***** Pilit tinatatagan ni Zevyl ang loob habang binubuhat ni Caiden ang kanyang Lola pabalik sa bathtub na may tubig at asin. Hindi man niya nahuli kung sino ang gumawa niyon ay alam niya kung sino ang may gawa niyon. Hindi ordinaryong punyal ang ginamit upang patayin ang kanyang Lola at natitiyak niyang isang sireno ang may gawa niyon. Kung paano nangyaring natunton sila doon ay aalamin niya pagkatapos mailibing ng kanyang Lola. Pagkalagay ni Caiden sa kanyang Lola sa bathtub ay may ritwal itong ginawa. Nakamasid lang siya at tahimik na umiiyak. Hindi niya lubos-maisip na wala na ito, paano na lang pala kung hindi siya umuwi ngayon? Maaabutan niya pa bang buhay ito? Pagkatapos ng ritwal na ginawa ni Caiden ay lumapit ito sa kanya, hinawakan nito ang kanyang kamay at masuyong hinila p

