"If everything was perfect, you will never learn and you will never grow"- Beyonce
Habang dumaan ang araw napapansin ko na pahirap ng pahirap ang pag bubuntis ko. Hirap na akong bumangon sa umaga at ang morning sickness ko ay nagdudulot sa akin ng panghihina. Nagising ako ng maaga kinabukasan dahil na naman sa morning sickness ko. Inilabas ko na lang siya ng inilabas hanggang sa tuluyang wala ng mapait akong nararamdaman.Lumabas ako ng kwarto at nagtimpla ng gatas. Dinala ko ito sa sofa at binuksan ang TV. Mag aalas onse na pala.Kumakalam ang sikmura ko kaya bumalik ako sa kusina at kumuha ng tinapay. Hindi pala ako nakapag dinner kagabi dahil maaga akong nakatulog. Pagbalik ko sa sala ay napansin ko na nag vivibrate ang cellphone na binigay sa akin ni Hendrix kahapon bago siya umalis. naka silent pala ito. babaguhin ko nga mamaya ang setting.
"Hello."Sagot ko
" Hello Pi! Good morning!"Bati niya. "Kamusta kayo ni baby?" Malambing niyang pangangamusta. Parang may dumaang init sa aking puso sa pagpakita niya ng concern.
"Oy, mabuti naman. Ikaw kamusta flight mo? Tanong ko.
"Okay naman, baka pala mag extend ako, hindi lang five days akong mawawala. Will you be okay?" Dama ko ang pag aala ala niya.
"Oo naman.Maraming pagkain. Aabot iyon." Nakangiti kong sagot.
"Yung bilin ko sa iyo, wag mong bubuksan ang pinto, huwag kang lalabas."Muling paalala nya.
"Aye, aye captain!" Biro kong sagot.
Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.
"Sige na, tutulog na ako, daling araw dito."Paalam niya. At pinutol niya ang linya.
Muli kong inimom ang gatas at inubos ang tinapay na kinakain ko. Nahiga ako sa sofa habang nanunuod ng TV. Nakalimot ako at nakatulog.Hindi ko alam kung gaano kahaba ang aking pagtulog ng ako ay nagising sa tunog ng doorbell. Paulit ulit na akala mo ay naiinis na ang napindot. Naalala ko ang biling ni Hendrix na huwang magbubukas ng pinto, Kaya hindi ko na lamang ito pinansin hanggang sa nawala na lamang ito.
Kinuha ko sa center table ang nakapatong na cellphone at inadjust ko ang setting. Inalis ko yun sa silent upang marinig ko kung tatawag uli si Hendrix. Nakaka miss din ang taong iyon pati ang amoy nito. Mahirap pa lang mag isa, nakaka inip. Tumayo akoat nagluto na ng hapunan ko kahit alas kwatro pa lamang. Hindi ako magbubukas ng ilaw para hindi matanaw ng ibang unit na katapat na may tao dito. Kaya maaga akong kakain at manunuod na lamang ng korean drama sa aking phone.
Ganoon ang routine ko sa nagdaang mahigit isang linggong. Andoon pa rin ang morning sickness, hirap pa rin akong bumagon at tamad na tamad ako. Nagagawa ko pa naman ang pag lilinis at paglalaba. Konti lang naman ang linisin at damit ko lang naman ang aking lalabhan. Ang pagluluto ay kinakatamaran ko rin, maliban sa pagluluto ng bugger patties upang gawin kong burger. Sa burger talaga ako nag lilihi.Yung hinubad ni Hendrix na damit bago umalis ay hindi ko nilabhan, gusto ko talaga ang amoy nito akap akap ko pa iyon kapag akoy nakahiga at ina amoy amoy. Pinag lilihinan ko pa yata yung tao. Tumatawag din siya pag may pagkakataon upan mangamusta. Nawala na rin ang pamamaga at ang pasa ko sa mukha. Lampas dalawang linggo na mula noong araw na binugbog ako ni Nicco. Nabalitaan ko rin sa news na nakalabas na si lolo sa ospital, nagka heart attack siya ng malaman na ako ay dinukot at ngayon nga ay sobrang nag aala ala sa lalagayan ko. Napangiti ako.. Talagang nag stick sila sa kwentong iyon.
Naligo ako sa banyo sa may kusina. Nakita ko ang electric raizor ni Hendrix. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Kinuha ko ang raizor at ginamit iyon upang ahitin ang aking buhok. Nakatingin lang ako sa salamin habang ginagawa iyon, pinapanuod na malaglag ang mahaba kong buhok Hindi ko naman sinatsat pero umikli iyon, parang gupit panlalaki. Pinanuod ko ang sarili ko sa salamin. naiba ng bahagya ang itsura ko. Parang nagmukha akong moderno katulad ng nakikita ko sa mga magazines. Subukan ko kayang gumamit ng make up upang mas maiba ang itsura ni Pi kay Dey. Nag mental note ako na mag paalam kay Hendrix na mag order sa online shop. Nilinis ko ang pinag gupitan ko. Itinapon ko ang buhok sa trash can matapos na ibalot ito sa isang papel na supot. Naligo ako pagkatapos. Sinuot ko ang aking shorts na suot ko ng tumakas ako. Tinernuhan ko ito ng t-shirt ni Hendrix na ibinigay niya sa akin. Muli kong sinipat sa salamin ang istsura ko, napangiti ako, Para akong ibang tao. Hindi ko halos makilala ang sarili ko.
Kinakain ko ang niluto kong burger sa harap ng TV, Namamapak din ako ng mansanas na isinasawsak ko sa asin nang marinig ko na may napitdot ng kombinasyon ng pass code. Napatingin ako sa pinto at napangiti. Kagabi ay sinabi ni Hendrix na papunta na siyang airport at pauwi na ang byahe nila. Tinanong pa niya ako ng gusto kong pasalubong na agad ko namang tinangihan. Nakakahiya na masyado doon sa tao.
Inintay ko na iluwa si Hendrix ng pinto, ngunit nanigas ako sa aking kina uupuan ng makita ko at marinig ang isang babae at isang lalaki na nag tatalo.
"Happy? Sabi sa iyo wala dito ang pinsan ko!" Sabi noong lalaki.
"Hindi pa nga natin nakikita ang loob..." napatigil ang babae sa pag sasalita ng makita niya ako.
Tumayo ako at kinabahan. Baka makilala ako mula doon sa picture na ipinakita doon sa news na larawan ng fiancee ng congressman na dinukot. Naglakas loob ako, hindi naman ako yun, ako si Pi, asawa ni Capt. Sorriano! Yun ang bilin nya, "stick with our story." Humugot ako ng malalim na hininga.
"Sino kayo?' Pilit kong pinatapang ang aking boses habang tumatayo.
"Ikaw sino ka?" Mataray na tanong nung babae habang lumalapit sa akin at nanunukat.
Tinaasan ko siya ng kilay. Wala akong dapat pangilagan, ang sabi ni Hendrix ay wala siyang serious relationship, one night stand at flings lang. Yung lalaki ang mukhang nakaka alam ng passcode base na rin sa sinasabi nito pagpasok, pinsan siya ng may ari ng unit. Tinitigan ko rin siya katulad ng titig niya.
"Ako ang unang nagtanong.Kayo ang pumasok.Hindi ba dapat kayo ang unang magpakilala?" Matapang kong sabi. Mukhang nakapuntos naman ako, kita ko ang paglunok nung babae. Hindi ko inaalis sa kanya ang aking paningin.
"Si Hendrix, nasan siya?" Mataray niyang sabi sa akin hanag bumababa at tumataas ang kanyang paningin sa kabuuan ko. Napangiti ako.
"Sino ka nga? Pag hindi ka sunagot ay tatawag ako ng security!' Matapang kong banta. Sabay dampot sa phone ko.
"Girlfriend niya!" Nakangisi niyang sabi na nakatitig pinag aaralan pa ang itsura ko.
"Oh... girlfriend bakit hinahanap ang boyfriend?" Sarcastic kong sabi at binigyan pa ng diin ang salitang boyfriend.
" Ano bang paki alam mo? Sino ka ba? Kung inaakala mo na maagaw mo sa akin si Hendrix nagkakamali ka!" Patuloy na pagtataray nito.
"Hindi ako naniniwala sa iyo... " Medyo lumayo ako sa kanya, mahirap na baka masabunutan ako nito, sabi ko sa isip. Ngunit hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. "Kung girlfriend ka bakit dito mo siya hinahanap? Hindi mo alam schedule nya... so pano ka magiing girlfriend? Nang iinis kong sabi.
"Aba... gusto mong masampal...." naputol ang sasabihin nya at pareho kaming napatingin sa pinto.
"Pi?...." Si Hendrix Nakatingin sa aming dalawa. Naninigurado yata kung ako talaga si Pi.
Nagmatcha ako papunta sa kanya. Ipinulupot ko ang aking mga lamay sa likod nya at inilubog ko ang aking mukha sa dibdib niya. s**t ang bango bango!
"Hey, ..miss me? I miss you too, babe!"Sabi niyang umakap din sa skin.
"Bro, andito pala kayo? Pansin nya doon sa lalaki na kasama nung babae. Nang nala yakap pa rin sa akin.
"Etong si Carla e. kinukulit ako last week pa ayaw akong tigilan. " Pagpapaliwanag nito.
Naramdaman ko na inihaharap ako ni Drix. Natatawa siya sa akin dahil halos ayaw kong kumilos.
"Pi, ano ba talagang na miss mo, ako o yung amoy ko?" Tumingin siya ng natatawa sa akin. Bro, Carla, meet Pi, my wife." Pakilala niya sa akin.
Napansin ko ang pag singhap ng babae. E di ano ka ngayon.Natatawang sabi ko sa isip.
"Hi baby... daddy's here. Did you give your mom a hard time?" Hinawakan ni Hendrix ang tyan ko at hinaplos hapalos.
" Babe, si Jonathan pinsan ko. Si Carla kaibigan ko." Pakilala niya.
"Hi, nice to meet you both." Sabi ko na parang tinatamad.
"Kumain kana? May bake mac diyan." Alok ko.
"Wow, my garlic bread? Na miss ko rin..." Lambing nya. Tumango ako.
"Paghahain kita pati bisita mo." Sabi ko at bumitaw na sa kanya papuntang kusina. sinulyapan ko ang babae. Nakatayo lang at hindi makapag salita. Yung lalaki naman ay naupo na lamang ng kusa. Nadinig ko ang pangangamusta niya sa dalawa at tinatanong nya kung bakit napa bisita.Hindi ko na narinig pa ang isinagot ng babae. Ngunit napansin ko ang paglipat nito sa kina uupuan ni Hendrix.
"Babe, may pasalubong akong burger mo." Napansin marahil ang naka patong pang burger sa mesa.
"Paki lagay na lang diyan, mamaya ko kakainin." Sagot ko habang inilalagay ang mga pingan at pagkain sa tray.
"What's this? Apple and salt?" amused niyang puna doon sa kinakain ko."Hindi ka nagbilin babe, buti may dala ako." sabi pa nito. Ovious na ayaw nyang kausapin yung babae.
Nakaupo ang dalawa ni Hendrix at Carla sa mahabang sofa at yung Jonathan naman ay sa solong sofa at nakikinig laman. Ipinatong ko ang tray at inihain s center table ang bake mac, garlic bread at ang platito kasama ang tinidor.
"Wag mong kakainin yan babe, aantukin ka." Biro ko sa kanya. Bumalik ako sa kusina upang kunin ang pitsel ng juice at mga baso. Nagsimula ng magsalita ang babae. Hindi alintana kung anong natuklasan niya kanina. At nag sisimula siyang pumulupot. Tumikhim ako at tumabi ng upo kay Hendrix. Pinulupot niya ang kamay sa balikat ko at hinatak ako. Hindi naman ako tumutol.
"Baka naman pinapagod mo ang sarili mo babe?" Pagbabale wala nito sa sinasabi nung babae.
"Hindi, sabi mo kasi ngayon ang dating mo kaya nagluto ako." Sabi ko.
"Sweet naman ng babe ko." sagot niya.
"Finally, nakikita ko na uli ang pinsan ko!" Agaw pansin na pagkakasabi ng pinsan niyang si Jonathan.
"Kain na kayo." alok ko sa dalawa.
"What's brought you here Carla?" Walang emosyong tanong ni Hendrix.
"Are you sure, you want me to discuss it infront of her?" tanong nito.
"Why not? I dont keep secret from her. Kilala ka rin niya Carla." walang buhay na sabi nito.
Ngumiti lang ako ng pagkatamis tamis.
" Masarap tong bake mac mo girl." Ang tanging nasabi nito.
Pagkakain ay nagpaalam na si Carla at kahit ayaw pang umalis nung si Jonathan ay napilitan ito dahil sa sobrang kulit nung si Carla.
Nililigpit ko ang aming pinagkainan ng biglang magsalita si Hendrix.
"See.. yan ang sinasabi kong matutulungan mo ako." makahulugan niyang sabi.
"Nakaka enjoy pala yun." Tangging nasabi ko.
" Kamusta ka naman? Akala ko namali ako ng pasok kanina. Lumabas na ang mukha mo e, anong ginawa mo sa buhok mo?" si Hendrix.
"Ginupit ko para maiba naman." tipid kong sabi.
"Bagay sa iyo." sabi nito.
Pinaltan ni Hendrix ang passcode niya. Sinigurado niya hindi na mauulit yung kanina na may biglang na lang nakapasok.