Chapter 21 First Step

1817 Words
"Take the first step in faith. You dont have to see the whole staircase, just take the first step."-Martin Luther King Jr.      Tulad ng nagdaang araw, nagising akong naduduwal at masama na naman ang pakiramdam. Nagtagal ako sa banyo dahil sa hindi matapos tapos na pagwawala ng aking sikmura.Nang tumigil na ay nagdisisyon akong maligo na rin upang mawala ang bigat ng aking paki ramdam.       Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong magbihis. At muli nag iisa na naman ako. Hindi ko na namalayan ang pag uwi niya kagabi, Maaga akong nakatulog.Nagbabawi yata ako ng lakas. naalala ko ang biling niya sa breakfast. Garlic bread at pasta. Tiningnan ko ang cabinet sa kitchen at naghanap ng available pasta. Nagulat ako at marami siyang stock at ibat ibang klase pa. Maaaring favorite nya ang pasta. Kung ang pagbabatayan ay angdami ng supply, masasabi ko na hilig nito ang Itallian. Pinili ko ang lasagna. sinilulan kong kumuha ng sangkap at nagsimulang magluto. Habang iniintay kong maluto ay nag timpla na ako ng gatas ko at sinisimulang inumin ito. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko nitong nagdaang araw. Ramdam ko ang kalayaan kahit narito lang ako sa loob ng condo unit na ito. Mas malaya pa ang aking pakiramdam kumpara ng nagdaang mga araw. Bumuntong hininga ako. Naisp ko muli ang ama ng aking anak... Kamusta na kaya siya?      Naputol ang aking  pag iisip ng tumunog ang oven.Hudya na luto na ang aking lasagna. tapos ko na ring maluto ang garlic bread. Marahil ay nag jojogging pa si Hendrix.Maaga pa naman, sabay tingin ko sa wall clock. Mag aalas otso pa lamang.      Kumatok ako sa kanyang karto. Nagbabaka sakali na may tao. Nakakahiya naman a papasok ako bigla ng walang abiso tapos may tao pala.Dala ko ang vacum cleaner upang maglinis na rin. Nang walang sumagot ay binuksan ko na ang pinto. Wala namang tao kaya nag linis na lang ako.Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa silid na ito. Ang una ay noong unang dating ko, naghahanap ako ng damit na maaring isuot. Kumpara ngayon, mas magulo ang ang kabuuan nito ngayon. Inipon ko ang mga damit na nakatambak sa isang tabi. Inamoy ko iyon upang malaman kung ito ba ay malinis. Inihiwalay ko ang marumi at tiniklop naman ng maayos ang malinis. Nakakalat din sa sahig ang maleta na bukas ngunit hindi man lang pinag aksayahang isara at itayo, Naupo ako sa sahig upang ayusin lahat iyon. Bumukas bigla ang pinto at nagulat ako at napatingin sa direksyon ng pinto. Iniluwa noon si Hendrix. Basa ng pawis ang kanyang buhok, ganoon din ang kanyang damit pang itaas  na humahakab sa kanyang matipunong dibdib. Nabigla din siya ng ako ay makitamg nakasalampak sa sahig.      "Sorry, nag aayos lang." Namumula marahil ang aking paga at puno pa rin ng pasang mukha.Napatungo ako.      "Its allright." Sabi nya.      Asiwa ako na nasa isang kwarto kasama ng isang lalaki. Hindi lang dahil hindi ako sanay, kundi naghahatid pa rin ng takot ang experience ko kay Nicco ilang araw pa lamang ang nakakaraan.Tumayo ako at binitbit ko ang ang marurumi niyang damit, pati ang vacum upang lumabas na ng silid upang bigyan siya ng privacy.      "Lalabas na ako." Sabi kong may pagmamadali.      Tiningnan lang niya ako at hindi na nagsalita pa. Tumuloy ako sa laundry area. Karatig lang iyon ng kusina at may malapit na double door at pag binuksan ay may maliit na balkon doon. Karatid din iyon ng living room na mabubuksan din  sa kabilang bahagi. Isinalang ko ang kanyang mga puti. Automatic naman iyon, kaya maaring iwanan. Hinarap ko ang paghahain sa mesa ng mapansin kong nakalabas na siya ng kanyang kwarto. Basa ang buhok nito at mukhang naka shower na.      "Breakfast na." Aya ko sa kanya. Agad naman siyang nagpa unlak at naupo na. Iginawa ko siya ng kape at iniabot yun sa kanya.      "Thank you," Pasasalamat niya. " The lasagna is superb! puri nito. Napangiti lang ako.Umupo na rin ako at kumain kasabay niya.      "Whats your plan?" tanong nito.     " Can I stay here for some more time hanggang makahanap ako ng trabaho." Paki usap ko.      Tumigil siya sa pagkain at saka tumitig sa akin.      "Dont get me wrong. You can stay here as long as you want. Dont worry harmless ako." Nakangiti niyang sabi. "Actually, your doing me a favor. Your giving an opportunity to forgive my self. Makahulugan niyang sabi. Napatingin na lang ako sa kanya.      " My fiance was kidnapped, r***d and murdered. I wasnt there to help her," Mangiyak ngiyak nyang sabi. " I am able to help you, you gave me a chance to do something na hindi ko nagawa sa kanya. I could have been a father. I know she was late on her period...." And he breaks down.Pinabayaan ko lang siya na ibuhos ang mga luha. Sumasakit ang puso ko para sa kanya.      "Sorry..." makaraan ang mahabang saglit.      "No, its okay." sabi ko."Sorry to hear that." dagdag ko. Baka kahit sa simpleng salitang iyon ay mapagaang ko ang dalahin niya.      "Just let me help you. I will take care of both of you. In that was mapapatawad ko ang sarili ko dahil wala akong nagawa para sa kanya." paki usap pa niya.      "I am just worried, baka kasi maka apekto ang  presence ko in the long run sa status mo." My honest opinion.     "Just let me until the father comes and I will hand you over. Gusto ko lang makasigurong safe kayo."      Na realized kong tama siya. Kahit na gumaling ang mukha ko delikado pa rin para sa akin na lumabas lalot lalaki na ang tyan ko in no time at mahihirapan na akong ipagtangol ang aking sarili.      "I need to find a job. Yung work from home lang. May nabanggit sa akin noon si Von." Sabi ko sa kanya.      "That's good." Sagot niya. "Pero hindi pa sila maaring contakin ngayon. They must be under surveillance. Kabilin bilinan nila yun."Paliwanag niya.      Napabuntong hininga ako. Nag alala para sa mga kaibigan ko."Are they okay?"      "Mukha naman. Dont worry."Pag bibigay niya ng assurance.       "I'll be flying on the other day. Mga five days akong mawawala.Tingnan natin kung okay na yang mukha mo by then, samahan kita sa OB. Siyempre magmumukha tayong mag asawa.Huwag ka sanang maiilang.Hindi natin pedeng gamitin ang true identity mo, pati ung April Sorriano. Mayroon may ari noon. Can I call you Pi, Pia Sorriano, my wife" Seryosong sabi niya.      "What?" Nabigla kong sagot. "Paano girlfriend mo? Baka makasira sa iyo."Nag aalala kong sabi.      "I dont have serious relationship since I lost her. Puro one stand, flings. No need to worry."Sagot niya.      "From now on, I will call you Pi, okay Pi? nakangiti niyang sagot.     "Okay, Rix. Salamat." Matapat kong sabi. Salamat sa taong ito.        Masayang kasama at kausap si Hendrix. Nakaramdam ako ng connection sa aming dalawa. Siguro dahil pareho kami ng level kung mag mahal. Pareho kaming nasaktan ng iisang tao. Pareho kaming bumabangon.      Palagi siyang may request kung ano ang gusto niya. Basta sa umaga pasta ang gusto. Yung natitira sa breakfast namin at kinakain namin sa snack. Sa gabi naman nagpapa luto ng chips at pinapapak namin habang nanunuod ng TV. Sa dalawang araw ay nawala ang pagka asiwa at space na namamagitan sa amin noong una.       Pinapagalitan niya ako pag lagi akong nagawa ng gawaing bahay.Naiinip ako pangangatwiran ko.       "Hindi ba dapat, laging tulog ang buntis?" Tanong niya.      "Hindi, kailangan nyang gumawa para hindi siya mainip." nakangiti kong sagot.       Papalabasin namin na ako Pia Sorriano, asawa niya at siya ang ama ng ipinag bubuntis ko bilang bahagi ng aking disguise. Walang maghahap sa akin bilang si Pia at asawa ng isang piloto.kailangan kong ibahin din ang istura ko upang maiba sa pagkatao ni Dey.      Napakabuti ng taong ni Hendrix. Maswerte si Yvonne. Sayang nga lamang at pinag daanan niya ang ganoong trahedya.      Naiisip ko pa rin si Ronn, Katulad ng pag iisip ko sa kanya sa lumipas na anim na  taon. Ang pagkakaiba lamang ngayon ay wala ng kasamang luha at kalungkutan. Two years lang, babalik na siya. mabilis na rin naman iyon. Sa panahon na iyon ay isang taong gulang na ang aming anak. Napahawak  akong nakangiti sa aking flat pa na tiyan. Looking forward sa araw na iyon na magkakasama na kaming tatlo. Ang mga isipin iyon ay nagbibigay sa akin ng pag asa at lakas ng loob.      Pinalantsa ko at maingat na tiniklop ang mga damit niya na aking nilabhan. Nag hahanda na siya ng bagahe na dadalhin sa lipad nya mamayang gabi ng lumapit siya at ini abot sa akin ang isang cellphone. Napatingin lang ako sa kanya ng may pagtatanong.      "Kunin mo Pi, Pinaglumaan ko yan, binilhan ko na rin yan ng new simcard. Para may means of communication tayo. Pag dating ko ng Frankfurt tatawagan kita para i check kayong mag ina." Paliwanag niya.      "Salamat." Sabi ko.       Kinuha nya ang mga naplantsa ko at pumasok uli sa kanyang kwarto. Inayos ko naman ang pinag gawan ko. Nakaramdam ako ng hilo, kya naupo agad ako sa sofa.      "Baby, pinahihirapan mo na naman ako." Bulong ko.Hinihila rin ako ng matinding antok. At Pumukit ako.      Mag aala singko ng naalimpungatan ako sa mahihinang tapik ng aking braso. Nag light na ang mga pasa doon kaya hindi na masakit.      "Pi, alis na ako." Bulong ni Hendrix. Napabalikwas ako.      "kumain ka muna, mag hahanda ako." Tatayo ako para ipaghanda siya nang pinigilan niya ako.      "Huwag na. Busog pa ako. Inubos ko kanina yung macaroni salad sa fridge. Hindi kita tinirhan, ang sarap ng pagkakatimpla mo e." Nakangiti siyang kumindat." Magluto ka na lang ha, sorry! sabay taas ng kanyang kamay at nag peace sign.      "Sa 'yo naman talaga yun." Sagot kong natatawa. Ang cute niya.      "May burger patties s freezer, marami akong binili, mahirap magutom si baby." Bilin niya. "Huwag kang magbubukas ng pinto, kahit mag doorbell. Pretend na walang tao. wala akong ine expect na bisita. Mga close relatives ko lng ang may alam ng passcode, pero magbibilin na rin ako sa baba na walang tatangaping bisita. Huwag kang lalabas. All you need is all here okay? In case may matigas ang ulo at may makapasok na alam ang passcode. Stick to our story, okay Pi? Mahaba niyang bilin.      "Okay. Mag iingat ka." Bilin ko.      "Always naman." At kumindat siya sa akin."May gusto ba si Buntis na pasalubong? O si baby? Habol niyang tanong.      Umiling lang ako at ngumiti.      "I'll be home in five days." sabi niya bago sumara ang pinto at narinig kong nag lock iyon.                             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD