"When God decides to bless you, He will cause situations to come together in your favor... no matter what others try to do."-ChristieJoyner
Nang magmulat ako ng aking mata ay isang puting kisame ang ang aking namulatan. Inilinga ko ang aking paningin at napansin na nasa isa akong lugar na hindi ko kilala. Bahagya pa akong nasilaw ng liwanag. Nag sink in sa akin ang nangyari. Bigla akong napabangon, ng makaramdam uli ng hilo. Sinapo ko ang aking noo at doon ko lng napansin na ako ay naka dextrose. "God....." Nag aala ala kong bulong. Mukhang nasa Emergency room ako base sa pagkaka ayos ng kurtina na tanging tumatakip upang bigyan ang bawat kama ng espasyo at privacy.Narinig ko ang masayang pag uusap nina lolo,lola maging ang boses ng dalawa kong kapatid ay aking naririnig at isa pang boses ng babae na hindi ko kilala. Masayang binabati ng babae ang aking pamilya. At para namang may napakagandang balita na narinig ang mga ito. Maya maya pa ay napansin nila ako na pinanonood sila.
"Iha!" Masayang bati ng lolo. Nagtaka ako sapagkat unang beses lamang ito. "May masakit ba sa iyo? May pag aala alang tanong nito.Parang hinipo ng mainit na damdamin ang aking dibdib. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang concern niya.
Umiling lamang ako.
Hinawakan naman ni lola ang aking mga kamay, at hindi mapawi ang ngiti ng mga kapatid ko.
"Dr. Evangelista. kamusta paki ramdam mo?" Naka ngiting bati sa akin ng doctor. "Nagkaroon ka ng dehydration dahil sa sobrang pagsusuka mo." Paliwanag nito" Matagal mo na ba itong nararanasan?" Tumango lang ako.
"Normal lang yan sa first trimester, as you know. Eventually ay ma babawasan na rin hanngang mawala. Congratulations po sa inyo ni Congressman!" Napapikit ako sa narinig.
"s**t!" Bulong ko sa isip ko.
"I suggest po Gov, na magpatingin na po siya sa OB para po maalagaan ang mag ina ng husto at malaman na rin po natin ang age ni baby." Magalang nyang sabi sa aking pamilya.
Hindi ko mapigil na tumulo ang aking luha sa takot. Paano na. Narinig kong nag ring ang cellphone ni Lolo. Masaya niya itong sinagot.
"Congratulations Nicco!" nakangiting bati nito sa kausap... patay na!"Ikaw naman hindi naman kami magagalit. Napakasaya nga namin ngayon na malaman na buntis na si Dey!" Napatigil siya sandali habang nakikinig sa kausap at unti unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha mula sa napaka saya papunta sa pagka poot... kung nakakamatay lang ang titig niya sa akin, bumulagta na ako.
Nanginig ang buo kong katawan sa takot.Ibinaba ni lolo ang kanyang phone na hindi man lang nagpapa alam sa kausap. Lumapit siya sa akin at ubod lakas niya akong sisnampal. Pansamaantalang nabingi ang tengga ko sa lakas ng kanyang sampal.
"Paano mo ito nagawa sa aamin!" Mahina ngunit puno ng damdamin niyang sabi sa akin.
"Huwag dito." Bulong ni lola kay lolo.
Bigla na lang kaming napatili ni Lola sa gulat ng unti unting bumagsak si lolo sa sahig. Nabiglang tumawag naman ng tulong sa doktor ang aking dalawang kapatid at inihiga ito sa isang bakante kama kalapit lang ng sa akin. Tumatakbo ang mga doctor at nurses upang asikasuhin si lolo at hinila ang kurtinang tabing upang matakpan ang kanilang ginagawa. Naririnig ko ang bawat nagmamadali nilang utos at kilos, inaatake si Lolo.Kasalanan ko sa sobrang galit sa akin.Naiwan akong tulala na tanging manipis na tabing ang naghihiwalay sa amin ng lolo ko. Kasalanan ko...Hindi ko mapigil ang aking pag hagulhol. Lumipat naman sa tabi ng kama ni Lolo sina lola at ang mga kuya ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ako ay nakaramdam pa rin ng pagkahilo. Inalis ko ang dextrose na naka kabit sa akin.Unti unti akong bumaba ng kama at marahang naglakad palabas. Gusto kong samantalahin ang kanilang kalituhan. Ngayon na. Hindi ako maaring abutan ni Nicco dito.
Dahil sa hilo ay hindi ako makakilos ng mabilis. Natatakot ako na baka ako mag collapse pero nilakasan ko ang aking loob. Nang akoy nakakalayo na, narinig kong may tumatawag sa akin,Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pag susumikap na tuluyang makalayo. Nakaramdam ako ng humawak sa braso ko.
"Maam, san po ang punta nyo. Hindi po kayo maaring umalis dito." Narinig kong sabi ng isang lalaki. Nang lingunin ko ay nakilala ko na isa sa mga body guard ni kuya.
"Iihi lang po ako kuya" umiiyak pa rin na pag dadahilan ko. Pinaghalong takot para kay lolo at takot para sa amin ng anak ko ang nagpapa ngatal sa buo kong katawan.
"Sasamahan ko po kayo hanggang pinto." sagot niya sa akin. Wala akong nagawa kundi panindigan ang aking dahilan. Pumasok ako sa CR at naghanap ng maaring malabasan. Wala man lang bintana sa loob ng CR. Wala akong maaring labasan. Kaya lumabas na rin ako at nag desisyon na lamang na bumalik sa higaan sa emergency room. Mas ligtas ako doon sapagkat maraming tao.
Paglabas ko ng pinto ay narinig ko na si kuyang body guard ay kausap si kuya Aldrin sa telepono.
"Yes Vice, opo. Masusunod po." sabi niya nakatingin sa akin, sabay putol ng tawag. Muli niyang tumingin siya sa akin ng ako ay kanyang makita. Agad niya akong hinawakan at iginiya palabas ng ospital.
"Pasensya na po maam, ipina uuwi na po kayo sa mancion at doon na lang daw po ninyo intayin si Congressman."
Napalunok ako sa kanyang sinabi. Isinakay nila ako isa sasakyan. Katabi ko sa likod ang kumausap sa akin. Mayroon pa na isa na naka upo sa driver side bukod pa ang driver. napaisip ako kung paano makakatakas sa kanila ngunit mukhang imposible.Kung tatalon ako ay masyadong delikado para sa baby ko. Napapikit na lang ako at bumulong na nagdasal. Maya maya pa ay nakarating na kami sa mancion. Ipinasok nila ako hanggang taas at itinuloy sa aking kwarto.
"Pasensya na po maam, bilin po ni Vice na ikulong kayo. Bahala na daw po si Congressman sa inyo." Hinging paumanhin niya sa akin.
Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Pati tuhod ko ay gustong bumigay. Wala akong nagawa kundi umiyak, ngunit pina alalahanan ko ang sarili ko na kailangan kong maging malakas kaya hindi ko dapat inaaksaya ang lakas ko sa pag iyak.Hinanap ko ang bag ko na dala ko kanina. Naroon ang aking wallet. Andoon ang pera ko at mga ID. Shit... pati ang cellphone ko ay wala rin. Nasa baba yun kanina. Naalala ko na may ilang libo din pla akong naka ipit sa planner ko. Kinuha ko iyon at isinuksok sa aking bulsa sa likuran. Isinuot ko ang dalawang sing sing na nakita ko. Kinuha ko rin ang ilang alahas at isiniksik sa isa pang bulsa sa likod.Medjo fit ang shorts ko kaya hindi ito basta basta mahuhulog.Kakailanganin ko ito kung sakali. Naupo ako sa kama at niyakap ang aking sarili. Inihahanda sa ano mang maaring mangyari. Umusal ako ng dalangin para sa kaligtasan naming mag ina.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa ganung ayos. Unti unting nawawala ang takot ko at kumakalma ako.Lalaban ako pero sisiguraduhin ko na ligtas ang anak ko.
Napatili ako ng biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang isang pulang pula sa galit na si Nicco. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Inilang hakbang niya ako at hinila ang aking buhok. Pakiramdam ko pati anit ko ay madadala sa kanyang pag hila upang ako ay makalapit sa kanya.Sabog ang luha ko at nabibingi ako sa aking mga sigaw. Pinaghalong takot at sakit ang aking nararamdaman. Mariin na hinawakan niya ako sa ibaba ng aking pangga, nahirapan akong huminga. Ngunit pinili kong mag maka awa."Nicco.... maawa ka please...." pilit kong binibigkas ang mga salita. Binitiwan niya ako kya pilit kong sumasagap ng hangin. Halos panawan ako ng ulirat, napaupo ako sa sahig.
Marahas niya akong dinampot sa sahig hawak ang aking braso ssinampal niya ng sinampal.Wala na akong maramdaman dahil tila manhid na ang aking mga pisngi. Muli niya akong sinakal at inihagis sa kama. Pasalamat ako at sa mismong kutson ako humagis ng pa upo. "Anak, kapit lang." bulong ko sa aking sarili.Muli niya akong inangat ng mariing hinawakan niya ang aking braso.Naka takip na sa mukha ko ang aking buhok, basang basa ng luha at dugo mula sa putok kong labi. Nalalasahan ko ang magkahalong alat ng luha at lasang kalawang na dugo.
Nabuhayan ako ng loob ng hinawi nya ang aking buhok mula sa aking mukha. Nagulat pa ako ng marahas na dinakot nito ang aking buhok at hinihila iyong pataas. Sa sobrang sakit ay isinusunod ko ang aking kawawan sa direksyon ng pagka hila nya. Hindi ko halos siya makilala ng siya ay nagsalita.
"Sino ang walang hiyang ama niyan?Ang lakas ng loob!" Marahas niyang tanong. Nag hindi ako sumagot ay muli niya hinila ang aking buhok. Pinipigilan ko siya at pilit na ibibitaw ang kanyang pagkahawak sa aking buhok.
"Sino!" Muli niyang sigaw. Hindi ako sumasagot kaya ang isang bakante niyang kamay ay muling inihataw sa aking mukha.
"Hindi ka ba talaga sasagot!" May himig pagbabanta niya.
"Si Ronn..."Halos hindi lumabas ang tinig ko.
"f**k!" Sigaw niya. "Hindi talaga siya nadaan sa magandang usapan! Nilapitan ka pa rin nya !" Paatuloy niyang sigaw. Binitiwan niya ang pagkaka hawak ang buhok ko ngunit dinampot naman nya ang braso ko. Napaka diin. Ramdam ko ang pamamanhid na parang naiipit ang pag daloy ng aking dugo.
"At ikaw naman gustong gusto mo!" marahas niyang hinila ang braso ko at marahas niya akong hinalikan.Mas lalo akong natakot.." Lord, tulungan mo po kami ng anak ko.
Tumigil siya sa pag halik sa akin at sinuntok niya ako sa aking mukha.Tumilapon ako sa kutson ng kama at nag simula siyang maghubad ng kanyang polo.
"Iyon pala ay gusto mo sana sinabi mo agad sa akin." Marahas niyang wika "Pagbibigyan kita ngayon at sisiguraduhin ko na pagkatapos ko sa iyo ay mawawala sa katawan mo yang alaala ng kataksilan mo!" patuloy niya habang pinagpapatuloy ang huhubas sa kanyang pantalon hanggang naiwan na lamang ang kanyang boxer brief. Kinilabutan ako. "Diyos ko... iligtas mo po kami!" Pagmamaka awa kong bulong.
Umibabaw siya sa akin at sinimulan akong marahas na halikan. Bumababa iyon sa aking leeg. Pinipilit kong i angat ang kayang mukha palayo sa akin gamit ang mga kamay ko.
"You wanted rough sex.. I'll give it to you. Malalaman mo na mas magaling ako sa kanya sa kama!" May pang uuyam niyang sabi.
Lumalaban pa rin ako kahit alam ko na wala akong kalaban laban sa kanya. Pinunit niya ang aking blouse at itinaas ang aking bra ast sinimulan nya ang pag halik sa aking dibdib.Pilit ko pa rin siyang tinutulak ngunit bale wala. Hinawakan niya ang aking magkabilang pulso at inilagay yun sa taas ng aking ulo ng hindi ito binibitawan upang maawat ang pagpupumiglas ko.Wala akong kalaban laban. Itinigil ko ang pag pupumiglas ko at nagkunwaring nag eenjoy sa ginagawa niya. Pineke ko ang daing, hanggang sa narinig ko ang kanya.
"Nicco...I love that babe..." Hindi ko makilala ang boses na narinig ko na nagmula sa akin... ngunit ito lang ang paraan. Naramdaman ko na binitiwan niya ang aking kamay at ginamit nya ang kanyang kamay upang haplusin ako sa aking ibaba. Iniyakap ko at hinaplos haplos din sa kanya ang akin.Habang abala siya sa paghalik sa katawan ko ay pasimple kong kinakapa ang pepper spray sa aking bulsa.
" I told you.. I am better than .. ahhhhhh! biglang tayo at napahawak siya sa kanyang mga mata na pinisitan ko ng pepper spray. Sinamantala ko iyon at gumulong sa kabilang side ng kama para hindi nya ako makapa.
"Shit... ahhhh... you will pay for this! Help...." Sigaw niya habang pilit na kinukusot ang kanyang mga mata.
Ibinaba ko ang aking bra, habang patakbo akong lumabas ng kwarto. Wala akong paki alam kung sitra sira ang aking suot. Ang mahalaga ay makawala dito.Naririnig ko na tinatawa nya ang mga tauhan nya. Humihiyaw siya sa sakit. Nagkubli ako sa gilid ng makita ko na tumatakbo sa paakyat sa hagdan ang mga bodyguards niya. Nang makalampas na sila ay agad akong bumaba. Tumakbo ako sa lanai upang doon makalabas. Natatakot ako na may makasalubong ako kung sa main door ako tatakbo. Nag kubli ako sa mga matatas na halaman sa gilid at kadiliman.
Hindi nga ako nagkamali, sapagkat pati ang driver nya ay lumabas sa sasakyan at tumatakbong pumasok sa loob ng mancion naiwan pa nitong bukas ang pinto ng sasakyan sa pag mamadali, Luminga ako at tiningnan ang paligid wala ang mga body guard na naghatid sa akin dito. Wala ring naiwang tauhan sila lolo.Wala ring bantay sa gate at naiwang bukas pa. Umusal ako ng pasasalamat
Pumasok ako sa sasakyaan ni Nicco, bukas pa ang makina. Isinara ko ang pinto at nag drive ako patakas.