Chapter 13 Support

1845 Words
         "When you dont have cushions around you, you feel the pain much when you fall."-Ernest Agyemang Yeboah       Niyakap ko siya ng mahigpit, kumukuha ako kay Von ng lakas ng loob.      "Hey... what is that all about?" bati nya sa akin.      "Good news or bad news?" nakangiti kong sabi habang umuupo.      "Kumain ka muna! Baka hindi ka makakain pag nag simula ka." Biro ni Vonn sa akin.      Naamoy ko ang burger..." Ang banggo!" Nilantakan ko ang burger ko,  halos inapat na kagat ko lang yun. Sabik na sabik ako. Nag matapos ko ay nakita ko ang sa kanya. "Akin na lang to, bitin ei!" sabay kuha ng burger nya. Humalakhak siya.      "Patay gutom lang ang peg!" tukso nya sa akin.      "Von, naalala ko hindi pa pla ako nag breakfast...." nahiya kong sabi. Nakalimutan ko na, hindi rin pla ako nag lunch. Hindi ako nakaramdam ng gutom. Parang ayaw ko sa pagkain maghapon. Ngayun lang.      Hindi niya napigilang ang isang malutong na halakhak.     " Ibibili pa kita, ilan ang gusto mo?" alok sa akin ni Von.     "Pedeng sampu, para abot hanggang midnight snack." Nahiiya kong sabi sabay bukas ng wallet ko.     " Akong bahala! Ano pa?"  natatawa siyang tumayo pinanuod ang pag iling ko at pumunta sa counter. Tinapos ko ang burger nya. Inilagay ko na rin ang fries at spagetti ko sa kanyang harapan. Biglang bigla ay ayaw ko noon. Basta burger lang ang bet ko.       Maya maya pa ay dumating na siya inilapag sa harap ko ang isang paper bag na  halos mapuno ng burger. Kumuha akong may pagkasabik at muling kumain.      "Hindi kita bibigyan nito ha, basta sayo na lang yan." Sabay turo sa fries at spagetti ko.      "Baliw ka talaga kahit kailan." amuse na amuse niyang sabi sa akin habang pinagmamasdan ako. nag bigla akong may naalala. Kinuha ko ang bitbit kong paper bag at inabot sa kanya.      "Para sa inaanak ko. Abot mo yan, baka mamaya ikaw ang maglaro nyan!" biro ko. nagpasalamat siya sa akin      "Nakakainis ka nman palagi ka na lng me padala sa inaanak mo kaya sa lahat ng ninong at ninang ikaw lang ang kilala." Tukoy sa tatlong taon nilang  anak ni Abby na si Edsel. Sinimangutan ko na lng siya habang nagsisimula na siyang kumain.      "Ilapag mo na, ano ang bad news?" Tanong niya. Sumeryoso ako.      "Ikakasal na kami in two months." malungkot kong simula. napatigil siya sa pag subo. nag aalala siyang tumingin sa akin.      "Anong balak mo?"tanong niya. Hindi linggid sa kanilang mag asawa ang sitwasyon ko.      "Tatakas ako." bulong ko.      Nagpalinga linga si Von bago nag salita ng marahan.Tyempong kokonti ng tao sa kinaroroonan namin.      "Bumili ka ng bagong sim, kontakin mo ako mula doon. At wag na huwag kang lalapit sa amin dahil sa amin ka unang hahanapin." Nag aalala niyang sabi.      "May matutuluyan ka na ba?" muling niyang tanong.     Umiling ako. "Wala, basta pera lang ang inihahanda ko. Madali ng kumilos kapag may pera." seryoso kong sabi. Inalala ko ang ginawa ko kahapon na inenroll ko ang dalawa kong account sa bangko sa cardless withdrawal. Na kung saan maari akong mag withdraw sa ATM ng hindi gamit ang aking atm card.      "May alam akong maari mong pagtaguaan, papayag yun. Pinsan yun ni Abby at walang naka tira sa condo niya. Minsan lang siya nauwi doon. kakausapin ko. Babalitaan kita." Seryoso niyang sabi.      Matagal na namagitan sa amin ang katahimikan. Pareho kaming nag iisip.      "Planuhin nating mabuti yan. babalik ako sa isang araw. mag isip muna tayo ng mas magandang plano." maya mayang sabi niya.      "Natatakot ako para sa iyo..." bulong niya. "May sasabihin ako sa 'yo" patuloy niya.     Bumuntong hininga muna siya bago nag salita.      "Yung sinasabi ko sa iyo na pinsan ni Abby, Piloto iyon naging karelasyon nya si Yvon dela Cruz... kilala mo?" Bulong niya.      Napatigil ako... si Yvone ay ang unang karelasyon ni Nicco nung college pa kami. Nakipag kalas ang babae pagkatapos ng tatlong taon. Nawala ito at bangkay na ng matagpuan. tatlong taon na ang nakakalipas. Hubot hubad, puno ng bugbog ang buong katawan at sinasabing hinalay pa. Laman ito ng national news sa halos isang linggo kaya ko natandaan. Kilala ko rin ng personal ang babae. Ilang ulit pa nga akong tinarayan nito dahil sa selos. Kahit na ganoon nakaramdam pa rin siya ng awa dahil sa sinapit ng babae.      "You mean....." Bigla akong nalamig sa aking narinig.      Halika na ihatid na kita. Tumayo ako at sabay naming tinungo ang parking lot. Pinag bukas nya ako ng pinto ng kanyang altis na kulay pula.       "Isang taon na lang ito bayad na!" Nakangiti niyang sabi habang inaalalayan akong makapasok. Umikot siya at tinungo ang driver side. Binukasan niya ang makina, habang nag wa warm up ay ipinag patuloy ang kinukwento.      " Nakipagkalas na yung babae kasi nakatagpo na nga ng tao na handang pakasalan siya. Pagkalipas ng isang linggo ay nawala yung babae. Hindi na naka uwi pa sa tinutuluyan. Akala ng mga kasama nasa bagong bagong boyfriend lang. nag dumating yung boyfriend galing international flight after one week pa at hindi na nga ma contact yung babae kaya pinuntahan yung boarding house. Ayun na, nireport sa pulis pero walang nangyari. makalipas ang isang buwan nakita na lang siya na ganoon." mahaba niyang detalye.      Kinilabutan akong naka tinggin lang sa kanya....      "1+1=2" makabuluhan nyang kumpirma sa tahimik kong tanong. Posible nga kaya na may tinatagong ugaling pagka bayolente itong si Nicco? Naalala ko bigla ang huling usapan namin tungkol kay Simonnette."I will keep both of you." Ang makahulugang sagot sa akin. may pagka pocessive ito, oo pero kaya nya kayang gawin iyon.      "Ano ang nangyari sa imbestigasyon?" tanong ko. Nagkibit balikat na lang siya.      "Kaya gusto ko mag iingat ka at maging maingat din sa mga kilos mo." Seyoso niyang sabi. Pag nangyari na yun, siguraduhim mo na ipaparating mo sa akin na okay ka lang.Mag aalala kami sa iyo. Kabisahin mo ang numero ko just in case magka biglaan. Basta babalik ako sa isang araw. I finalize natin ito." Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa amin. Seryoso siya sa pag da drive. Maya maya pa....      "Oooo... good news naman! Siguraduhin mong good news!" Pilit niyang pinasisigla ang boses nya.      "Nakita,nakausap at nakasama ko siya...." Kumikinang ang aking mga mata sa kasayahan balita ko sa kanya.      " Wheeeee... hindi nga?" pabirong hindi makapaniwala nitong tanong."Si Ronn?" kumpirma niya.      "Oo, nagkita kami sa Palawan. " Excited kong binubuksan ang aking phone at iniharap sa kanya ang latest picture namin. Sinulyapan niya ito sandali.      "In love na in love ah... hindi naman kayo nagpakasal nyan?" Biro niya. napaltan ang ambiance namin mula suspense thriller to light romance.      "Hindi pa." masaya kong sabi.      "Hindi pa? Me balak na!" masaya niyang sabi. "I am happy for you sis." ramdam ko ang katapatan sa kanyang sinabi.      "Nakita ko siya sa convention, speaker namin. natulala ako ng makita ko akala ko sumpong na naman ako, nag hahalocination"! natatawa kong simula. "Tapos hindi nya ako pinansin. Pero  hindi nya ako natiis!" Kinikilig kong kwento.      Tatango tango lamang siya sa akin at nag iintay pa ng kasunod sa kwento ko.      "Okay na kami. Sabi niya intayin ko lang siya ng two years, pagkatapos ng residency ay magpapakasal kami."      "Ayun, solved ang problema! makakatulong yan sa plano." Excited niyang sabi.      " Meron lng konting problema." nakangiwi kong sabi.      "Tsss... lagi na lang complicated.Ano na naman ang problema?" Inis na itong isang ito. Kumapit ako at baka mag preno ito bigla pag narinig ang sagot ko.      "Hindi ko alam kung nasaan siya." Mahina kong sagot.      "Ano!" may pagka iretable nitong sagot. Hindi siya pumireno ng bigla, pero bigla naman niyang itinabi ang sasakyan sa tabing daan. At pagkatapos ay tumingin sa akin.      "Nag sexy time kayo, tapos nangako siya sa iyo... tapos nawawala siya ngayon!" He said with conviction. Nagulat ako sa inasal niya. napahawak ako sa aking dibdib!       "Paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong.      Kunwari ay babatukan niya ako ng malakas, napatungo agad ako at inasahan ang sakit. Ngunit ginulo nya lamang ang aking buhok na tila gigil na gigil.      "Akala ko matalino ka... bakit ang gullible mo!" Gigil niyang sabi sa akin      "Anong ibig mong sabihin?" Muwang kong tanong.      "Saka na natin i discuss yan unahin na lng muna natin ang bad news ha!" naiinis niyang sabi habang ipinag patuloy ang pag da drive.      "Huwag ka ng magpapakamatay ha!" Paalala nya.      "Hindi na, kita mo naman iba ang pinaplano ko."sabi ko. "Von...." bulong ko.     " Ano yon?" nakukulitan na niyang sabi.      "Hindi kaya na 1+1=2 din iyon?" Seryoso kong sabi.      "Maari." tapat niyang sabi.       Tahimik akong napakapit sa aking dibdib at napausal ng isang panalangin para sa kanya.Para sa aking Ronn.      Mahaba haba rin ang pinag drive nya ng marating namin ang mancion. Bago kami bumaba ay pinagbilingan niya ako na kumilos ng normal at huwag magpapahalata. Pinapasaulo niya sa akin ang kanyang cell phone number at e-mail address nya. Ang kulit ha!     "Contact me using a new sim. Huwag yan. "Tukoy niya sa cellphone ko. Mag gawa ka ng bagong e-mail account ibahin mo ang pangalan mo.Sauluhin mo rin ang aking email address. Ihahanap kita ng trabaho at pag aaralan ko kung paano mababago ang katauhan mo. Mag iingat ka lagi.Tutulungan ka namin." Pinisil niya ang kamay kong nanlalamig.      Pumasok muna siya sa loob upang batiin si lola, hinahanap din niya si lolo ngunit ito ay wala pa. Mayroon daw pupuntahang charity event sila ni kuya.       "O Von, apo bakit ka ngayon lang nadalaw" bati niya. Napailing ako dahil nagpakita na naman siya ng kagiliwan sa iba na kailan man ay hindi ko naranasan."      "Pasensya na po naging abala po ako sa trabaho." Nakita kong ngumiti si Von sa aking lola matapos nitong mag mano. "Paano po kasi itong apo nyo masyadong excited sa kasal nya. Ayaw ibalita sa akin sa telepono gusto sa personal.Abay matutupad na ang kanyang pangarap na maging isang Gorrospe at matali sa kanya ang isa hunk ng congress." Mahabang bola niya sa aking lola.      "Ay salamat naman kung ganoon. nakahinga ako ng maluwag at binabantayan namin yan at baka magpaka matay na naman." sagot ng aking lola."Dito ka na kumain ay magpapahanda ako ng espesyal na hapunan." Alok ni lola na agad naman nitong tinangihan. Masyado daw siyang gagabihin sa byahe.      Inihatid ko na lamang siya sa labasan.       "Paano Dey,  mauna na ako. Ingat ka." bilin niya.      "Oo. mag iingat ka sa byahe at ikamusta mo ako sa mag ina mo." sagot ko. Tumango na lang siya at pumasok na sa sasakyan at tuloy tuloy na nag drive paalis.                                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD