Chapter 18 Beginning

1775 Words
"No matter hard the past is, you can always begin again."- Buddha      Mahapdi man na tamaan ng tubig mula sa shower ang aking mukha, ay walang kwenta yun sa aking pinagdaana sa nadaraang gabi. Naka ukit sa kaibuturan ko ang sakit na naranasan ko sa bawat salita at pag ang pananakit ni Nicco. Oo dapat nga siyang magalit at dinungisan ko ang kanyang pangalan, ngunit  alam niya na walang pagmamal  na namamagitan sa aming dalawa. Kung tintrato nya sana ako ng maganda. Maaring sa loob ng anin na taon na iyon ay napamahal na siya sa akin, lalo na nung mga panahon na nangungulila ako kay Ronn. Bumuntong hininga ako. Patuloy kong sinasabon ang aking katawan lalo na ang aking dibdib. Naluluha ako sa katotohanang nahawakan at nahalikan niya iyon dahil iisa lamang ang nag mamay ari noon. Paki ramdam ko ang dumi ko. Nagpapasalamat na lamang ako at hanggang doon na lamang siya. Baka tuluyan akong takasan ng bait kung nagtagumpay siya.      Ronn... ligtas kami ng anak mo... nasaan ka na? Kailangan ka namin. Bulong ko.      Nag nakaramdam ako ng ginaw ay tinapos ko ang aking paliligo. Naka kita ako ng tuwalyang nakasabit at wala akong paki alam kung kanino iyon. lalabhan ko na lamang mamaya. Ibinalot ko ang katawan ko  sa tuwalya at pumasok sa mga kwarto. Ininspeksyon ko iyon at naghanap ng damit na maaring isuot. Nakakita ako ng damit ng may ari ng unit. pumili ako ng pinakaluma. kinuha ko iyon upang isuot ganun din ang isang boxers. nag mental note ako na papaltan ko na lang ito pag nakabili na ako ng sarili kong damit. Tinuyo ko ang aking buhok sa bentilador sa kabilang kwarto. Yun ang gagamitin ko,dahil mukhang ang isa ay sa may ari. Naroroon pa kasi ang kanyang mga damit. Pati ang damit niyang marurumi. Mukhang hindi nakapag palaba sa sobrang busy ang taong iyon. Papaki alaman ko nga mamaya. Nakita ako ng automatic washing machine malapit sa kusina, mukhang laundry area iyon.      Pagkatuyo ng aking buhok ay sunod kong ginamot ang aking mukha. Wala akong mgagawa sa black eye at pamamaga ng aking mga pisngi kung hindi hayaan siyang kusang gumaling. Uminom ako ng gamot sa lagnat na safe sa buntis upang makatulong mawala ang pananakit hindi lamang ng aking mukha pati ng aking buong katawan. pagkatapos ay humiga ako at pumikit.      Napamulat ako sa hindi ko kilalang silid, nagulat pa ako ng maalala ang dahilan ng kung bakit ako naroon. Gabi na pala. Kita ko ang madilim na langit mula sa bintana mula sa kawarto na aking ina akupa.Napakasakit ng ulo ko at buong katawan. doon ko lamang napuna na nilalagnat ako. Pinilit kong bumangon upang makain ng biskwit na aking binili sa drugstore kanina upang magkalaman ang ang tiyan at ng maka inom na ng gamot. sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay hindi na ako nalabangon pa at muli ng nakatulog.       Ilang beses iyon na gigising lamang ako upang magbanyo kumain ng bahagya at uminom ng gamot. Ang lagnat ko ay hindi pa rin nawawala.      Pag gising ko ay nagulat ako sapagkat mayroon akong kumot at may bimpo sa aking noo. Agad akong napabalikwas sa takot! Nasundan na nila ako? narito na sila? Pinakiramdaman ko ang paligid wala namang  akong ingay o kilos na naririnig kung mayroong tao. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at napatili ako. Tinakpan ko ng kumot ang aking mukha na para bang maililigtas ako nito sa kung sino mang pumasok.      "Huwag kang matakot...ako si Hendrix," pakilala niya.      Uti uti kong ibinaba ang kumot at umaktong babagon ng agapan niya ako.      "Huwag ka munang bumangon, may kailangan ka ba? tanong niya.     Tiningnan ko siya. Nakasuot pa rin siya ng uniform na pang piloto. Ngunit naka sinelas na lamang na pambahay. May kakisigan din ang lalaking ito. May kataasan at malaki din ang katawan. Mas mapagkakamalan nga itong model o matinee idol.      "Pasensya ka na. Pinakialaman ko ang gamit mo." hinging paumanhin ko sa kanya.      "Okay lang iyon." Nakangiti nitong sabi. Hinawakan nito ang aking noo at sinalat. "Mabuti naman at mababa na ang lagnat mo. Nagluto ako ng sopas, dadalhan kita dito at kumain ka na." Sabi niya sabay talikod upang lumabas.      Nakakahiya naman at nakikitira lang ako ay magpapasilbi pa ako. Pinilit kong makatayo kahit dahan dahan ngunit naikot lamang ang aking paningin at wala akong kalakas lakas.      "Huwag kang kumilos, mahiga ka at magpalakas." Narinig kong pang sabi nito na muli na palang nakabalik sa loob ng kwarto.      "Pasensya ka na talaga sa akin." Humahagulgol kong sabi. Pinagsama ang frustration ko dahil hindi ko kaya ang aking sarili ganoon din ang awa ko para sa akin.      "Huwag kang umiyak, magpalakas ka at magpagaling.Heto at kumain ka nang  mainom ka ng gamot."      Ginawa ko ang sinabi nya kinain ko ang sopas. Pinag pawisan ako pagkatapos noon. Nakaramdam ako ng ginhawa.      "kinuha niya ang mangkot ng sopas at inabot sa akin ang gamot na nasa side table at isang baso ng tubig. Nagpasalamat ako at ininom ito.      Matulog ka uli, mamaya gigisingin kita pag oras na uling uminom ng gamot. Ngumiti si ya sa akin at isinara ang pinto. Muli akong humiga. Umusal ako ng dasal at nagpasalamat ako sa Kanya at hindi niya ako pinabayaan. Maya maya ay nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok bago bumukas ang pinto.Muli iniluwa ng pinto si Hendrix na may dalang mga damit. Pinag papawisan kana. mabuti daw yan kasi mawawala na ang lagnat mo.Ito magpalit ka mamaya. Ipinatong niya ang kanyang dala sa ibabaw ng kama. At muling lumabas ng kwarto. Nag uti uti akong pumunta ng banyo. Mas mabuti na ngayon ang aking pakiramdam kumpara kanina. Naghilamos ako. Napangiwi ako. nalimutan kong paga nga pala ang mukha ko at muling humapdi ng mabasa. Dinahan dahan ko na lng at nagbihis bago bumalik ng kama. Nakakahiya naman at damit na naman nito ang ipinasuot sa akin.Nahiga ako muli at muling nakatulog.      "April, iinom ka na ng gamot." Nagising ako at nagtaka sino si April?      Namulatan ko na naka upo sa gilid ng kama si Hendrix. Nakangiti siya ng dimapi niya ang likod ng kanyang palad sa aking noo.      "Ayan wala ka ng lagnat!"Masayang bati nito.      Bumangon ako at umupo sa kama.Hindi ako sanay na may lalaki akong kasama sa kwarto, Ngunit sinaway ko ang aking sarili. Bahay niya ito. Siya ang dapat maasiwa sa akin.      "Salamat." pag sisimula ko. " Handa akong tumulong at maki share sa iyo sa gastos dito. Salamat sa iyong pagpapatuloy at pag aalaga sa akin.      "Wala iyon." sabi nito. "Pasensya kana, pero anong nagyari sa iyo?" Nag aalalang tanong niya.      Unconciously napahawak ako sa aking mukha." Nagalit si Nicco sa akin.Sinaktan niya ako ng alaman niya na buntis ako sa iba." Naiiyak  kong kweto. "Pinag tangkaan niya ako, nanlaban ako hanggang sa nakatakas at nakarating dito. Wala akong damit man lang na dala. Ung suot ko nung gabi na iyon ay punit punit, nakakuha lang ako ng damit niya sa sasakyan nya na itinakas ko." Paliwanag ko sa kanya.      Nagulat ako sa pahalakhak  niya. Napatayo siya at tuwang tuwa. napamaang ako sa kanya.      "Sorry.. sorry.. hindi ikaw ang pinagtatwanan ko kundi ang mayabang na iyon!" Hindi pa rin nya mapigil ang kanyang pagtawa. Humila siya ng isang upuan at naupo paharap sa akin.     "He was so f****d up so gumawa siya ng kwento sa media to save his face!"  Natatawa pa rin niyang sabi.      Nakatitig lang ako sa kanya. Mukha naman na nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya ipinagpatuloy niya ang kwento.      "So ikaw ang tinutukoy niya sa police at media na mga kalalakihan na pinagtulungan siyang hawakan at pinisitan siya ng pepper spray sa mga mata!"Tanong niya.      "Walang kalalakihan, pepper spray lang ang totoo dun. Busy siya nun sa pamamapak sa akin kya sinamantala ko iyon." nagulat ako sa pinagsasabi ko sa harap ng lalaking ngayon ko lang nakita.Magaang ang loob ko sa kanya na parang matagal ng kilala.       Tumango tango siya. "Buti nga sa kanya! hahaha!" Tuwang tuwa niyang sabi. "Eh di nakahanap na siya ng katapat nya." sabi pa nito.      Hindi ko alam lung tatawa rin ako at ngingiti sa taong ito. Ang weird nya.Gusto kong matakot sa kanya ngunit siya ay handang tumulong sa akin kahit hindi pa niya ako kilala at nakikita man lang at ngayon ngang may sakit ako. Sobra sobra na. Pumanatag ang loob ko sa lalaking ito dahil alam kong isa itong kakampi.      "Sabi niya sa interview niya ay pauwi na sila ng kanyang fiancee na si Dr. Merredette Evangelista mula sa ospital na kung saan nalaman na nila na nagdadalang tao ito. Hindi daw niya napansin dahil sa sobrang tuwa at excitement na buntis na ang kanyang  fiancee na may sumusunod na pala sa kanila. nagulat na lang daw  ng i cut sila ng isang sasakyan na hindi daw niya naplakahan sa sobrang bilis ng pangyayari. Pilit daw na pinababa  siya ng sasakyan  at pinisitan daw siya ng pepper spray matapos siyang pagtulungang hawakan ng dalawang lalaki. Tinangay ang kanang sasakyan pati ang kanyang mapapangasawa." Amuse na amuse niyang kwento.       "Ikaw lang pla yun, haha.... sinong kumuha sa kotse?"Tanong pa nito.      "Ako. Nakita kong naiwang nakabukas noong tumakbo ng nagmamadali yung driver para saklolohan siya."      Napapalakpak siya sa narinig niya.      "Natutuwa ako at ligtas kang nakarating dito." sincere na sabi nito." Magpahinga ka na. Ligtas kayo ng anak mo sa poder ko.Tutulungan ko kayo." Yun lamang at tumalikod na siya.      "Salamat." Sabi ko bago siya makalabas ng pinto.Nagtaka naman ako bigla sa lalaking yun, napadaling mag change ng mood.      Muli akong humiga. "Ronn... nasaan ka narito kami ng anak mo. Kailangan ka namin. Hurry up ang finish your residency. We will be waiting."Bulong ko.      Muli kong naalala ang sabi ni Nicco. Kinausap niya noon si Ronn? Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako nilayuan noon?Bakit niya ginawa iyon? Marami na palang nagagawa si Nicco para kontrolin ang buhay ko ng hindi ko nalalaman... Ibang klase pla ang taong iyon. Kahit hindi naman ako buntis o nagkita ni Ronn, hindi ko rin siya papakasalan dahil hindi ko siya mahal. At ang natatago nitong pagiging bayolente... talagang tama ang desisyon ko. Muli kong nakatulugan ang pag iisip na iyon.                                                                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD