-UNO-

2321 Words
_UNO_   Nagbibihis si Zevyl sa kanyang kuwarto nang makarinig ng katok sa kanyang pinto, nang buksan niya iyon ay nakita niya ang nakangiting Lola niya.   “Apo, nasa labas na ang manliligaw mo,” nanunuksono turan nito.   Napakunot ang noo niya at nagtaka sa sinabi ng kanyang Lola, pero agad namang natawa nang malaman kung sino ang sinasabi nito.   “Lola, hindi ko po manliligaw si Sam, magkaibigan lang po kami,” sabi niya sa matanda at nailing na lumabas na ng kanyang kuwarto.   “Sa loob ng labinlimang taon niyong magkakilala ni minsan ba hindi ka nagkaroon nang pagkagusto sa batang iyon? Aba, Zevyl, ang guwapong bata ni Sam!” bulalas ng kanyang Lola na kasunod niya sa papunta sa sala upang salubungin si Sam.   Pinandilatan niya ito ng mata nang malapit na sila kay Sam.   “Zev, for you…” sabi nito sabay abot sa kanya ng isang pumpon ng bulaklak.   “Thanks! Kailangan ba talaga magdala ka lagi ng bulaklak tuwing susunduin mo ’ko?” Natatawa niyang tanong dito.   Nahihiya naman itong nagkamot ng ulo. “N-nakasanayan ko na lang siguro,” sabi niya.   “Actually, hindi naman para sa ’yo ang mga bulaklak, apo, para sa akin talaga ang mga ito. Thank you, Sam, you’re such a sweet guy,” sabad ng kanyang Lola at mabilis na kinuha ang bulaklak sa kamay ni Sam.   “Para po talaga iyan kay—”   “Lumakad na kayo at baka maunsyami pa ang date niyo,” putol ng kanyang Lola sa sinasabi ni Sam at itinaboy na sila palabas ng bahay.   “Lola, mamamasyal lang po kami ni Sam, hindi po kami magde-date,” sabi niya rito pero inakay na si Sam palabas ng bahay.   Kahit ano kasing gawin niya sa kanyang Lola ay hindi ito naniniwalang magkaibigan lang talaga sila ni Sam. Kahit naman sino ay parehong mag-isip nan g kanyang Lola. Si Sam lang kasi ang tanging lalaki na nakakalapit sa kanya at nakakausap niya, pihikan siya pagdating sa mga lalaki at laging ilag.   Kahit sa unibersidad nila ay hindi siya nagpapaligaw at lahat nang lumalapit sa kanya at nagpaparinig nang panliligaw ay lagi niyang pinagsusupladahan. Wala pa siyang panahon para sa mga ganoong bagay, isa pa mas ineenjoy niya ang pagiging dalaga at ang kalayaan niya dahil sa oras na magkaroon siya ng nobyo ay tiyak na marami na ang mga bawal gawin, lalo na ang makipaglapit siya sa ibang lalaki—at kay Sam.   Pagdating nila sa Parke ay umupo sila sa isang sementadong bench habang kumakain nang paborito nilang street foods.   “Excited ka na ba sa magiging bakasyon natin?” Nakangiting tanong ni Sam sa kanya.   Tumango siya. “Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makabisita ako sa isang beach resort kaya hindi ko puwedeng palampasin ito. Isa pa mas maganda raw magrelax sa gilid ng dalamapasigan kapag katatapos lang ng sangkaterbang exam at thesis!”   Tumawa ng mahina si Sam at dinunggol siya sa balikat. “I’m sure, we’re going to enjoy this one-month vacation. Nagpaalam ka na ba kay Lola Edith?”   Nawala ang ngiti sa labi niya at napatingin sa malayo. Hindi pa ako nagpapaalam kay Lola! Huminga siya ng malalim, bagay na nanapansin agad ni Sam.   “What’s wrong?” tanong nito.   “Hindi pa ako nagpapaalam kay Lola Edith. Natatakot akog magsabi sa kanya dahil ayaw na ayaw niyang lumapit ako sa malawak na karagatan. Kahit nga sa Manila Bay at Ilog Pasig ay inilalayo niya ako eh, paano pa kaya kung malaman niyang sa isang beach resort ako pupunta?” aniya na hindi maiwasang mapasimangot.   Alam niyang iniingatan lang siya ng kanyang Lola Edith sa kapahamakan dahil sa aksidenteng nangyari sa mga magulang niya at wala naman siyang problema doon dahil naiintindihan niya ito. Masakit ang nangyari sa mga magulang niya at lumaki siyang walang magulang, alam din niyang kung gaano siya nasasaktan ay doble ang sakit na nararamdaman ng kanyang Lola.   “Zevyl, kailangan mo pa ring magpaalam ng maayos kay Lola Edith, mas lalo lang siyang masasaktan kapag naglihim ka sa kanya. Mas makakabuting magsabi ka na sa kanyaat ipaliwanag ang lahat,” payo nito sa kanya.   Nahulog siya sa malalim na pag-iisip ngunit maya-maya lang ay tumango siya at nginitian ang kanyang kaibigan.   “Thanks, Sam. Pag-uwi ko ay magsasabi na ako kay Lola,” sabi niya rito at niyakap ito.   “You know you can always count on me, Zev,” sabi ni Sam.   “I know, that’s why I’m grateful to have you as my best best friend,” aniya.   Natigilan si Sam sa sinabi ni Zevyl, gusto niya sanang magtapat na sa dalaga pero natatakot siyang baka kapag ginawa niya iyon ay magbago ang pakikitungo sa kanya ng dalaga.   Limang taon pa lang silang dalawa ay magkasama na sila at habang pareho silang lumalaki ay saka niya naramdaman ang kakaibang pagtatangi sa dalaga. Junior High School sila nang masiguro niyang espesyal ang pagtingin niya kay Zevyl at simula niyon ay naging mas doble ang pag-aalalagang binibigay niya rito at hanggang ngayon ay mas lumalawig lang ang pagtingin niyang iyon. Mas sigurado siyang mahal na niya ang dalaga, ang masaklap lang ay hindi sila parehi nang nararamdaman ng dalaga.   Kaibigan lang ang tingin nito sa kanya at wala pa rin siyang lakas ng loob na sabihin ang totoo dito.   “Uhm, Zevyl?” tawag niya rito nang kumalas ang huli sa pagkakayakap.   “Hm?” Nakangiti itong bumaling sa kanya.   Huminga siya ng malalim. “We’ve known each other for fifteen years, right?” Nagkakamot na sabi niya.   Heto na naman ako. Pang-ilang beses ko na bang ginawa ang ganitong pag-aattempt na magsabi sa kanya nang nararamdaman ko?   “Yeah, isn’t that great? Naalala ko pa nang unang beses na magkita tayo sa playground.” Nakangiting sagot ni Zevyl.   Tulala siyang napatingin sa maganda nitong mukha, mas lalong tumitingkad ang gandang taglay nito kapag nakangiti ito at kumikislap ang mga mata sa saya. Lumamlam ang tingin niya at lihim na napabuntong-hininga, iniisip niya kapag ba inamin niya ang totoong nararamdaman niya rito ay makita niya pa rin ang ganoong klase ng ngiti at kislap ng mga mata nito?   “You asked me to be your girlfriend!” Natatawang sabi nito at hinampas siya sa balikat. “Kung hindi nakuhanan iyon ng video ni Lola Edith ay hindi ako maniniwala. Imagine, limang taon ka pa lang noon pero iniisip mo na ang ganoong bagay!”   Nahihiya siyang nagkamot ng ulo. “A-Alam mo naman ang kabataan, mapusok mag-isip.”   Mahina itong humalakhak at sinamaan siya ng tingin. “At ngayon ay matanda ka na, ganoon? Jeez, Sam, you’re only twenty one, wala ka bang balak magkaroon ng nobya?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.   “Actually... I have—”   “Oh my, may girlfriend ka na?! Bakit hindi ko alam at bakit hindi mo sinasabi sa akin? Kilala ko ba?” sunod-sunod na tanong niya.   “Relax.” Natatawa niyang itinaas ang mga kamay. “I don’t have a girlfriend yet, but there’s someone I would like to be my girl.”   Lumalakas ang t***k ng puso niya habang nakatingin sa mukha ni Zevyl.   Ito na ba ang pagkakataon kong magtapat sa kanya?   “Hmm, do I know her? Baka gusto mo namang ipakilala muna sa akin para makilatis ko. Siyempre hindi naman ako papayag na lokohin ang best friend ko!” sabi nito at dinunggol siya sa braso.   Best friend...   Yeah, I’m only her best friend.   Naramdaman niya ulit ang matalim na punyal na tumarak sa kanyang puso, pero nakapagtatakang hindi na siya masyadong nasaktan. Siguro kasi ay sanay na siya sa ganoong sakit, hindi biro ang walong taon na iyon lagi ang nararamdaman niya at paulit-ulit na tumatarak sa puso niya Nakakapagtaka ngang buhay pa rin siya hanggang ngayon at hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ang puso niya sa kabila nang walong taong pagdurugo niyon.   “Hey, are you okay?” untag nito sa kanya.   “Y-Yeah, may gusto ka pa bang daanan pagkatapos natin dito?” Pag-iiba niya sa usapan.   Hindi pa ngayon ang panahon para sabihin niya ang nararamdaman niya rito. Kaya niya pang maghintay at alam niyang may nakatakdang panahon para sa lahat.   “Puwede ba tayong dumaan ng Mall, may bibilhin lang ako at habang papunta roon ay simulan mo nang magkuwento kung sino iyang babaeng natitipuhan mo.” Nakangising sabi nito at humawak sa braso niya.   Pinamulahan siya ng mukha at kinailangan niyang mag-iwas ng tingn dito para hindi nito iyon mapansin. Paano ba niya ikukuwento rito ang babaeng natitipuhan niya kung ang tinutukoy nito ay sarili nito.   Damn, life sucks!   Gabi na nang makauwi si Zevyl at pagkatapos niyang magpasalamat kay Sam ay umalis na rin ito para maghanda ng bagahe nito. Pagpasok ng bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang Lola Edith para ipaalam ang tungkol sa bakasyong pinaplano nila.   Natagpuan niya ito sa terasa at nagbabasa ng libro habang nagta-tsaa. Kinakabahan man ay nilakasan niya ang loob at lumapit dito.   “Lola, I’m home,” pauna niyang saad dito.   “Kumusta ang date niyo ni Sam?” Nakangiting panunukso nito sa kanya, nakatuon pa rin ang mga mata nito sa binabasa.   Napairap siya sa kawalan at umupo sa tabi nito.   “Lola, hindi kami nag-date. Namasyal lang kami at may binili  sa Mall,” aniya.   Tumawa lang ito at ikinumpas ang kamay sa ere. “Alam mo, apo, hindi mo naman kailangan maglihim sa akin. Matagal na kayong magkakilala ni Sam, imposible namang hindi ka niya nililigawan?”   Nag-init ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin. “May iba siyang natitipuhan, Lola. Isa pa, ayokong sirain ang pagkakaibigan namin kaya mas mabuti  nang ganito lang kami.”   “Pero mahal mo?” Nanunukso siyang tiningnan ng kanyang Lola.   “Huh? O-oo naman, ’di ba ganoon naman ang magkaibigan? Hindi kayo magtatagal na magkaibigan kung hindi niyo mahal ang isa’t-isa,” sabi niyang hindi tumitingin dito.   Tinawanan lang siya nito at hindi na nagsalita. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago niya muling binasag iyon.   “Uhm, L-Lola, balak ko sanang magpaalam, napagkasunduan naming magbakasyon ng mga kaibigan ko,” aniya.   “Kasama ba diyan si Sam?” may himig nang panunuksong tanong nito.   “Lola naman, eh!” maktol niya.   “I’m just kidding!” Natatawang wika nito. “Oo naman, kailangan mo rin iyan. Alam ko kung gaano ka kapagod sa pag-aaral mo. Saan niyo balak magbakasyon?”   “Uhm, sa Puerto Princesa... sa private resort na pag-aari ng kaibigan ko,” sagot niya.   Kitang-kita niya ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ng kanyang Lola Edith, bigla siyang kinabahan at nag-aalalang hindi siya nito papayagan.   “Bakit niyo naman naisip na sa isang private resort magbakasyon? Bakit hindi niyo subukang pumanta sa ibang lugar, iyong walang karagatan at hindi ka—”   “Lola, isa ako sa mga nag-suggest na doon magbakasyon.” Napapabuntong-hiningang putol niya sa sinasabi nito.   “What?!” Tumaas ang boses nito at nagdilim ang mukha. Sa buong panahon na magasama sila ay ngayon niya lang ito nakitang nagalit nang ganoon. “Alam mong pinagbabawalan kitang pumunta o lumapit man lang sa karagatan!”   “Lola, naiintindihan ko naman na natatakot ka sa puwedeng mangyari sa akin pero—”   “No! I will not allow you to go there! The sea is too dangerous for you, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sa’yong masama! Nangako ako sa mga magulang mo na ilalayo kita sa kapahamakan!”   “Lola, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko!” mariin niyang turan.   Natigilan ito at nangilid ang luha, siya man ay natigilan at nag-iwas ng tingin. Hindi niya sinasadyang sigawan ito pero gusto niyang iparating dito na hindi na dapat ito mag-alala sa kanya dahil kaya na niya ang kanyang sarili at higit sa lahat walang mangyayaring masama sa kanya.   “Alam kong masakit ang nangyaring aksidente sa mga magulang ko at ramdam ko ang paghihirap niyo pero nakaraan na iyon at hindi na mauulit. Kaya ko na ang sarili ko at hinding-hindi mangyayari sa akin ang nangyari sa kanila, sana naman pagkatiwalaan niyo ako at hayaang harapin ang takot na ilang taon ko ring dinala sa dibdib ko,” mahaba niyang litanya dito.   Narinig niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga at tumayo saka lumapit sa kanya.   “I guess you’re right.”   Napatingin siya dito at nakita niyang umiiyak na ito.   “I’m sure you’re parents will be proud of you, nakuha mo ang katapangan ng ina mo at ang katigasan ng ulo.” Naiiling at nangingiting turan nito. “Ang bilis lang ng panahon, parang kailan lang ay punong-puno pa ng chocolate ang mukha mo at naglalaro sa bakuran ngayon ay dalaga ka na talaga.”   Niyakap niya ang kanyang Lola at nagpasalamat dahil naiintindihan siya nito. Napaka-suwerte niya at nagkaroon siya ng isang Lola na sobra-sobra kung magmahal sa kanya.   “Be careful, Zevyl, kung maari ay huwag kang masyadong magbababad sa dagat,” bulong nito sa kanya.   “Thank you, Lola.”   Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinaplos ang suot niyang kuwentas na may hugis pusong pendat at sa gitna niyon ay may maliit na kulay rosas na perlas.   “Huwag na huwag mong huhubarin ang kuwintas na ito, kahit anong mangyari. Ito lang ang bagay na iniwan sa’yo ng ina mo,” sabi nito habang hinahaplos ang suot niyang kuwintas. “It’ll save you in times you’re in trouble.”   Tumango siya at muling niyakap ang kanyang Lola. Naiiyak siya sa sobrang excitement, sa wakas, makakarating na siya sa isang beach resort!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD