Chapter 12 Friends

1912 Words
    "There is nothing more beutiful than someone who goes out of their friend way to make life beautiful for others."- Mandy Hale       Madilim pa ang langit nang akong magising at naghanda sa pagpasok sa university. Alas nueve naka schedule ang aking re echo upang i bahagi ko naman sa aking mga kasamahan ang kaalaman ko nakuha sa symposium na  inatendan ko sa Davao.      Napangiti ako, isang pilyang ngiti, Pati ba iyon ay kinakailangan kong i share habang naghahanda ako ng kakailanganin ko sa presentation ko. Tumayo ay sumilip sa bintana. Tanaw  ko pa rin ang mga bituin. Tinanong ko sa sarili ko ang tanong na lagi kong itinatanong sa loob ng anim na taon..."natatanaw kaya nya ang mga bituing natatanaw ko? Naalala nya kaya ako? Hindi ko na nman napigilang mapaluha.      "Wait for me love...." Napaka linaw pa rin sa aking ala ala ang huling sinabi nya bago kami mag hiwalay. Panghahawakan ko ito habang buhay. Kakapit ako sa aming mga ala ala. magiging malakas ako at lalabanan ko ang lahat ng ito kahit ako ay mag isa. Pangako ko sa aking sarili.      Tatlong linggo na rin naman ang nakalipas ng huli kaming mag kita. At mula noon hindi ko na rin siya ma contact sa kanyang cellphone. Naisip ko na baka bumalik na iyon ng U.S. upang ipag patuloy ang kanyang residency. Bumuntong hinanga ako..."Mag hihintay ako Ronn ko. Even it takes forever."      Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa ginagawa kong presentation. Nang matapos ko ito ay maliwanag na. Tumayo ako upang maghanda na ng sarili sa pag pasok ng makaramdam ako ng pagka hilo. Agad akong naupo at sinalo ang aing ulo. Mukahang nabigla ang mga mata ko sa pagtutok sa screen ng laptop ko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at nang maramdaman ko ang ginhawa dahan dahan akong tumayo at nag tuloy sa banyo upang makapaligo na at makapag handa na papasok.      Alas siyete pasado bumaba na ako upang mag umagahan. Masaya akong binati  ni Nana Luling.      "Magandang umaga Dey! Halika na at kanina ko pa inihanda ang poborito mo.Umupo ka na anak."      Inihain niya ang pritong pusit, itlog, hotdog ganoon din angsinangag. Tiningnan ko lamang iyon na walang kagana gana." kape na lang po Nana, wala po akong gana."      "Bakit anak, may  masakit ba sa iyo. Nagyon mo lng tinangihan yan." Tama siya mula pagkabata ay paborito ko ang mga inihahanda niya. kahi hindi ko gusto ay kakain at kaain ako para sa kanya. Bilang pasasalamat sa pag aabala niya para sa akin.      " Tatanghaliin po ako... pasensya na po Nana, tinanghali po kasi ako." Hingging dispensa ko. sabay higop ko sa kape ko.      "Ay siya sige anak, pero pag dating mo sa university wag mong kakalimutan kumain sa canteen." Paalala nya.      "Opo  Nanay Luling, salamat po. Alis na po ako." Paalam ko.      Inabot ako ng alas kwatro sa pag pe present ng mga naganap sa symposium na  dinaluhan ko sa Davao. Ipagpapatuloy kopa itong muli bukas. Sa tanya ko ay mga kalahating araw pa ang magugugol dito kinabukasan.      "Well done Dr. Evangelista! Hindi nga nagkamali ang board sa pagpapadala sa iyo doon." bati ni Dean Chan habang tinatapik tapik nya ang balikat ko. Salamat po. Bumati din sa akin ang aking mga kasamahan sa depatment. Inaayos ko ang aking laptop upang ilagay sa bag ng marinig kong mag ring ang phone ko.... kumalabog ang puso ko!      "Von calling"      Napabuntong hininga ako. Ngumiti ako at sinagot ang tawag nya.      "Hello, Von! Ano kumusta? Naalala mo ako!" Masaya kong bati sa kanya.      "Doktora, nasa vicinity ako, hindi ka ba bussy?      "Hindi basta ilibre mo ako." Tukso ko sa kanya.       "Sige Doc kita tayo ng 5 dun sa dati." sabi nya sa akin.      "See you!." Ibinaba ko na ang phone at nagmamadaling ayusin ang aking mga gamit upang makarating sa isang food chain sa isang mall.     At last, change of atmosphere. Buryong buryo na ako sa nakaraang tatlong linggo.      Si Von ay kaklase namin noong college. Isa na itong  medical representative sa Far East Medicals. Kailan lang ay na promote itong area manager. Regular buwan buwan any nagkikita kami para magkamustahan. Dito siya naka assign sa aming probinsya. Malimit na iniikot ang bawat bayan dito para sa kanyang trabaho.      Malaki ang utang na loob ko kay Von. Von      May ilang minuto na akong nag aantay sa loob ng isang fast food chain sa isang hindi kalakihang mall na ito. Iniintay ko si Dey, ang aking kaibigan at mula sa kinikilalang political clan sa  lalawigang ito. Malaki rin ang naitulong sa akin ni Dey sa trabaho ko ngayon maging noon ako ay nasa college pa. Napapangiti ako habang inaalala ko muntik lang naman akong ma expelled dahil sa kalokohan ko. mag me make out kami ng girlfriend ko sa isang C.R. sa isang dulo ng buiding namin, tago iyon kaya hindi masyadong pasukin ng mga estudyante. Ngunit iba ang araw na iyon. Pumasok siya. Bagkos mabigla sa aming ginagawa ay hinila niya at inayos ang itsura ng girlfriend ko. Nabigla ako kasi kilala siya sa pagiging tahimik at hindi pala salita.      "Magtago ka dyan. Bilisan mo." utos niya sa akin. Sabay turo sa isang cubicle na punong puno ng map, walis tabo at balde.  "Bilisan mo." ulit niyang may pagmamadali. napansin ko na kakaiba siya ngayon kya nag aalala akong sumunod. Itinago ko ang sarili ko sa mga cleaning materials na naka istock sa sulok. Hinila niya si Abby sa may pinto palayo sa kinaroroonan ko, kinausap ng kinausap na akala mo close sila habang nakatingin sa salamin, Nilagyan pa niya ng polbos si Abby sa kamay at pareho silang nag popolpos habang may pinag uusapan.      Maya maya pa ay bumukas ang pinto at inuluwa noon ang isang lady guard na kasama ang ilang kababaihan na nakilala ko mula sa kabilang block, kasama yung isang na one night stand ko, at patay na patay sa akin. "s**t!" napamura akong bigla sa isip.      Sabay na tumingin ang dalawang babae sa mga dumating. Tuloy tuloy ang lady guard upang i check ang mga cubicle. "Walang tao." Naarinig kong sabi. Binalingan nito ang dalawang babae, na may polbos pa sa mukha at hindi pa napapahid. "Kanina pa ba kayo dito?"      "Opo. May problema po ba ate?" si Dey na ang sumagot. May ibang tao ba kanina dito. "Opo, meron pong mga nakalabas na." sagot pa niya. Tiningnan ng lady guard ang mga babaeng kasama nya, at lumabas na. Muntik na kami roon! Umiyak ng umiyak si Abby na naka akap lamang kay Dey."      Si Dey ang tipong hindi magsasalita kung hindi kakausapin. Ngunit alam kong may mabuting kalooban. Nalala ko pa noong araw na makita namin siya ni Abby na sumakay  sa elevator, walang tigil ang pag iyak nya at humahagulgol. Pareho pla kami ng buiding ngunit magkaiba ng floor.Binaati siya ni Abby ngunit wala sa sarili at panay lng ang pindot dun sa numero ng floor niya. Hindi niya kami napapansin o naririnig man lang.Panay ang himas ni abby sa kanyang likod ngunit patuloy pa rin ang kanyang maingay na pag iyak. Nang tumunog ang hudyat pra sa floor namin, aynagkatinginan kami ni Abby. Ihahatid na lang namin siya sa kanyang unit.      Nag tumunog muli ang hudyat na nasa kanyang foor na kami, tumatakbo itong binuksan ang pinto ngunit hindi man lang nag alala na isara iyon. Kumatok kami at nagtawag sa kasama niya sa loob ngunit wala. Dinig na dinig namin ang kanyang malakas na panaghoy mula sa isang silid.Kinakatok siya ni Abby at tinatawag, sinubukan din nyang na buksan ang pinto ngunit ito ay naka lock. Nagkatinginan kami ng biglang tumahimik ang loob ng silid. "Sirain na kaya natin."ang nag aalaalang suhestiyon ng girlfriend ko.       Itinabi ko si Abby at pinag sisipa ang pinto hanggang sa masira na ang lock. Pag bukas ng pinto ay napasigaw ang girlfriend ko, pati ako ay napa singhap. Nakita namin si Dey na naka upo sa sahig ay nakasandal sa gilid ng kama, walang malay at punong puno ng dugo ang kanyang damit. Napansin ko ang kamay niya, doon nanggagaling ang dugo. Mabilis kong inalis ang punda ng unan na malapit sa kanya at itinali iyon ng mahigpit sa kanyang pulso umaasa na maapat at mabawasan ang dugo mula dito. Binuhat ko siya ng pag mamadali, si Abby ay mabilis naman akong tinulungan upang mailabas siya sa kanyang unit at makababa kami sa lobby. Nag titinginan ang mga tao na nakakita sa amin sa lobby. Tinanong kung sino siya at kinamusta ng isang guard na nagmamadaling buksan ang pinto upang kami ay makalabas. Itinawag nya kami ng taxi, habang ipinapasok ko si Dey sa loob ng taxi, narinig ko si Abby na ibinibilin na kontakin ang tennant na kasama nya sa kanyang unit at sinabi na dadalhin namin ito sa pinaka malapit na ospital.      Hindi agad kami naka alis ng ospital dahil wala pang kapamilya siya na dumadating. Dahil babaho na ang mga dugo sa aking damit at ibinili ako ni Abby ng pamalit sa katabing establishment. Ayaw din niyang lumayo dahil hinihintay namin siya ay magising. Idiknalara nang stable si Dey. Inilipat na sa private room at doon na lang ako nakapag linis at nakapagpalit ng damit. Maya maya pa ay nagising na si Dey ngunit tulala ito at nakatingin lang sa kisame. Panay ang kausap namin sa kanya ngunit tulad kanina ay wala siyang nakikita at naririnig.      Malalim na ang gabi ng dumating ang isang babae, walang habas niyang pinagmumura si  Dey at sinisisi sa pagbaho ng unit dahil sa natuyong dugo ganun din ang pagkasira ng pinto. Ngunit hindi ito gumalaw man lang o kumurap. napailing ako... hindi muna kinamusta kung anong nagyari nag freak out agad. Something is off with her family. Maya maya ay kasunod nito ang isang kaidaran namin na lalaki. Pamilyar ang mukha nito. Naalala siya ni Abby na ilang beses pinupuntahan sa classroom namin  si Dey at inakbayan upang isama palayo. Si Nicco ito, na naging Congressman din pagkalipas ng ilang taon. Tinanong niya kung anong nangyari at nagpasalamat siya sa amin. Pinaki usapan niya kami na mag hintay pa sapagkat gusto daw magpasalamat ng kanyang lolo sa amin ng personal. Mula noon kahit na umuwi na si Dey sa probinsya at doon na rin nagpatuloy ng pagaaral ay hindi kami nawawalan ng komunikasyon. Itinuri niya kaming kapatid ni Abby at sa totoo lang napakalaki ng nagawa niya sa amin upang kami ay naging matagumpay sa aming field na tinahak. Sa dumaang anim na taon naging saksi kami ni Abby sa pagbangon niya sa isang masakit na karanasan. Sa mga panahon na ito kami lamang ang kaibigan nya na pinagkakatiwalaan. Pati ang dahilan kung bakit niya ginawa yun. Hindi ito kailanman nalaman ng kanyang pamilya dahil kahit kailan wala itong sinabi sa kanila.             Naputol ang aking pagbabalik tanaw ng matanawan ko na siyang papasok sa fast food.Malayo pa lang ay kita ko na ang kanyang ngiti. Naka khaki pants ito at naka puting blouse. Napakaganda pa rin niyang tingnan kasing ganda ng kanyang pag uugali. Nakangiti siyang kumakaway sa akin, ngunit tila may kakaiba sa kanya ngayon... "Malalaman ko rin yan, isang burger lang ang katapat mo!" bulong ko habang pinagmamasdan ko siyang papalapit sa akin.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD