Chapter 19 Scar

1922 Words
"New beginnings are often disguised as painful endings"-Lao Tzu   Capt. Hendrix James Sorriano      For more than three years sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng aking girlfriend na si Yvonne.Wala man lang akong nagawa upang ipagtanggol siya. Wala ako sa tabi nya ng tinatawag nya ang pangalan ko. Sobrang sakit na yung makita mo uli ang minamahal mo na walang saplot na nakahiga sa isang aluminum na mesa ng morge na natatakpan lamang ng kumot. Halos hindi ko siya makilala.Nakilala ko lang siya sa maliit na dalawang hugis pusong tatoo sa kanyang kaliwang dibdib. Bakas sa kanyang mukha ang hirap ng pinagdaanan niya. Kung gaano katagal siya lamang at ang gumawa nito ang nakaka alam. Nawala siya ng humigit kumulang isang buwan. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng dito sa morge natapos ang halos isang buwan kong paghahanap sa babaeng minamahal ko. Hindi ko ito matangap. Mas lalong hindi ko matanggap na ang hustisya na aking hinahanap para sa kanya ay hindi niya nakamtam.Tinabunan na siya ng lupa ngunit ang salarin ay nananatiling malaya.      "Will you marry me?" tanong ko kay Yvonne habang ako ay naka luhod. Kita ko sa kanyang mukha ang kagalakan. Umaagos ang kanyang luha lumuhod din siya at niyakap ako."Yes, Hon I will marry you." sagot niya. iyon ang pinakamasaya kong ala ala naming dalawa dalawang linggo bago siya mawala.Tanggap ko siya kung ano man ang kanyang nakaraan. Basta ang mahalaga ay kung ano kami sa kasalukuyan. Masayang masaya kami sa loob ng dalawang linggo na iyon. Nag leave pa nga ako ng isang linggo para lang masulit namin ang isat isa. Masayahin siya, laging nakangiti iyon ang minahal ko sa kanya.       Inihatid pa niya ako sa airport ng huling araw kaming nagkita. International flight kasi ako. Kaya inaabot ng kulang isang linggo bago ako maka uwi.Panay ang yakap niya sa akin at halos ayaw ng bumitaw. Isang masuyong halik na punong puno ng pagmamahal ang huling halik na aming pinagsaluhan. Hindi ko alam na huli na pala iyon. Kung alam ko lang ay hindi ako umalis. Nanatili sana ako sa kanyang tabi upang ma protektahan ko siya.      Pag dating ko agad sa tinutuluyan naming hotel ay tinatawagan ko siya. Pero hindi ko na siya ma contact pa. Noong una ay akala ko na low bat lang o walang signal kaya hindi ko siya matawagan. Nang sumunod na araw ay nagsimula na akong mag alaala. Pinapuntahan ko na siya sa ilang kamag anak sa kanyang trabaho at sa kanyang boarding house, ngunit nagtaka ako dahil sinasabi doon na kasama daw ng boyfriend. Pinapunta ko rin ang kapatid ko sa condo ko  upang i check kung andoon siya. Ngunit wala pa rin doon. Hanggang sa tuluyan na akong makabalik at ako na ang naghanap. Saka ko lang nakumpirma na nawawala siya. Inireport ko sa mga pulis, pati sa NBI.  Pinapahanap ko siya maging sa mga private investigators. Ngunit wala. Hanggang nakakuha sila ng lead na ang boyfriend na sinasabi na kasama nito ay isang batang pulitiko. dati daw itong karelasyon at paminsan minsan ay nagkikita pa sila kapag ako ay wala at nasa trabaho. Nang inembistigahan ito ay nag dead end na. hangang naging cold case at naging unsolve crime na. Kulang ang ebiensya na ito ang may gawa sa sinapit ng pinakamamahal ko.       Lumipas na ang mga taon ngunit ang sakit ay hindi pa rin mawala. Sinikap kong ibalik sa normal ang buhay ko. Ngunit mukhang hindi na ito mangyayari pa. Kulang na, iyon ay ang iniwan niyang puwang sa aking puso ng siya ay mawala. Sinikap kong makalimot. marami din nman ang mga babae na nagkakandarapa na mapansin ko. Sinubukan ko naman ngunit iba talaga si Yvonne.      Pag walang trabaho ay palagi na lang akong tambay sa mga bar, nag sisikap makalimot sa alak at babae. Ganito ang naging routine ng buhay ko sa nakaraang tatlong taon.     Isa sa mga pinsan ko si Abby. Isang araw sinadya nila akong mag asawa upang ipaki usap ang kaibigan daw nila na fiancee ng pulitikong suspect sa pagkamatay at panggagahasa sa babaeng minahal ko.       " Anong paki ko dyan?" Arogante kong sagot sa dalawa.      "Hindi kasi kami maaring pumorota na tulungan siya. Sa amin kasi unang hahanapin." sagot ng pinsan ko.      "Hindi niya gustong makasal doon, ang pamilya lang nito ang may gusto." Paliwanag pa ng asawa nito.      " Pinapaki usap namin sa iyo kahit ilang linggo lang. Wala ka naman lagi sa  unit mo. kailangan lang ng matutuluyan nung tao." patuloy na paki usap ni Abby.      Pinagtutulungan ako ng mag asawang ito.Ngunit may isa akong desisyon, ayaw kong maki alam.      "Cuz, ayaw kong mangyari sa kaibigan namin ang nangyari kay Yvonne." Ang sabi ng pinsan ko.Doon ako parang natauhan. magagawa ko sa iba ang hindi ko nagawa para kay Yvonne. Siguro naman ay mapapatawad ko na ang sarili ko sa sinapit ng babaeng minahal ko. At kahit paano ay makakaganti ako sa lalaking iyon. Mararamdaman niya ang sakit ng mawalan tulad ng ipinaramdam niya sa akin.      "Okay, tell her to change her name, ipagbibilin ko na sa condo na may mag stay akong pinsan doon. Kinuha ko ang aking phone at isinend sa messenger ni Abby ang address at passcode ko. "I will expect her starting tommorow." Iyon lamang at iniwan ko na ang mag asawa.       Habang papalayo ako ay gumaang ang aking pakiramdam. Nabawasan ang bigat ng konsensya na aking nararamdaman. Strange but it feels good.      Pagkaraan ng ilang araw ay nakabalik na ako  mula sa isang international flight. Pagpasok ko sa lobby ng condo ay agad na ibinalita sa akin ng isang receptionist na ovious naman na nagpapa cute sa akin. Dumating na daw ang pinsan ko at mukhang may problema dahil nabugbog daw ito.       Pagkarinig ko nito ay nagmamadali akong  sumakay ng elevator at tinungo ang aking unit. Hindi ko maiwasang hindi mag alala. Bumabalik sa aking isipan ang nangyari kay Yvonne. Ganun din kaya ang ginawa ng lalaking yun sa kanyang papakasalan? Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ako. Pangalawang unit mula sa lift ang akin. Inenter ko ang passcode. Nang bumukas ang pinto hinanap ko na ang babae na aking bisita. Wala siya sa sala, wala rin sa kusina. Sunod kong tiningnan ang isa sa dalawang pinto sa unit ko. Akupado ko ang isa at ang isa naman ay nagsisilbing guest room ko. Binuksan ko ang pinto ng gust room, nakita ko ang bulto ng isang babae na natutulog na na kapamaluktot, Napansin ko agad ang puro pasa nyang mga braso at ang namamaga niyang mukha.Nakilala ko ang suot nitong damit. Nakaramdam ako ng sobrang awa sa babaeng ito. Nagpasalamat ako na nakarating siyang ligtas dito sa unit ko, hindi katulad ng babaeng mahal ko. Isasara ko na lang ang pinto upang bigyan siya ng privacy at inatayin na lamang ang pag gising nito upang kami ay makapag usap ng marinig ko siyang umiiyak. Nagmamaka awa siyang humihikbi. Nilapitan ko ito para gisingin dahil akala ko ay binabangungot ito. Sino ba naman kanyang hindi kapagka dinanas mo ang dinanas niya. Babae pero pinagmalupitan. Parang walang ina o kapatid na babae ang demonyong gumawa sa kanya nito. Simulat sapol ay ayaw kong makakakita ng babaeng sinasaktan. Hindi iyon dapat.      Nang tinapik ko siya sa kanyang braso ay napansin ko ang kakaibang init nito. Nilalagnat ang babae.Mataas ito. Agad akong kumuha ng kumot at ikinumot sa kanya. Kumuha rin ako ng bimpo inilubog iyon sa malamig na tubig na kinuha ko mula sa ref at dahan dahan kong dinampian ang kanyang namamagang mukha. Putok ang labi at puro pasa ang kanyang mukha. Namamaga rin ang kanyang mga mata. Mas malala ang sa kanan.Halos matingkad na ube na ang kulay ng balat sa paligid niyon. Napapakislot siya sa dampi ng bimpo. Marahil nararamdaman ang sakit kahit na tulog pa siya. Muli kong ininanlawan ang bimpo sa malamig na tubig, piniga ng bahagya at inilagay iyon sa kanyang noo. Nagdalawang isip ako kung gigisingin ko siya para uminom ng gamot. Napansin ko ang isang paper bag sa side table at nasa tabi nito ang gamot sa lagnat. Alam nya na nilalagnat siya. Napag desisyonan ko na gumawa na lamang ng sopas. Pagkaluto at saka ko na lang siya gigisingin upang maka inom ng gamot.      Habang nagluluto ay binuksan ko ang TV. Tama naman at pasado ala sais na ng hapon. Balita ang palabas at binalita doon ang pag carnap at pag kidnap sa fiancee ng batang pulitiko na suspect sa pagdukot at pang gagahasa sa aking mahal. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga.      Pagka luto ay muli ko siyang binalikan upang i check. Binuksan ko ang pinto at napasigaw siya sa sobrang takot. nagtakip pa siya ng kumot upang makapag tago sa akin. Napa awa ako sa babae. Maaring sobra ang pinag daanan nito kaya ito takot na takot.      "Huwag kang matakot, ako si Hendrix." Pakilala ko. Napansin ko na unti unting kumalma ang babae at pilit na bumabangon upang maka upo.       "Huwag ka munang bumangon. May kailangan ka ba?" Sabi kong nag aala ala.      Umiling lamag siya "Pasensya ka na pinaki alaman ko ang gamit mo."Hinging paumanhin niya.      "Okay lang iyon. mabuti  naman at mababa na ang lagnat mo." Sabi ko pagkasalat ko sa kanyang noo."Nagluto ako ng sopas, dadalhan kita dito at kumain kana nang maka inom ka ng gamot."      Nailing na lamang ako ng imbis na simagot ay pinilit nito na makatayo. Ngunit halatang hinang hina pa ito.      "Huwag kang kumilos, mahiga ka at magpalakas." Utos ko sa kanya.Umiyak siya at humingi na naman ng pasensya. Muling natunaw ang puso ko sa babaeng ito. Lumabas ako ng kwarto at ikinuha siya ng sopas, ng makakain ay ini abot ko sa kanya ang gamot at ang isang baso ng tubig. Pinagpahinga ko siya at mamaya na lang ako babalik pag oras na uli ng pag inom niya ng gamot.Isinara ko ang pinto at iniwan siya sa loob. Tumuloy ako sa sariling kwarto upang magpalit ng damit at makapag pahinga. Ng maalala ko na pinag pawisan ito ng  makahigop ng mainit na sabaw.Kumuha ako ng aking damit at dinala ito sa kanya. At saka muling bumalik sa aking kwarto.      Habang inaantay ko ang ika apat na oras ay nakatulog ako sa pagod. nagising na lang ako sa alarm ng aking cellphone na hudyat na lumipas na ang ika apat na oras. Tumayo ako at dumirecho sa kabilang silid. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Ginising ko  siya upang mka inom ng gamot. Mukhang mas  maayos na kumpara ng siya ay aking unang datnan.Wala na rin siyang lagnat.      Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya tanungin kung ano ang nagyari sa kanya. Ikinuwento niya at hindi ko mapigilang mapatawa sa version niya ng kwento at ikumpara ito sa version ng pulitikong ini interview sa balita. Hindi ako natuwa sa ginawa niya sa pobreng babae. Natutuwa ako kung paano niya ginawan ng kwento upang i save ang kanyang reputasyon dahil naisahan siya ng babaeng kaharap ko. Sa mga sandaling iyon. Alam ko na na hindi ito ordinaryong babae. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang humingi sa akin ng pasensya.At sa totoo lang pinahanga niya ako kung paano niya natakasan ang lalaking iyon.      Sana nga lang ay nagawa rin ito ni Yvonne.... kung nagawa niya ito  masaya sana kami ngayon. Masaya sana ako ngayon....               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD