"God is always within. Feel God working in your heart, through your heart and as your heart." Roxana Jones
Pinag mamasdan ko ang mga bituin sa langit mula sa aking bintana. Iniisip ko siya. Dinukot ko ang aking telepono at muling idenial ang kanyang numero... tulad dati., un attended. Nasaan na kaya siya iniisip pa rin ba niya ako?
"Wait for me love..." Malinaw na malinaw pa rin sa aking alala ang mga salitang iyon at ang dalawang gabi na aming pinagsaluhan. Alalahanin ang mga bagay na iyon ay pumapawi na sa aking pangungulila at pag aala ala sa aking kalagayan. Nahiga at muling binuksan ang gallery ng phone ko. Naroron ang mga larawan namin ni Ronn na siya mismo ang kumuha. Nakatitig lang ako doon hanggang sa tuluyang hatakin ako ng antok.
Nagising akong may kung anong maasim sa aking dibdib at umaakyat sa aking lalamunan, bumalikwas ako ng banggon, nakaramdam ako ng pagkahilo ngunit hindi ko iyon ininda, mabilis kong tinungo ang bayo at inilabas ang mapait na likido na tila naipon sa esophagus ko. Feeling ko nailuwa ko na pati ang lamang loob ko hindi pa rin naiibsan ang kakaiba kong nararamdaman.Napa upo na lang ako sa sahig at naka akap sa toilet bowl upang kumuha ng lakas. Anong nakain ko, bakit ganito?
Nang paki ramdam ko ay tapos na ay nag utay utay akong bumalik sa aking kama. Hinang hina ako at hilong hilo. Pag higa ko ay agad uli akong nakatulog.
Nagising ako muli dahil sa katok sa akin pinto at pagtawag ni Nana Luling.
"Iha... papasok ka ba tanghali na?" Nag aala ala niyang sabi.
"Opo, Nana. Salamat po. Sagot ko na hindi mman lang bumabangon sa pagkaka higa,
Masama ang pakiramdam ko at akoy nahihilo. Maya maya ay muli kong naramdaman ang kakaibang asim na gumuguhit sa aking taas ng aking dibdib paakyat ng aking lalamunan. Muli akong nagmamadaling pumunta ng banyo at muli kong inilabas ang maasim na likido na iyon. Ano ba itong nangyayari sa akin...Pinag bintangan ko ang burger, baka nabigla ang aking tiyan dahil nagpalipas ako ng gutom maghapon pagkatapos ay nabusog naman ako bigla ng sobra. Itinuloy ko na rin sa pag paligo at pag aayos ng sarili upang pumasok sa university. Gustuhin ko man na magpahinga ay hindi maari sapagkat ngayung araw matatapos ang presentation ko para sa aking mga kasamahan patungkol sa symposium na aking dinaluhan noon sa Palawan.
Bumaba ako upang makapag kape, ngunit naalala ko na baka lalong mgasim ang aking tyan kung kape ang aking iinumin. Sa huli ay humingi na lang ako ng gatas. Napansin kong may tapa at itlog na naka handa sa mesa.Ganun din ang sisnangag. Parang gusto kong kumain. Kaya nagsandok ako. Hindi ko gusto ang lasa ng sinangag, Nagtataka ako sa sarili dati naman hindi naman ako ganung kaarte sa pagkain.Sinubukan ko iyong lunukin ngunit ayaw ng sitema ko kaya inilabas ko rin iyon. Takbo ako sa lababo dahil aabutin na ako.Doon ako nag duduwal.
Makahulugan ang tingin sa akin ni Nana Luling. Nakita ko ito sa sulok ng aking mata.
"Nana, maghapon po akong hindi kumain kahapon, tas bigla po akong nabusog nung gabi. Nabigla po ang tyan ko."Paliwanag ko.
Nag aala ala siyang lumapit sa akin at hinimas himas ang aking likod habang patuloy akong dumuduwal na wala namang ilabas na.
"Mag pa check up ka anak, baka kung ano na yan." Nag aala lala niyang sabi.
"Opo." Ang tangi kong naitugon.
Pag dating ko sa university at sampung minuto na lamang bago mag alas nueve, kaya ako ay naghanda na sa gawain sa aking presentation. naging busy ako maghapon. Muli hindi ko na nman gustong kumain sa takot na magsuka ako muli.Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa aking mga gawain at trabaho.
"Dey, maputla ka. kanina ko pa napapansin." bati ni Cha.
"Maputla? Masama nga paki ramdam ko. Ilang araw na rin akong walang ganang kumain." sagot ko.
"Lumipat ka sa kabilang building pa check up ka. Samahan kita? Suhestiyon niya sa akin.
"Bukas na. Baka naman gumanda na pakiramdam ko bukas." Sabi ko.
"Baka kung ano na yan, ikaw. Alam mong mahirap magka sakit ngayon." Sabi niyang me pangungussensya.
"Promise bukas." Pangako ko.
Kinabukasan hindi ako nakapasok dahil ang bigat talaga ng paki ramdam ko. Simula madaling araw ay suka ako ng suka. Pag tumatayo ako ay nahihilo naman.Wala akong ganang kumain, may hinahanap ako ng lasa. Iniisip ko ang dahilan kung bakit nagkaka ganito ako ngunit hindi ko matukoy. Hanggang sa akoy maka tulog na lang.
Nagising ako sa pag tunog ng cellphone ko. Napabalikwas ako dahil sa kalooblooban ko ay umaasa ako na tatawagan ako ni Ronn.
"Von calling" Oo nga pala may pangako ito na muli naming pag uusapan ang problema ko.
" Hello...."sagot ko.
"May sakit ka ba?" agad nyang tanong.
"Wala, tinatamad lang ako." sagot ko.
"Hindi ka pumasok?" tanong uli niya.
"Hindi, masama paki ramdam ko kaninang umaga."
"Dey... kailan ka huling nagkaroon?" Nabigla at kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ako nakasagot kasi iniisip ko kung kailan ang huli... noong nakaraang buwan pa. Bago ako pumunta ng Palawan.
Napansin niya siguro na naguluhan ako sa tanong niya kaya binago na nya ang topic.
"Kaya mo ba ngayon na makipag kita sa akin? May ibibigay ako sa iyo." Ang sabi niya.
"Oo. Antayin mo ako. Maghahanda lang ako ng sarili. Alas kwatro ba?
"Oo. Intayin kita."Sabi niya at pinutol na niya ang tawag.
Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay inisip ko ang itinanong niya. Napangiti ako na may kasamang pag aala ala.Posible kaya. Late ang buwanan kong dalaw. Nahihilo ako at nagsusuka at may cravings din ako.
"Ronn, alam kong matutuwa ka. Bumalik ka na." Bulong ko sa sarili.
Eksaktong alas kwatro ay naglalakad ako papasok ng fast food na kung saan palagi kaming nagkikita ni Von. Nakasuot lang ako ng faded blue na shorts na tinernuhan ko ng isang light blue rin crop top. Hindi naman masyadong maikli kaya komportable ako. Agad ko siyang natanawan sa bandang gilid ng store. Dahil karamihan ng mga estudyante ay naka bakasyon pa konti pa rin ang customers. Marami pa ring bakante na silaya at mesa.
"Hello!" masaya kong bati. Aba ang ka date ko ay busungos ang mukha pero pilit na ngimingiti. Iminustra niya ang isang silya akoy kanyang pina upo sa bakanteng upuan sa harap nya. Iniusod nya ang isang supot na may pangalan ng fast food.
"Kain ka na." alok nya.
"Ikaw? " tanong at bati sa kanya na ako aay saluhan.
"Ikaw na lng." malumanay niyang sabi.Pinanuod niya ako ng walang imik hanggang sa mabusog at matapos akong kumain. Talagang burger lang ang gusto kong kainin.Nag matapos na at may inabot siya sa akin na isang maliit na supot.
"I check mo." Utos niya.
Sinilip ko ang laman ng supot. Pregnancy test kit. Namula ang aking pisngi. Pakiramdam ko na nahuli ako ng tatay ko na may ginagawang kalokohan. Nanliit ako.
"Sige na." Himok niya. Tumayo ako at nagpunta sa CR. May kokoonting gumagamit din ng CR kaya ako ay nag intay pa ng ilang saglit. Pagkalabas ng babae, pumasok ako at isinara ang pinto ng cubicle. Umihi ako at itinapat sa pregnancy kit na bigay ni Von. Tatlo ang laman ng supot at tatlong beses ko rin binasaan ng ihi. Rumehistro, pare pareho silang tatlo na may nakaguhit na dalawang pink na linya.Positive!
"Ronn, Daddy ka na!" naibulong ko. Sabay pag tulo ng luha ko sa kaligayahan. Dinadala ko ang anak ni Ronn. Napaka saya ko. Hindi ko mapigil ang ngiti ko.
Sininop ko at muling ibinalot sa hahon at supot ang PT test kit at itinapon ko iyon sa basurahan nasa loob ng cubicle. Lumabas ako at muling bumalik sa mesa namin ni Von.
Napansin niya akong naka ngiti.Ginulo niya ang kanyang buhok at bumuntong hininga. Muli akong umupo at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya.
"Anong plano mo ngayon? " Tanong niya.
"Ganoon pa rin." bulong ko na hindi talaga maputol ang ngiti na abot na yata sa mga mata ko.
"Kailangang bilisan mo na. Hindi ka na maaring mag intay ng matagal. Dalawa na kayo."sabi niya na nag aala ala.May inabot siyang papel.
"Ito ang address at passcode sa unit niya. Pumayag siya na tulungan ka. Naibilin na rin nya na may darating doon na pinsan niyang babae si April Sorriano iyon ang pangalang gagamitin mo. Henrix Sorriano naman ang may ari ng unit, binata, piloto taga Bulacan. I memorized mo at sunugin mo pag itinapon mo. Ipinapasok kitang medical transcriptionist. I email mo ako sa e mail ko gamit ang bago mong email. Huwag na huwang kang tatawag sa aming mag asawa. Sa amin ka unang hahanapin." Bilin niya. Inabutan uli niya ako ng maliit na supot. Binuksan ko ito, may lamang isang maliit na kahon at sa loob ang isang bagay na kasing laki ng lipstick.
"Pepper spray. Pag aralan mo kung paano gamitin at huwag na huwag mong aalisin sa bulsa mo. Ilagay mo na ngayon din."Utos niya.
Wala akong nagawa kundi sumang ayon na lang sa lahay ng kanyang sinabi. Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan.
Nag paalam na siya sa akin matapos ang paulit ulit na bilin. Hindi na daw ako maihahatid at may daraanan pa, gagagulin siya sa oras.
Sumakay ako ng jeep at nagsimulang mag byahe pauwi sa amin. Sa kabila ng takot sa ay nangingibabaw ang kasiyahan na dinadala ko sa aking sinapupunan ang bunga ng pagmamahalan namin ni Ronn. Isang bata na mula sa aming dalawa. Isang dahilan kung bakit kailangan kong maging matapang at maging maingat. Siguradong matutuwa si Ronn nito.
Madilim na ang langgit ng makarating ako sa mancion. Naghahapunan na sila lolo at lola kasama ng dalawang kaptid ko at ang mga asawa nito.
"Umupo ka na dito."ang utos ni Lolo.
Agad akong naupo at nag simula ng sumandok at kumain kahit sa totoo ay wala akong ganang kumain. Pinilit ko ang sarili ko upang hindi makahalata sila sa akin. Bigla akong may naamoy na hindi ko gusto at hindi ko mapigil ang pag wawala ng sikmura ko. Agad akong tumayo at nag direcho sa lababo, hindi na ako aabot sa banyo.
"s**t!" mura ko sa sarili ko habang akoy dumuduwal habang binuksan ko na ang gripo. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Itinukod ko ang aking siko sa tiles at kumukuha ng lakas dito. Naramdaman ko ang mga bisig ni Nana Luling na pilit akong inaalalayan ng biglang nag block out na ako. Tili ni Nana ng may pag aala ala ang aking huling narinig.
"