PANIMULA
PANIMULA
Sa sobrang bilis nang pangyayari ay hindi na nakasigaw pa si Zevyl nang tuluyan siyang mahulog sa mataas na talampas at bumulusok sa ilalim ng tubig.
Nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam kung ano ang nangyayari at kahit anong kampay ng mga kamay niya at binti ay hindi niya magawang bumalik sa ibabaw ng tubig. Para bang may kung anong makapal na lubid ang naghihila sa kanya pailalim.
Help! Sigaw niya sa kanyang isip ngunit may makakarinig ba sa sigaw niyang iyon?
Ilang sandali pa ay tumigil sa pagkawag ang mga kamay at binti niya at unti-unti na ring pumipikit ang mga mata niya. Nauubusan na siya ng oxygyn sa kanyang katawan at alam na niyang iyon na ang katapusan niya.
Dapat ay nakinig na lang ako kay Loal! Dapat sinunod ko na lang siya at hindi na ipinilit pa ang sarili kong magpunta dito! Dapat…
Hindi niya naituloy ang sinasabi ng diwa niya nang may maramdaman siyang kakaiba sa katawan niya. Uminit ang pakiramdam niya at para siyang sasabog.
Ahhh! What’s happening to me?! Sigaw niya sa kanyang isip.
Pinalibutan siya ng bula at biglang napahawak siya sa kanyang lalamunan dahil pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang baga dahil sa paghihirap niyang makahinga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil ang buong akala niya ay iyon na ang hudyat nang pagkamatay niya. Ngunit ilang saglit na siyang nakapikit ay ramdam niyang intact pa rin ang diwa niya at nakakapag-isip pa rin siya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at nanlalaking tumingin sa paligid niya.
Patay na ba ako?
Tinakpan niya ang kanyang bibig nang sinubukan niyang huminga ng malalim at may lumabas doon na mga bula, saka lang niya napansin na para siyang lumulutang. Pinagmasdan niya ang buong paligid, nasa ilalim pa rin siya ng karagatan, kung kanina ay puro kadiliman ang nakikita niya, ngayon naman ay maliwanag na sa kanya ang lahat na para bang nasa loob siya ng isang malaking aquarium at pinalilibutan ng iba’t-ibang klaseng isda.
Nasaan ako? Nasa Ocean Park ba ako?
Napasigaw siya nang makita ang kulay pilak na buntot niya. At doon lang nag-sink in ang lahat sa kanya, ang kulay kahel niyang hanggang balikat lang na buhok ay humaba pa iyon at lumampas ang haba sa kanyang beywang at nagkaroon ng maliit na palamuting perlas na sumasabay sa paglutang sa mahaba niyang buhok.
“Anong nangyayari?!” wala sa sariling tanong niya sa sarili. A”At paanong nakakapagsalita ako sa ilalim ng tubig?!”
“Because you’re a mermaid,” sagot ng isang boses-babae na hindi niya alam kung saan nanggaling.