumili nito. Sa araw na ito ay muli kaming nag punta sa OB ko upang magpa check up. Ngayon din ang araw na napag pasyahan ko para malaman ang gender ng anak ko. Dapat ay noong pang ika lima o anim na buwan, ngunit sabi ko pag malapit na akong manganak..
"Congratulations, babae ang baby no!" Masayang bati sa amin ng doktor. Sa ultrasound ay kita na halos ang kabuuan ni baby. Hindi ko napigil na hindi maluha. Sandali na lamanag at makikita ko na ang aking anak. Nang lingunin ko si Hendrix ay napansin kong nagpupunas din ito ng luha.Napangiti ako. Siguro ay ganoon din ang magiging reaksyon ni Ronn kung siya ang kasama ko dito.
Nang matapos ang check up ay niyaya ako ni Hendrix sa mall upang mamili ng mga kailangan ni baby sa kanyang paglabas. nauti uti na ni Hendrix ang mga gamit. Excited pa ito sa akin at sa tuwing uuwi ay mga gamit ni baby ang pasalubong sa akin. Damit na lang talaga ang kulang dahil hindi nga namin alam pa kung ano ang kasarian nito.
Tumuloy kami sa isang store na puro pang baby ang tinda.Namili kami ng damit na kakailanganin ni baby, nakakita ako ng isang naka dispay, ipinababa ko iyon sa sales lady n itinuro rin ito ng isang buntis. Napatingin ako sa kanya. Napangiti ako. Kilala ko ang buntis na ito.
" Joy?" Tawag kong nakangiti,
"Yes po. Do I know you?" Sabi niyang kinikilala ako.
"Si Dey," sabi ko. "Kamusta? Si Ronn nagkikita pa ba kayo?" Hindi ko mapigilang magtanong.
"O ikaw pala yan! Mabuti naman, eto kita mo, seven months na ito, asawa ko si Ronn." Para akong sinaksak ng isang daang kutsilyo sa aking narinig. Nginit hindi ako nagpahalata. Umaasa na sisigaw siya maya maya lang ng "Its a prank!"
"Hanggang ngayon ba ay nag iilusyon ka sa asawa ko? Akala mo babalikan ka... duh... nagkakamali ka. Ginagantihan ka lamang noon. Pinaramdam lang niya sa iyo ang sakit na pinaramdam mo sa kanya noon!" Sabi nito. Hindi ako makapasalita o makapag react sa pagkabigla sa aking narinig. Tumigil ang kanyang mga mata sa naka umbok kong tiyan.
"Huwag mong sasabihing ipapa ako mo ang anak mo sa asawa ko! mahiya ka naman!Maawa ka naman kahit konti sa sarili mo. Hindi ka man lang nakahalata!" Galit niyang sabi.
Para akong na estatwa sa aking pagkakatayo. Hindi man lang ako nakapag salita. "Excuse me... I am sorry if the action of my wife lead you to that. You see, pinaglihihan lang ng asawa ko ang asawa mo kaya gustong gusto niya itong makita noon, and until now, may weird cravings pa rin siya." Paliwanag nito.
"Who are you?" Muang na tanong ni Joy.
"Oh.. sorry. Capt Sorriano po." sabay lahad nya ng kamay upang makipag hand shake na tinangap naman ni Joy.
"Kung ako sa iyo Captain, bantayan mo yang asawa mo. Kinalantare niya ang asawa ko." Madiin sabi nito.
"You have problem with my wife? You have problem with me also. You're referring sa instance sa Palawan. I am there. Hindi ko alam kung anong sinabi sa iyo misis ng asawa mo, but definitely I am there with my wife." Sabi nito.
"Pathetic!" Yun na lang ang nasabi ni Joy habang tinalikuran kami at umalis.
Hinila na ako ni Hendrix . Binayaran na ang pinamili namin at tinungo namin ang parking lot. Hindi ko alam kung pansin nya na ang tuhod ko ay nangngatog at pinipigil ko na huwag tumulo ang aking luha.Inalalayan niya ako. Halos hindi ako makalagad sa bigat ng dala ko sa aking dibdib.
Inalalayan niya akong makapasok at maka upo sa unahan. Walang imik na sinuot niya ang seatbelt sa akin. Pagkasara nya ng pinto ko ay bumalon na ang luha ko.Pagkapasok nyaat pagkaupo sa driver side ay hinila niya ako at niyakap. Humahagulgol ako sa awa sa sarili ko. Sobrang sakit. Okay na e, sapat na sa akin na mahalin ko lang siya noon. Tinanggap ko na hindi kami para sa isat isa at hinayaan na lamang mabuhay kasama ng aming masasayang ala ala nung collge. Bakit pa niya dinuktungan, bakit pa niya ako pinangakuan.... bakit pa niya ako pina asa. Napakasakit akala ko may pag asa na magkaroon ng ama at buong pamilya ang aking anak. Pagmamahal na maibibigay ng magulang, Ayaw ko na maranasan niya ang naranasan ko lumaking walang nagmamahal. Ang masakit pa, may asawa na siya. Ginawa niya akong kabit. Ang anak ko, ginawa niyang kaawa awa, Kung sa akin siya galit, dapat sa akin lang....
"Niloko niya ako... niloko niya ako!" Parang batang sumbong ko kay Hendrix. Nakaakap lang siya sa akin. Tila pinararamdam lang sa akin na nariyan lang siya para sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal. Basta ang alam ko mas magaang ngayon kumpara noong una, dahil ramdam ko na hindi ako nag iisa. Mayroon akong karamay.
Bumitaw siya sa pagkaka yakap. Inabot nya ang tissue sa dashboard. Ipinunas niya sa aking mukha. Inabot din niya ang isang bote ng bottled water, at ipina inom sa akin. Para akong bata na sunod sunuran sa ginagawa niya.
"Okay, that's enough. Hindi maganda yan para sa baby natin, nararamdaman niya yan." Sabi niya habang nakahawak sa aking mukha. Tumango lang ako at pilit na iwinawaglit sa isip ang mga natuklasan ko ngayong araw.
Nag drive lamang si Hendrix at hindi nagsasalita pero panay ang sulyap sa akin.Nakatingin lang ako sa bintana at nakatulala. Inuutusan ko ang sarili na huwag ng mag isip pa ng kahit na ano patungkol sa lalaking iyon. Mas lalong kaawa awa ang aking anak kapag nalaman niya na walang kwenta ang kanyang ama.
Sinayang ko ang panahon ko sa isang manloloko.Sinayang ko ang mga luha ko sa isang taong tangging paghihiganti lamang ang nalalaman.Sinayang ko ang pagmamahal ko sa isang taong makasarili, sarili lamang ang mahalaga at hindi ang damdamin ng kanyang kapwa.
Hindi ba niya alam na hindi ko sinadya ang lahat ng iyon. Kung nasaktan ko siya ng hindi ako sumama sa kanya, mas doble ang naramdaman kong sakit noon.
Ronn ang lupit mo... hindi ka man lang naawa!